bc

The Beauty and her Madness

book_age18+
483
FOLLOW
1.6K
READ
revenge
alpha
dominant
brave
queen
bxg
humorous
small town
betrayal
lies
like
intro-logo
Blurb

"I was ready to die for you, but never realized that it was you who will kill me."

She, once believed in that quote, until treachery crossed her heart.

She is Brgy. Chairwoman Tori Franco. Has been in love with her responsibility to her beloved Barangay Macabebe sa bayan ng Paraiso when one day, he met this man full of angst and arrogance. Guwapo sana at mukhang knight in shining armor ang dating. Iyong tipong matutunaw na ang manhid niyang puso, kung hindi lang sana sa kapal ng mukha nito at pagiging brusko. Mukhang nakakita pa siya ng mortal enemy sa katauhan nito. Mas lalo pa siyang nainis dito nang lakas-loob siya nitong pinagsabihang walang alam sa pamamalakad ng kaniyang barrio.

Siya naman si Marcus Jace Sy. Considered as the prodigal son of the biggest shipping magnate ng Pilipinas na bukod sa nangma-magnet ng mga chicks, mukhang ginawang goal na rin ang pang-iinis sa pinakamagandang babae ng Macabebe. His charms flowed alluring attractions na hindi mo aakalaing sa likod niyon ay isang lihim na pagkatao ang nakatago.

Sa loob ng halos dalawang buwan ay makikilala nila ang niloloob ng isa't-isa. Both of them will linger in their hearts' desire until the day will come, they'll realize it's only superficial.

Past, fate, and beliefs. Paano nila mapaglalabanan ang mga ito kung sa umpisa pa lamang, sinadya nang mangyayari and kanilang pagtatagpo?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Nightmares
"B-Bilisan mo!" Halos hindi naman magkandatuto sa pagtakbo ang tinawag. Nakasunod ito sa likod ng isang babaeng may hawak na sanggol habang pilit na tinatakasan ang mga tauhang humahabol. Hanggang sa bigla na lamang itong madapa. "Diyos ko po, Madam!" Nanginginig man sa takot ay pinilit ng tila katiwala ng naunang babae ang magpakatatag. Mabilis itong lumuhod sa nasadlak na ginang. Agad nitong sinipat ang kalagayan ng baby. Nakahinga ito ng maluwag nang makitang protektado ito ng ina sanhi upang ito'y hindi man lang tumama sa bato o matitigas na bagay. Ni hindi rin ito umiyak at tahimik lamang na namimilog ang mga mata, tila ba nakikiramdam sa mga nangyayari. "M-Madam, kailangan niyo pong tumayo. Baka m-maabutan po nila t-tayo!" Ngunit sa kasalukuyan nitong nakikita sa sitwasyon ng kasama, mukhang gusto na rin nitong sumuko. Tila kasi unti-unti nang nawawalan ng lakas ang among babae. Nanginginig na yakap-yakap nito ang sanggol habang impit na umiiyak. Halos mapuno na rin ng putik ang kulay puti nitong bestida. "Madam, bilisan na'po natin. Tutulu-" "K-kunin mo na siya at u-umalis na kayo dito." Pilit iniaabot sa kaniya ng butihing ginang ang bata. "Madam, hindi puwede." umiiyak nitong ani. Tuluyan na itong napahagulhol at halos pasanin na ang magandang babad pero hirap itong gawin iyon. Sa halos dalawampung taon nitong paninilbihan sa pamilyang ito, wala siyang ibang nasaksihan kundi purong pagtitiis at paghihirap ng among babae. "Please, maawa ka sa bata. Ilayo mo na siya dito bago pa siya maabutan." "Madam, paano po k-kayo? Pakiusap po, m-magpakatatag kayo." Subalit umiling lamang ang babae. Habang hirap na hirap itong nagpumilit na makaupo, noon naman nakita ng katiwala ang dugong kumalat na sa bandang tiyan ng amo. Napasinghap ito at tuluyan nang napaiyak nang maunawaan nitong may tama nga ito ng baril. "M-Mangako ka. Ikaw n-na ang bahala sa a-anak ko. Ilayo mo s-siya dito at huwag na huwag mong h-hahayaang matunton nila ang bata. M-Mangako ka." "O-Opo, Madam. Pangako po." "Tori, anak? Gising ka na ba?" Mahihinang katok sa pinto ng kaniyang kuwarto ang biglang nagpamulat sa kaniyang mga mata. Noon siya bumalik sa reyalidad mula sa tila may katotohanan niyang panaginip. Kumurap-kurap ang kaniyang mga mata ng ilang beses bago napahugot ng isang malalim na paghinga. Ilang segundo pa niyang binalikan sa alaala ang panaginip. It's really weird. She's been dreaming of that scene in series for almost a year now. She was already used to it, but totally no idea why she's been having nightmares. Ang nakakapagtaka pa, tila naririnig niya ang mga boses nito sa kaniyang diwa. Sa isip niya'y tila naririnig nito ang usapan ng dalawang babae "Tori?" Oo nga pala, ang nanay niya! "Gising na'po, Nay. Susunod na po." Mabilis na siyang tumayo at isinuot ang pares ng kaniyang tsinelas na pambahay. "Sige, bumaba ka na't nandiyan na si Ina, at INAantay ka na." Natawa siya sa hirit ng ina. Sume-segway din ng mga joke ang Nanay Nita niya na mukhang nahahawa na nga sa kaniyang kaibigan. Nag-stretching siya ng ilang beses bago hinablot ang nakasabit na tuwalya. Dere-deretso niyang tinungo ang sariling banyo para makapag-ayos na. Saktong treinta minutos at papalabas na siya ng kaniyang silid. Napangiti siya nang agad niyang nakita ang taong piniling maging Eva kesa maging Adan. Nakapameywang ito at kahit nakatalikod sa kaniya, alam niyang sa kaniya ang kapeng tinitimpla nito. "Good Morning!" Maaliwalas niyang bati sa dalawang taong malapit sa kaniyang puso. Humalik siya sa pisngi ng kaniyang Nanay Nita bago sinundot ang tagiliran ng bestfriend. Napatili ito at akma sanang gaganti sa kaniya nang bigla niya itong pinanlakihan ng kaniyang mga mata. Natatawa siyang inabot ang tasa ng kape mula dito bago naupo sa harap ng ina. Abala ito sa paghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuing ulam sa araw na 'yon. "Good morning, Kapitana!" overrated greeting ng bestfriend niyang bakla. Tila nabulabog naman ang lahat ng natutulog pang insekto sa kanilang bahay. Natawa na lamang siya sa inasal nito. Sa ilang taon na nilang pagiging magkaibigan, alam na alam na ng dalaga ang ugali ng isang Inocencio. "Salamat dito, mang." Mamang for short, endearment nila ng kaibigan. Agad siyang humigop sa tasa ng kape na ginawa nito bago dagling umangat ang isa niyang kilay. "Hmm, masarap siya ngayon, di gaya kahapon, ang pangit ng lasa." Palihim niya itong tinapunan ng tingin. Gusto niyang makita ang reaksyon nito sa kaniyang tukso at hindi nga siya nagkamali. Ngumuso ang bakla at umikot ang eyeballs ng baklush bago napasimangot. "Abuso ka, ha? 'Yung mga timpla kong pang-star bucks, nilalait-lait mo lang. Saka, ano ba 'yang suot mo? Que horror naman, Mamang! Palitan mo nga 'yang get-up mo na para kang siga!" "Huh! Para kang sira. Matino 'tong damit ko, no? Ano'ng gusto mo sa'kin, naka-sports bra habang nagdya-jogging? No way!" Alam niya ang ipinagsisinter ng kaibigan niya. Kundangan kasi, mahilig itong mamili sa ukay-ukay at ang trip nitong kolektahin e mga sports bra tapos ibibigay sa kaniya. Katuwiran nito, kailangan naman niyang ipagmalaki ang pinagpala niyang chocolate hills. She winced to that thought. Parang gusto niyang sabunutan ang kaibigan sa mga itinuturo nito sa kaniya. "Oh, please." maarte itong nagmake-face. "Ayan na naman tayo sa pagiging siga mo, Te! O siya, nauunawaan ko na. Ikaw ang pinagkakapitagang ina ng baryo Macabebe kung kaya't kailangan mo talagang maging maton." Kumekendeng-kendeng pa itong lumapit sa lamesa at naupo sa kaniyang tabi. At kung akala niyo po'y nagbibiro si bestfriend Ina? The answer is no, dahil sa edad na beinte-otso, siya nga ang pinakabatang punong barangay sa bayan ng Paraiso na sakop ng probinsiya ng Benguet. Ilang minuto pang usapan at lagok sa kape ang ginawa niya bago tumayo at tinungo ang shoe rack. Mabilis na isinuot ng dalaga ang isang pares ng running shoes bago kinalabit ang kaibigan. "Halika na nga at nang maka-ilang ikot tayo ngayon. Dapat, lima hanggang pitong beses nating maiikot ang park. Dadaan pa tayo sa chapel para makita ang progress ng landscape nila Mang Kadyo." Biglang napangiwi ang kapitana nang marinig ang matinis na boses ng bakla. "What?! Mamang naman, kung gusto mong magpakamatay sa pagod, 'wag ako ang isama mo, please! My gahd! Hindi ko pa nakikita ang prince charming ko, laglag na ang matris ko!" "OA!" Irap niya dito sabay hablot sa damit nito. "Bilis na. As if naman may matris ka talaga." Natatawa niyang pang-aasar dito habang nangingiti namang nakamasid lamang sa kanila ang ina. "Nay, jogging po muna kami, saka dadaan na rin po ng chapel." "Sige, ingat sila sa iyo, Kap." Natatawang sagot ng ina. Muli niyang kinurot si Inah. Ngayo'y confirmed na nga, nahawa na ang Nanay Nita niya sa bakla. ----------------- "S-sandali..naman mamang!" Napapailing niyang nilingon ang kaibigan at nginisihan. Umuga pa ang magkabila niyang balikat sa pinipigilang pagtawa dahil sa mukha nitong tila kabayong hinihingal. Halos mapatid na ang hininga nito. "S-sandali n-nga. Hoohhh!" Humakbang siya dito pabalik. Hinihingal din naman siya. Ano'ng akala sa kaniya ng kasama, cyborg? Pero kasi, malakas ang kaniyang stamina at sanay na siya sa pagdya-jogging araw-araw. Walang tigil niyang nginingitian at kinakawayan ang mga taong dumaraan at bumabati sa kanila. Nang sipatin niya ang kaniyang wrist watch, nakita niyang malapit nap alang mag-ala syete ng umaga. Mukhang nag-uumpisa nang maging busy ang kanilang komunidad. "Ayoko na talaga. Maghanap ka na lang ng partner mo bukas. I quit!" Naghihisterikal na singhal sa kaniya ni Inah. Pero inismiran niya lang ito at hindi pinansin. "Good morning po, Kapitana!" "Good morning din po, Mang Julian, Aling Feli!" "Naku, mukhang hinihika na po yata si Kuya Ino-," natigil sa pagsasalita ang isang teenager at kumaripas ng takbo nang matalim itong binalingan ng kaibigan. Hinampas naman ng dalaga ang braso ng kasama. "Aaawww, ane be?" "Heh, magtigil ka nga! O sige, bukas break na tayo. Huwag ka nang pupunta sa bahay para kumain ng mechado at ube halaya. At oo nga pala, sasabihin ko kay Gael-" "Oo, sige na. Tumahimik ka nang maldita ka. Magaling ka talagang mang-black mail, susmaryosep. Kung hindi ko lang paborito ang mga luto ni Nanay Nita." Nagdadabog ito habang naglalakad na sila patungo sa isang bakery na di-kalayuan sa park ng inikutan. Bumili sila ng tig-iisang bottled mineral water at agad tinungga nang mabuksan. Patuloy sa pagbati ang dalaga sa mga taong naroroon. Sanay na ang mga itong makita ang maganda nilang kapitana na nagdya-jogging sa umaga kasama ang guwapo sana pero binabae naman nitong kaibigan. Inocencio ang totoong pangalan nito na naging Inah na nga matapos nitong magladlad noong college. May-ari ito ng saloon sa kanilang bayan. Isa ang pamilya nito sa mga kilalang pamilya sa bayan ng Paraiso. Gayunpaman, hindi alam ng Kuya Gael nitong isang sirena ang kaibigan. Nasa ibang bansa ito dahil miyembro ng US Marines at malamang, tatamaan ng maso ang kaniyang bestfriend kapag nagkataon. Habang abala sa pakikipag-usap, naagaw ng isang batang lalaki ang pansin ng dalaga. Nasa kabilang panig ng kalsada ang matabang bata, umiiyak ito at nakatingala sa may puno ng mangga. "Rocket, baba ka na diyan please. Huwag ka nang magtampo." Dinig niya ang paghikbi ng bata habang kinukusot-kusot nito ang mga mata. Magalang siyang nagpaalam sa mga kausap at tumawid ng kalsada para lapitan ang bata. Nang makalapit siya'y bahagya siyang napaluhod at inilebel ang ulo sa mga mata ng paslit. "Hey, ano'ng problema?" She smiled to him. Pansin na rin niya ang unti-unting pagdami ng mga roving tricycle na dumaraan. Ang iba'y bumabati pa rin sa kaniya na sinasagot niya rin ng ngiti at kaway pero nasa batang umiiyak ang kaniyang atensiyon. Napatitig naman sa kaniya ang bagets ng nakanguso. Tantiya niya'y nasa apat o limang taong gulang ito at tama siya, ang cute cute ng bata. Namumula sa tama ng morning sunshine ang matataba nitong pisngi. Pansin niya ding nakasuot pa ito ng pajama pair na Cars. "Bakit ka umiiyak? Saan ka nakatira, bata?" "I have a name." Nagulat siya sa masungit nitong sagot. Natawa si Tori. Mas lalo pa kasing naging adorable ang mukha ng kausap. "Okay, what's your name? Ako nga pala si Ate Tori at doon ang bahay namin, 'yung kulay green na gate," sabay turo niya sa direksyon ng kanilang bahay may ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang kinaroroonan. Pero hindi siya nito sinagot at ni hindi man lang nilingon ang itinuro niyang direksyon. Hah! Isnaberong chikiting! Naalarma na siya nang mas lalo pa itong umiyak at humakbang papalapit sa puno ng mangga habang nakatingala. Ano ba kasi ang hinahanap nito doon at kanina pa ito nakatingala sa puno? Nang sundan niya ng tingin ang mga mata nito'y agad niyang nakita ang isang pusang tila kalahi ni Garfield. Kulay abo ito at may halong kulay puti rin. "Rocket, please let's go home. Uwi na tayo." Muli itong umatungal ng iyak. Hinaplos ng awa ang kaniyang puso. Nauunawaan na niya. Alagang pusa ng batang umiiyak si Rocket na noo'y tila nag-eenjoy pang nakatingin sa kanila habang ginagalaw-galaw pa nito ang buntot. Loko din ang pusang 'to a. Stress na nga ang amo, nananadya pa yata. "Hey, don't cry na. I'll help you get Rocket," sabay turo niya sa matabang pusa. Natigil ang bata sa pagngalngal at humarap sa kaniya. "Talaga?" Tila nagdududa nitong tanong. "Oo naman," "How can you do that? Ang taas ng puno and you're a girl." Tila hindi makapaniwalang tanong ng bagets. Pero kinindatan lamang niya ang bata bago masuyong ginulo ang buhok nito. Nag-stretching siya ng mga kamay at paa bago siya humakbang papunta sa puno ng mangga. "Yakang-yaka 'to. Pero ano muna ang pangalan mo?" The kid hurriedly stepped near her and in an instance, mukha itong bumait! "My name is Aaron at friends na po tayo kapag nakuha mo si Rocket." "Alright. Sabi mo e." Natatawa talaga siya sa ka-cutan nito. "Nice to meet you, Aaron. Hintay ka lang dito ha? At huwag kang tatawid ng kalsada." Tumango-tango ang bata. Halata pa rin sa mukha na hindi naniniwala pero umasta na itong nakaantabay sa susunod niyang gagawin. Hindi na nagdalawang-isip pa si Tori. Inilang hakbang niya lang ang puno at mabilis na kumunyapit sa mga sanga nito na tila sanay na sa ginagawa. Halata sa kaniyang kilos ang pagiging sanay sa paglalambitin at hindi alintana ang taas ng mga sanga na kinalalagyan mula sa lupa. Nakanganga lang na nakatingala sa kaniya ang bata. Unti-unting umusbong sa mukha nito ang pagkakaaliw na agad namang napalitan ng pag-aalala nang makitang umusog pa papalayo ang alagang pusa. "Aaron Christopher! What the hell you are doing?!" Dumadagundong ang boses ng isang lalaki. Agad napabaling dito ang pansin ng bata. Napatakip pa ito sa bibig at mabilis na tumakbo papalapit sa pinakapuno ng mangga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerous Spy

read
299.6K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.8K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook