Shera
“Shera. Nasan na yung pinapadala naming binggo?”
Yan lagi noon ang bungad ni Regine.
Pero hindi ko na ulit naririnig yun...
Simula noong nawala si...
Shera.
Pagkapasok ko pa lang ng room, napatingin silang lahat sakin.
Di ko mawari kung gulat o galit ang makikitaan sa kanilang mga mata, pero okay lang sakin, may karapatan naman siguro silang magalit.
Dahil siguro doon…
“Shera. Tara kumain.”
Si Nette.
Lagi niyang tinatawag si Shera noon para kumain...
Pero ngayon, hindi na niya magawa. Tulad ng iba, hindi niya na rin ako pinapansin…
Kinamumuhian niya na rin kaya ako?
Napatingin nalang ako sa kanila na masayang nakikipagkwentuhan. Parang dati lang… Kasama pa nila akong kumain.
Ang saya nilang tignan…
“Shera. Tara mag review, may maliit na pagsusulit tayo sa Makabagong Sining.”
Bigla kong naalala si Anna.
Lagi niyang inaayang magreview si Shera noon. Pero yung review buddy niya…
Wala na.
Lumabas ako ng klasrum at napatingin sa kabilang parte ng hagdan. Nandun sila Anna… Nagrereview.
Parang dati lang… Nagtuturo si Johna habang sina Nette, Sunee at Grazel naman ay nakikinig, Samantalang sina Regine, Maphi at Ardie nagsosolo.
“Shera. Oy! Bilisan niyo na diyan, mauunahan tayo sa pila!”
Laging sigaw ni Regine kay Shera...
Pero ngayon hindi na niya magagawa pa. Kahit pagtawag sakin, hindi na rin niya kayang gawin.
Pagkalabas na pagkalabas ng guro ay tumayo na si Regine at tinawag na sina Johna para umuwi.
Parang dati…
Kasama pa nila ako at si Shera.
Kung hindi lang dahil doon…
Hindi ko talaga maalala kung anong nangyari…
Hindi ko sinasadya...