bc

MARRIED THE MAFIA BOSS

book_age12+
15
FOLLOW
1K
READ
family
pregnant
heavy
serious
abuse
cheating
lonely
tortured
virgin
punishment
like
intro-logo
Blurb

Because of poor life, Calestine's sister stole a huge amount of money, but Calestine's sister did not know that the person she robbed was a very dangerous man, And because they were just poor they cannot pay the amount of money that her sister stole, so they offered Calestine to be the payment.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Nasan naba kasi ang kapatid mo!" Dinig kong sigaw ni Tatay. "Armando... Kumalma ka, mababayaran din natin 'yun.." Inalo siya ni Nanay. Kakaalis lang nang lalaking naniningil ng halos sampung milyong piso samin, Sinabi niya na ninakaw daw iyon ni Ate Cara, Hindi kami agad naniwala kasi alam namin na hinding-hindi iyon magagawa ni Ate, kahit gaano kahirap ang buhay namin.. Pero nag kakamali ako, nagnakaw talaga siya. At ngayon hindi namin siya macontact. Galit na galit si Tatay at Nanay. "Nay... ako na pong bahala, mababayaran rin natin iyon," Niyakap ko siya dahil nakita ko nanamang umiiyak ito. "Hindi ko pinalaking magnanakaw ang ate Cara mo." Humihikbing sabi nito. "Alam ko nay, ako napo ang bahala.. hahanapin ko po siya.."                           2 DAYS LATER Ilang beses ko nang tinawagan si ate Cara pero ni isang beses ay hindi niya ito sinagot. Hanggang ngayon di'y naghahanap ako ng trabaho.. Hirap na hirap na kasi si Itay at Inay na maghanap buhay.. "Binibigyan ko kayo nang isang buwan para makapagbayad kundi..." Naalala ko ang huling narinig ko sa bahay kanina, Paano namin mababayaran ang sampung milyon sa isang buwan? Mahirap lang kami, Hindi pa ako nakakahanap ng trabaho kahit nakatapos naman ako ng pag-aaral. Nang makaramdam ako ng gutom ay agad akong naghanap ng mapagkakainan. Bumili nalang ako ng pagkain sa isang karinderya at kumain ng payapa sa ilalim ng isang malaking puno, may upuan naman don kaya dun na ako kumain. Habang kumakain may napansin akong babae na nagtatago, may kausap itong lalaki. Pamilyar ito, ng silipin ko ay nakita ko si Ate Cara! Nilapitan ko agad ito at hinila sa isang sulok. "Ano b— Calestine?!" Nabigla siya ng makita ako. "Ate ibalik mo na 'yung pera please, Nag hihirap na sina Tatay at Nanay para bayaran ang ninakaw mo..." Humihikbi kong sabi dito. "Tine.. Hindi pwede, Buntis ako, Kasama kong namunuhay ngayon si Ferron, Kaylangan ko ang perang yon, Kaya't hindi ko mababalik.. I'm sorry.. ikaw na ang bahala kay Itay at Inay..Mahal ko kayo.." Agad siyang tumakbo. "Ate Cara!!" Sigaw ko pero hindi na nya ako binalikan. Napasalampak nalamang ako aa sahig at umiyak, Magdidilim na nang makauwi ako, Pagdating ko sa bahay ay nakarinig ako ng mga sigawan at iyak. Kinabahan naman ako at agad kong pinasok ang bahay. Nakita ko na kumuha ng kutsilyo si Itay at tinutok sa lalaking nakaitim. "Hindi! Hinding hindi mo makukuha ang anak ko saakin!" Sigaw ni Itay. Sasaksakin niya na sana ang lalaki ngunit mas mabilis nyang sinuntok si Itay. "Tay!" Sigaw ko at agad itong pinuntahan, Nagdudugo ang bibig nito dahil sa suntok. Agad naman kong niyakap ni Itay, At hinarang ang kanyang katawan sakin. Animo'y pinoprotektahan ako sa lalaki. "Get her." Nasitaasan ang mga balahibo ko sa boses na narinig. Tinignan ko ang nagmamay-ari ng boses. Isang matipunong lalaki, Maputi ang balat. Matangkad, At makakapal ang kilay. Ang mga mata nito'y kulay abo. At yung jawline niya! Naka suot ito ng itim na polo, nakatupi hanggan siko ang mahaba nitong manggas. At itim na slacks, Men in black ka men? "If you won't give her to us, Hindi na niya kayo madadatnang humihinga." Sabi naman ng Assistant ng lalaki. Bakit naman nila ako kukunin? "Hindi! Hindi nyo siya kukunin sakin!" Sigaw ni mama. "Give her to me, Or I'll sue your daughter for stealing my money." Ani nito sa malalim na boses. Nabahala ako duon, Siya siguro ang ninakawan nang pera ni ate, Ayaw kong makulong si ate, lalong maghihirap ang buhay namin. Kahit pa alam kong mali ang ginawa ni ate Cara ay ayaw kong makulong siya. Buntis siya at ayaw kong makasama iyon sa magiging pamangkin ko. "Wag po! Wag ninyong ipakulong si ate! Kahit kunin niyo nako, Wag niyong saktan ang mga magulang ko." Pagmamakaawa ko. Naintindihan kona, Kung bakit kinukuha nila ako. Ako ang kabayaran sa utang ni Ate.. Tinignan niya ako. At ngumisi. "A-anak! H-hindi p-pwede! Dito kalang samin!" Sabi ni Inay. Ngunit hindi pwede, pwedeng manganib ang buhay nina Itay at Inay. "Anak hindi pwede! Kahit mag-hirap na kami ng Itay mo, wag kang sasama!" Nilapitan ko si Nanay at niyakap. Humihikbi siya habang niyayakap ako at panay bulong nang 'Wag mo kaming iiwan..' Iyak nadin ako ng iyak. Kailangan Nay eh, Kung hindi papat#y1n niya kayo. Sabi ko sa aking isip. "N-nay.... Ayos lang ako," Nabasag ang boses ko. "Kung hindi naman ako sasama pap#t@y1n niya k-kayo, a-ayokong mawala k-kayo sakin.. Okay lang na malayo ako sainyo.." Bulong ko sakanya. Umiling iling ito, Ngunit buo na ang desisyon ko, Ayaw kong mam@t#y sila ng dahil hindi ako sumama. Kailangan kong isakripisyo ang sarili ko, Buong buhay nila ay puro paghihirap ang naranasan nila. Tinignan ko ang lalaki kanina, Nanginginig ako sa takot ng makasalubong ko ang mga magaganda nitong abong mata. Yumuko ako. "S-sasama po ako, wag niyo lang saktan ang mga m-magulang ko." Sabi ko, at pinunasan ang luha na nasa mukha ko. Ngumisi siya. At tumango. "That's what i expect. Now get in the car." Nabigla ako, Hindi manlang ako bigyan ng palugit para makasama ang mga magulang ko kahit dalawang araw lang. "P-pero— "No buts. Now get in the car." Pagputol nito sakin. "Kahit isan— "I said get in the car!" Napatalon ako sa lakas ng boses nito. Napatango ako sa takot at nagsimulang magtuluan ang luha ko. Simula pagkabata ko ay hindi ako sinigawan o pinagbuhatan nang mga magulang ko. Nakakapanibago lang. "S-sandali l-lang." Nagpumiglas ako sa hawak ng dalawang lalaki. Agad kong tinakbo sina Inay at Itay na umiiyak. "N-nay, m-magiging o-okay lang ako, mag iingat kayo h-ha? Huwag kanang kumuha ng mga l-labada, Ako na ang b-bahala.. Mahal kita Nay!" Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. Bumaling naman ako kay Itay "T-tay, alagagaan mo ang sarili mo ha? M-magkakasakit ka kung l-lagi kang nasa init, alagaan mo si N-nanay, babalik ako Tay, babalik ako," Hinalikan niya ako sa noo. "Mahal ko kayo tay." Huling sambit ko at hinila na ako ng mga alagad nung lalaki. "M-mahal kita, A-anak." Ani ni Itay. Nakatulog ako sa biyahe dahil sa pagod, Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. At tama ang hinala ko at nakatitig nga ang lalaking may abong mata sakin. Nag iwas ako ng tingin sa sobrang pagka-ilang. Huminto kami sa isang napalalaking bahay, Malayo ang siyudad dito, dahil nakita kong dumaan kami sa medyo masukal. Hindi pa kami nakakapasok sa bahay ay namangha na ako sa design ng bahay, napaka laki. Kahit madalas ay makakita ako ng malalaking bahay ay mas malaki talaga ito, Mansyon ata ito. Napalingon ako ng tumikhim ang lalaki. "You're gonna live in here from now on, you will be my slave." Nangilabot ako sa takot. Tumango nalamang ako. "Josh, bring her to her room." Utos niya sa lalaking nagngangalang Josh. "Halika," Tumango ako at sinundan ang lalaking Josh ang pangalan. Umakyat kami sa second floor ng bahay, Hindi ko alam kung ilang floor ang bahay sa laki nito. Itinuro niya ang isang pinto at sinabing iyon daw ang kwarto ko. "S-salamat." Sabi ko, nakayuko padin. "Okay. Kung may kailangan ka, Bumaba kalang." Sabi niya at iniwan ako don. Pumasok ako sa kwarto, Napaka ganda. At napakalaki, Nakita ko na may Walk in closet pa, May mga damit na doon. Hindi naman ako picky sa damit. Mga loose at oversized halos ang mga damit, may mga dress at croptop din. Magaling ang pumili. Kulay puti ang kwarto, at sa background naman ng kama sa likod ay kulay berde at may mga bulaklak sa gilid gilid, Favorite color ko ang green. May mga gamit pang iba. Malambot ang kama. Kamusta kaya sina Nanay at Tatay? Okay lang ba sila? Si Ate kaya? okay lang ba siya? Napaiyak akong muli nang maalala sila. Humibkbi ako at nag punas. Hindi ko namalayan na may tao pala sa Gilid. "Stop crying," Malamig na ani nito. "It's annoying the h311 out of me." Sabi nito at umalis din. Sa ngayon kailangan kong maka-survive dito, Hindi pwedeng iwanan ko sina Tatay at Nanay nang ganoon ganoon lang. Dapat magalit ako e, Dapat galit ako kasi hindi mangyayari ito kung hindi nagnakaw si ate Cara, Hindi dapat ako ang kabayaran dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook