“Mas lalo mo lang pinapahaba ang tulog ni Paks.” Reklamo sa kanya ni Riki habang ina-adjust niya ang volume ng isang maliit na speaker na nakapatong sa bed side table. Hindi niya alam kung naka-ilang kanta na ang napapatugtug niya kahit ilang oras palang siyang nakarating. Galing siya sa isang business trip kaya hindi niya masisisi ang sarili kung gano'n na lamang ang pagka-miss niya kay Janessa. He is standing beside her and capturing a shot of Janessa while sleeping. Naka-ilang kuha siya ng pictures nito at doon natagpuan niyang nakangiti ang sarili habang binabalikan sa gallery niya ang mga dating pictures ni Janessa. Pagod siya pero nagiging silbing lakas niya ang maamong mukha ni Janessa. Matingnan niya lang ito ng malapitan at mahalikan sa noo ay full charge na ulit ang lakas niya. H

