bc

My Pretend Love

book_age18+
13.1K
FOLLOW
73.5K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
arrogant
CEO
comedy
twisted
bxg
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Lily is known as a killjoy among her close acquaintances. She doesn't interact much with men and is selective about whom she associates with, depending on their behavior towards her.

However, she meets Isaac Montenegro, who, from the moment Lily lays eyes on him, fills her mind with annoyance due to his arrogance. He constantly teases, annoys, and irritates her.

Unexpectedly, Isaac needs Lily's cooperation at the wrong time. Lily is left with no choice but to go along with Isaac's shenanigans - pretending to be his girlfriend to avoid his persistent ex-fling.

chap-preview
Free preview
Teaser
Habang nagluluto sa kusina si Lily, hindi niya napansin ang papalapit na si Isaac. Mula sa kanyang likod ay pabirong sinundot nito ang kanyang tagiliran dahilan para mapahiyaw siya nang malakas at matapon ang mainit na sabaw sa muwebles na sahig. "s**t! Ouch...," hiyaw ni Isaac nang mapaso ito sa sabaw na natapon. "Aahh... ang init!" ani ni Lily at nagmamadaling tumakbo sa may sink. Nagngingitngit siya sa galit dahil sa ginawang iyon ni Isaac. Pinukol niya ito ng matalim na tingin. Bwesit talaga ang lalaking 'to. Nag-peace sign lang ang mokong. "Baliw ka ba? 'Pag ako talagang hindi makapagpigil sa'yo sasapakin na talaga kita," nanggagalaiting saad ni Lily sa nakangising binata. Lumapit si Isaac sa inis na inis na dalaga, halos hindi na maipinta ang mukha nito. Kulang nalang ay umusok ang ilong nito sa inis. Ngumisi si Isaac at saka pinisil ang ilong ni Lily, na kung titingnan mo'y lumalaki na ang butas nito sa inis. Inis na pumiksi si Lily sa nakangising binata. "Damn you! Asshole!" sigaw niya rito at nilinis ang sahig. Napaigtad si Lily nang maramdaman ang mga kamay ni Isaac sa kanyang kamay na ngayo'y nakapatong sa mop na kanyang hawak. Muli'y inis na pumiksi siya rito at tinulak ang matipunong dibdib ng binata. s**t! Ang lapad. What the f-ck! "Come on, I'm sorry, hindi ko napansin 'yon Lily," hinging paumanhin ni Isaac sa nakasimangot na dalaga. Hindi pinansin ni Lily si Isaac at itinuon ang pansin sa paglilinis. Akmang kukunin ni Isaac ang mop sa kanyang kamay nang pukulin niya ito nang nakamamatay na tingin. Itinaas ni Isaac ang dalawang kamay, tanda nang pagsuko sa dalaga. Sa totoo lang nakonsensiya siya sa ginawa, hindi naman niya alam na mainit pala ang sabaw na iyon at bagong salang pa. Ang focus niya kanina'y gulatin lang si Lily. Ewan ba ni Isaac, but he was enjoying teasing Lily, hindi yata kompleto ang araw n'ya 'pag hindi niya ito napipikon at naiinis. Lily makes his day complete. Imbes na sa distillery siya dumiretso, sa bahay siya ng kanyang tita Micah dumiretso. Heto ngayon ang napala n'ya. Lily is pretty, mataray nga lang. Naisip n'ya tuloy kung may kaibigan ba ang babaeng ito? Kase, sa tingin niya'y ang tita Micah lang nito ang tangi nitong ka-close friends. Batid rin niyang may pagka-killjoy ang dalaga. Kanina pa naiinis si Lily kay Isaac at kanina pa rin bumibilis ang t***k ng kanyang puso. Sino ba naman siya para pag-ukulan nito nang pansin? Isa lang naman siyang hamak na baby-sitter sa mga pinsan nitong sina Moises, Meriam, Mark, at Joshua. Sa ngayon dahil malaki na rin sina Moises at Meriam, sina Mark at Joshua na man ang inaalagaan niya ngayon. Kailangan niyang patayin ang nararamdaman. Pinagsabihan na siya ng kaibigang si Micah na likas na babaero si Isaac. Kaya 'wag daw siyang magpapaloko rito. Subukan lang nitong ibilang siya sa mga babae nito at matitikman nito ang maliit niyang kamao pero malakas kung humagupit. Naikuyom n'ya ang dalawang kamao. "Pwede ba, umalis ka nalang dito kung wala ka namang maitutulong sa ginagawa ko, hindi ito playground for your info!" asik n'ya sa binata at marahas na binangga n'ya ang balikat nito. Saka ito nilampasan para kuhanin ang kutsilyo. Ngumisi lang si Isaac at saka umupo sa upuan. Nakamasid sa ginagawa ng dalaga. Nagluluto si Lily nang hapunan para sa mga bata. Tinolang manok sana, kaya lang natapon iyon. Umirap si Lily sa nakade-kwatrong si Isaac. Hindi na lamang niya pinansin pa ang presensiya ng binata, ngunit ang totoo kanina pa siya hindi mapakali. Bwesit! Ba't ba siya nakaramdam ng ganito. Ang hot naman kase ni Isaac. Lalo na kung ngumiti ito, ngiti pa lang nito ay pamatay na kahit sinong babae'y mahahalina sa gwapo nitong mukha, matikas at matipuno ang binata. Manang-mana sa kapatid nitong si Lucas Montenegro. "Ganyan ka ba talaga, laging nakasimangot? Ang pangit mo na, oh, alam mo kung marunong ka lang sigurong ngumiti siguro ang ganda-ganda mo," basag ni Isaac sa awkward moment na iyon nila ni Lily. "Kung hilahin ko kaya 'yang dila mo at putulin nitong kutsilyong hawak ko?" sagot naman ni Lily, at inis na hiniwa ang luya at sibuyas. At dahil sa inis niya sa binata'y hindi sinasadyang pati daliri niya'y nahiwa n'ya rin. F-ck! Napahiyaw siya. "Aah.... aray!" daing niya, at namumutlang napatingin sa duguang daliri. Maagap namang napatayo si Isaac at mabilis siya nitong nilapitan. Nagulat si Lily nang mapagmasdan ang seryosong mukha ng binata. Akmang ilalayo niya sana ang kamay na nahiwa, ngunit  hindi ito pumayag at marahas siya nitong hinila patungo sa sink. Binuksan nito ang gripo at saka itinapat doon ang dumudugo niyang sugat. "Sa-salamat," tanging nasabi ni Lily sa binata. "Alam mo tuko hindi ka naman mamamatay pa nito, e, pero sana next time mag-iingat ka, palagi ka kasing nakatingin sa gwapo kong mukha, e, alam ko namang gwapo ako, pwede ba next time 'wag ka namang obvious," birong tugon ni Isaac, saka naman siya hinampas nang malakas ni Lily sa braso dahil sa sobrang inis. Hindi akalain ni Lily na kaya pa nitong magpatawa sa gitna nang kanyang kalagayan. Ang hangin talaga ng tsunggo na 'to. Kulang nalang ay liparin siya sa kayabangang taglay nito. "Bwesit!" inis na saad niya sa binata, akmang aalisin niya sana ang kamay sa mga kamay ng binata pero mahigpit ang pagkakahawak ni Isaac sa kanyang isang kamay. "Let me help you, huwag ka nang mahiya alam ko namang hindi ka na mahihiya sa isang tulad kong gwapo na, macho pa," ani ni Isaac, at itinaas pa ang t-shirt sabay pakita ng abs nito. Tumaas lang ang kilay ni Lily at hinayaan na lamang ang binata sa gusto nitong gawin, total heto naman talaga ang dahilan kaya siya nasugatan. Kung hindi siya nito pinag-tripan malamang ay hindi siya masusugatan. "Ang kapal din talaga ng apog mo, e, ano?" sarkastikong saad ni Lily sa binata habang sinusuri nito ang hiwa sa kanyang isang daliri. Saka ito tumayo at kinuha ang medicine kit. "No, I'm just telling the truth, tuko! Masama bang maging honest? Mas masama pa rin ang magsinungaling, right?" tugon ni Isaac sa dalaga at inilapag ang medicine kit sa mesa. Nang matapos lagyan ni Isaac ng band-aid ang sugatang daliri ni Lily ay napangiti ito. Halos magwala ang puso ni Lily sa ngiti ng tsunggong nasa harapan niya ngayon. Pero aminin man niya o hindi sa sarili, kinikilig siya sa tuwing inaasar siya ni Isaac, idinadaan na nga lang n'ya kunwari sa galit-galitan effect para itago rito ang totoo niyang damdamin. Ipokrita siya kung hindi siya magkakagusto sa isang Montenegro. Pero kailangan niya paring rendahan ang sarili. Hindi ang tipo niya ang magugustuhan ni Isaac Montenegro. Baka sa bandang huli'y siya pa ang masaktan at maging luhaan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook