Kanina pa siya inip na inip habang hinihintay ang oras ng paglabas niya. Pakiramdam niya sobrang bagal ng oras bago sumapit ang gabi kahit nakailang beses na siyang akyat baba simula ground floor hanggang 35th floor. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang ang pagkasabik niyang makabalik ulit sa isang shop kung saan tindahan iyon ng mga cupcakes. Isang pamilyar na tao ang nakita niya doon. Gusto niyang manigurado na hindi siya namamalikmata at totoo ang nakita niya kanina ng mapaliga siya doon kanina lamang tanghali. Hindi siya nagpasundo ngayon kay Quinn dahil alam niyang busy ito ngayon sa opening ng isang Mall na pag-aari ng kaibigan nitong si Jaxxon. Si Quinn ang Engineer ng Mall na 'yon kaya kailangan ng presenya nito doon. She can manage her whereabouts. Hindi niya kailangan mang

