Kabanata 1

1064 Words
Habang nagdidilig nang halaman si Lily ay inayos niya ang mga paso para na man maganda itong tingnan. Pero laking-gulat na lamang n'ya nang may maramdaman siyang tubig sa kanyang binti. Hindi na siya nag-aksaya pang lingunin kung sino ang salarin niyon. Sino pa nga ba ang gagawa niyon sa kanya, kundi si Isaac. Pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa. Pero mas nagulat siya nang itapat iyon ni Isaac sa mukha niya, sa inis niya'y nilingon niya ang binata at inis na ibinato niya rito ang walis. "Bwesit ka talaga, Isaac!" sigaw niya. Humalakhak lang si Isaac sa tinuran niyang iyon at saka ito naghubad sa harapan niya. Here he goes again, showing his shiny sparkling abs! The heck this man! "Do I look sexy?" tudyo ni Isaac sa kanya. Ngumisi ito na tila nakakaloko. Teasing her triumphantly. "Ba't ba kase idadaan mo pa sa pang-aasar ha, aminin mo na kase na gusto mo ako kaya ka laging nang-iinis sa'kin," diretsang saad ni Lily sa tila gulat na binata. Pagdaka'y lumapit si Isaac sa kanya at sumayaw ng sexy dance. Ilang mura rin ang pinakawalan ni Lily sa kanyang isipan. "What if I say, yes? May pag-asa ba ako sa isang tuko na, killjoy pa," nakangising sagot naman ni Isaac sa kanya. Ramdam ni Lily ang tila mga paru-parong nagsiliparan sa kanyang tiyan. s**t! Kinikilig siya sa totoo lang, pero hindi siya pwedeng magpadala sa mga matatamis na salita ni Isaac. "Tsunggo! Bwesit ka talaga!" sigaw ni Lily sa mukha nang nakangising si Isaac. At saka tinalikuran ang binata. Sinundan naman ito ni Isaac. Hindi napapalis ang ngiti ng binata. Namumula na sa inis si Lily, kinuha nito ang walis at dustpan para walisan ang mga tuyong dahon. "Sir, may naghahanap po sa inyo, si Febbie daw po siya, ang sabi'y gusto niya raw po kayong makita at makausap," ani ng isang kawaksi. Kumunot ang noo ni Isaac nang marinig ang pangalan ng isa sa kanyang mga flings. "Sabihin ninyo wala ako," sagot niya, tumango lang ang kawaksi at saka tumalikod na. "Yan kase, baka nabuntis mo 'yon kaya ka hinahanap," singit bigla ni Lily. "I used protection," maagap na sagot ni Isaac. Napansin ni Lily ang tila parang bad mood ang tsunggo, lihim siyang napangiti. Ang gwapo pala ng mokong na 'to kung mag-suplado. His perfect jaw really fits his handsome face. His aristocract nose suit him perfectly. Naalala ni Lily ang Greek god na si Zeus. "Buti naman naisip mo 'yan, kung hindi baka maaga kang maging daddy," ani ni Lily at inayos ang paglalagyan ng mga tuyong dahon. "That won't happen," sagot ni Isaac sa kanya. Naputol lamang ang kanilang pag-uusap nang biglang narinig nila ang tila nagwawalang babae. Napalingon sina Isaac at Lily sa boses na iyon sa unahan. Kasalukuyang pinipigilan ng isang guard ang isang magandang babae. Halos kalmutin na nito ang gwardiya. Napasulyap si Lily kay Isaac, paniguradong kilala nito ang naturang babae. "Pigilan mo 'yon, naku naman, 'yan ang napapala sa mga lalaking katulad mo, huwag kasing babaero, baka buntis 'yan kaya ka kinukulit," palatak ni Lily at saka tinalikuran ang binata. Pero bago pa siya tuluyang umalis, nahagip na ni Isaac ang kanyang kanang braso, napasulyap siya sa seryosong mukha ng binata.  "I need your help, kailangang magpanggap tayo na magkasintahan para tantanan na ako ng bwesit na babaeng 'yan," tugon ni Isaac kay Lily, biglang tumaas ang kilay ni Lily nang marinig iyon mula sa bibig ng binata. "Aba't ako pa talaga ang gagamitin mo sa kalokohan mong iyan, Isaac? Come on, maawa ka naman sa'kin, paano kung sabunutan nalang ako bigla nang babaeng 'yan? Excuse me, no way! Hindi ako papayag na mapasama diyan sa mga kalokohan mo, maghanap ka nalang ng ibang babaeng magpapanggap na girlfriend mo," inis na turan ni Lily at sinubukang tanggalin ang kamay ng binata na mahigpit na nakahawak sa kanyang isang braso. Pero sadyang malakas si Isaac at hindi siya nagtagumpay na maalis iyon. "I beg you, Lily. I need you to pretend this time. Please...," sumamo ng binata na tila halatang nagpapa-cute pa ang tsunggo. Lihim na naaliw si Lily sa reaksiyon na iyon ng binata. Bago pa makasagot si Lily ay nakalapit na ang tila matapang at mataray na si Febbie. Tumaas agad ang kilay nito hanggang langit na tila gusto nang kumawala sa mukha nito at sinuyod nang tingin si Lily mula ulo hanggang paa. Taas-noo namang pinukol ito ni Lily ng isang mapanuring tingin. Aba't kong tarayan lang hindi siya magpapatalo dito.  "And who's this girl, Isaac?" mataray na tanong ng babae sa binatang cool lang kung titingnan mo at mabilis na inakbayan si Lily.  "She's Lily, my one and only girlfriend, right, Lily?" maagap na sagot ni Isaac sa babae. Masuyong ipinulupot ni Isaac ang isang braso sa maliit na bewang ni Lily, na lihim naman iyong naghatid nang nakakaengganyong kiliti sa kanyang kabuuan. Ramdam niya ang malakas na pagrigodon ng kanyang puso na tila ba may mga daga doong nag-uunahan sa pagtakbo. Gustuhin mang itama ni Lily ang sinasabi ni Isaac ay hindi niya magawa. Aba't hindi pa yata siya pumapayag sa hinihiling nito. Pero mas nagulat si Lily nang bihagin ng mga labi ni Isaac ang kanyang nakaawang na mga labi sa harapan ng babae. Tila nawalan ng lakas ang tuhod ni Lily sa hindi niya inaasahang gagawin ni Isaac. The heck this man! Naramdaman niya ang pagpisil ni Isaac sa kanyang bewang, wala siyang choice kundi tumugon sa halik nito. Sh-t! Ang first kiss niya kinuha na ng walangyang lalaking 'to.  "You-you jerk!" inis na sigaw ni Febbie at walang sabing nilisan ang dalawang magkapareha na kasalukuyang naghahalikan. Nang imulat ni Lily ang kanyang mga mata ay malakas na itinulak niya si Isaac. Sa inis niya at pagkagulat wala sa sariling nasampal niya ang kabilang pisngi ng binata. "What the f-ck!" mura ni Isaac habang sapo ang kabilang pisngi. Siya man ay nagulat sa biglaang pagsampal sa kanya ni Lily. "You deserved that idiot! Damn you, asshole!" Inis na sagot ni Lily kay Isaac. Mabilis ang kilos na nilisan ni Lily ang gulat na binata.  Napangisi si Isaac. Damn it! Her lips were smooth and sweet. Naiiling na lamang siya sa sampal na natikman niya mula kay Lily. She's a challenge for him. Nasanay siyang hinahabol siya ng mga babae, pero sa lahat ng babae si Lily lang ang naiiba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD