"Marcus?" Hindi man niya lingunin ang boses na iyo’y kilalang-kilala na niya kung sino ang nagmamay-ari niyon. Mabilis na napatuwid ng tayo si Tori at pilit na tinutulak siya palayo dito ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa babae. Dahan-dahan siya tumuwid sa pagkakatayo habang nakatitig sa mga mata ni Victoria. Bakas sa mukha ng dalaga ang samu’t-saring emosyon pero mas nangingibabaw ang nagtatanong nitong mga tingin. For sure, she’s got the hint kung sino ang bagong dating na pumasok mula sa pangatlong palapag. Muling napatingin si Marcus sa mga labi ng dalaga and heaven knows, he is really keeping himself from reaching out to it. Nagkamali siya nang ginawa ang paghalik sa babae dahil pinatunayan lamang noon kung gaano niya pinananabikan ang mga labing iyon simula noong unan

