“Gago, tama na nga 'yan! May balak ka bang sunugin ang atay mo?” Iritadong saway sa kanya ni Jersey. Nasa isang bar sila ngayon. Madaling araw na at napa-cancel na ang isang operasyon na naka-line kay Jersey dahil lamang agaran siya nitong pinuntahan nang tawagan siya ng kaibigan nilang may-ari ng bar. Nangbubug siya ng kapwa niyang mga lasing! Gago lang kasi nagpapakalango siya sa alak kahit alam niyang mahigpit na pinagbabawal iyon sa kanya! “Hindi pweding ako lang ang mapupuwersyo ng mokong na'to! Come here real quick Jaxx. Tangayin mo si Kelton para damay-damay na! ” Yamot na utos ni Jersey kay Jaxxon na kasalukuyang kausap sa kabilang linya. Jersey does not yet know the full extent of his drunkenness! He is literally a wasted man right now! Hindi makapaniwalang tinupi ni Jersey ang

