"Tito Marcus?"
Narinig naman niya ang tawag ng pamangkin pero hindi siya sumagot. Mas lalo pa nga niyang ibinaon ang ulo sa ilalim ng unan.
"Tito Marcus? Tito Marcus!" Lalo pang lumakas ang tawag sa kaniyang pangalan at may kasama pang pag-kalampag sa kaniyang pintuan. Pero hindi pa rin siya tuminag kahit na unti-unti na siyang naiirita sa naudlot na pagtulog.
Damn! Sobrang napagod siya sa biyahe. Idagdag pang madaling-araw na siyang nakarating mula sa limang oras na byahe galing ng Maynila. Before he drove his car, he got laid for the first time sa loob ng isang buwang diet at saktong palaban pa ang babaeng naka-one-night stand niya kagabi.
He's really exhausted, at kung hindi lang sana niya kailangang tumungo dito kaagad, he could have made another round of exhibition in bed.
Ilang saglit din siyang naghintay para sa susunod na pangbubulabog ng pamangkin pero wala na siyang narinig. Sa kaniyang isip ay nagpapasalamat siyang tumahimik na rin ang paligid.
It's almost eight in the morning nang muli siyang magmulat ng mga mata. Pinilit na niyang bumangon at agad napakunot-noo nang maalala si Aaron. Hindi na kasi ito umulit kumatok sa pinto which is unusual dahil gusto nitong sabay silang mag-breakfast palagi hangga't maaari.
Agad siyang tumayo at humugot ng t-shirt at sweat pants sa closet bago mabilis na pumasok ng sariling banyo. Pagbaba niya ng salas ay wala siyang naaninaw na batang lalaki. Kunot-noo pa rin siyang humakbang papuntang dining area para tingnan kung naroon ang pamangkin pero wala ito.
"Manang Sonia?" may kalakasan niyang tawag sa katiwala. Agad naman itong lumapit sa kaniya. Mukhang galing ito sa lanai.
"Marcus, magandang umaga, iho."
"Good morning din po, Manang. Nasaan po si Aaron?" tipid na ngumiti ang binata sa kasambahay. Nasa sisenta mahigit na ang ginang at mismong tubong Benguet. Sa pagkakaalam ng binata'y malayong kamag-anak ito ng ama na siya ring tumayong yaya ng kaniyang nag-iisang kapatid sa loob ng limang taon noong sila'y mga bata pa lamang. Siya naman kasi'y laking lola in his father's side kaya nga sa kaniya napunta ang villa. Tubong Benguet kasi ang ina ng ama.
Dumeretso ng fridge si Marcus saka binuksan iyon para kuhanin ang isang box ng fresh milk para sa pamangkin. Ganito na ang kaniyang nakagawian simula nang siya na ang tumayong magulang nito two years ago.
"Ay, nasa garden kanina, Marcus. Kasama si Lily. Tatawagin ko ba?"
"Ako na lang po, pahingi na lang po ng kape." bahagyang humihikab niyang sagot.
Nang bigla'y kapwa sila napatingin ni Manang Sonia sa taong humahangos na pumasok ng dining area. Mukhang hindi pa siya nito nakita kaagad dahil deretsong nakatingin ang yaya ng bata sa matanda.
"M-Manang Sonia, nakita niyo po ba ang alaga ko?" tuloy-tuloy nitong tanong. Huli na nang makita ang presensiya ng binatang amo. Biglang namutla ang mukha ng yaya ng pamangkin at nagsimula nang umiyak sa takot. Dumilim ang mukha ni Marcus at halos magkapalit na ang mga kilay sa narinig.
"Nasaan si Aaron?!" dumagundong ang boses ng lalaki sa kabuuan ng malaking bahay.
"S-sir?"
Huminga ng malalim ang binata, halatang nagtitimpi. The nanny has just broken one of his rules pagdating sa pamangkin - ang mawala ito sa paningin.
"Stay here, mag-uusap tayo mamaya." Nanggigigil na turan ng amo bago mabilis na lumabas ng bahay.
Magkahalong kaba, galit at inis sa sarili ang nararamdaman ngayon ng binata. Hindi unang beses na nawala sa kaniyang paningin si Aaron. Muntik na itong ma-kidnap noon kung hindi lang naagapan ng kaniyang kapatid ang mga abductors nito. Being a Sy, is like a walking treasure dahil sa angkin nilang yaman. They just have a shipping empire but sad to say, hindi niya iyon nabigyan ng pansin. Malungkot, dahil nawala lang ang ama'y hindi man lang niya ito napagbigyan sa nag-iisang hiling nito.
Mabibilis ang mga hakbang na tinungo ni Marcus ang malaking gate ng villa. Agad niyang tinawag ang dalawang guard on duty para tumulong sa paghahanap ng pamangkin.
Paglabas na paglabas niya sa malaking gate, agad tumambad sa kaniya ang pamangking nakatingala sa puno.
Napapikit siya sa ginhawa. He thought he'd lost him again.
"Aaron Christopher! What the hell you're doing?!" nakapameywang siyang humakbang papalapit sa bata. Gulat na napatingin sa kaniya si Aaron pagkatapos ay nagmamadali pang humakbang papalapit sa puno ng mangga. Mabilis niya itong nilapitan at agad siyang lumebel sa bata para pagsabihan.
"What did I tell you, Aaron? You are not allowed to go beyond the gate, right?" pilit niyang pinakalma ang boses. The last time he burst out in anger dahil sa sadyang maikli ang pasensiya niya sa mga bata, hindi ito lumabas ng kwarto at nagmukmok. But Aaron is different. He's the only memory his brother has left him. Siya na ngayon ang tumatayong ama nito.
"Tito Marcus. Gigising po kita kanina pero ayaw niyo po akong buksan. It's Rocket." sabay turo ng bata sa taas ng puno. Medyo nahihirapan din itong magtagalog dahil halos nasa US ito kasama niya sa loob ng dalawang taon.
Tumingala si Marcus at wala sa sariling napanganga sa nakita.
"What the -"...salubong ang mga kilay nitong napamura.
Parang si Lara Croft ang babaeng nakikita niya ngayong walang takot na humahakbang sa isang may katabaang sanga ng puno papunta sa kinaroroonan ng pusa.
"Meowww, meowww. Come on, Rocket. Here kitty, kitty," tila hindi sila nito napansin sa baba sa kabila ng tangkad at tikas niya.
"Who's that girl?" saglit niyang niyuko ang pamangkin pagkuwa'y tumingala ulit sa puno.
"Hey, Miss! Will you step down here?!" Sigaw niya dito pero hindi pa rin siya nito pinansin.
Is she serious? She's really trying to rescue the cat?!
-------------------------------------
Napangiwi si Tori. Napahinga ito ng malalim bago muling naghanap ng puwedeng mahakbangan. Ang lintek namang pusa at mas lalo pang umusog hanggang sa magawi na ito sa manipis na sanga kaya heto ang dalaga at mukhang namo-mroblema na sa sitwasyon.
Hindi tumigil si Tori sa katatawag sa pusa habang may kasama pang senyas ng kamay. Kinailangan nitong humakbang pa papalapit sa hayop pero kailangan ng ibayong pag-iingat dahil may kataasan na ang parte ng punong kinasasadlakan ng epal na hayop. Patuloy pa sa paggalaw-galaw ang buntot nito.
Tiyak na sa ospital ang landing niya sa isang maling kilos lang, naisip ni Tori ng mga oras na iyon.
Napangiwi ang dalaga sa kabalbalang naisip kanina. Sana, hindi na lang siya umakyat at hinayaan na lamang ang pusang mag-enjoy sa kaniyang tanawin dito. O di kaya, tumawag na lamang siya ng mga tanod niya para ito ang magrescue.
Kung hind lang siya naawa sa bata. Mula't sapul kasi, sadyang mga bata talaga ang kaniyang kahinaan.
Sumilay ang matagumpay na ngiti sa kaniyang mukha nang makitang unti-unting lumalapit sa kaniya si Rocket hanggang sa tuluyan na nga niya itong nahawakan. Hinimas-himas niya ang ulo ng pusa na tila nag-eenjoy pa sa kaniyang ginagawa. Nakatayo pa rin siya sa sanga at kumpiyansang naba-balanse ang katawan nang biglang napaigtad sa gulat ang dalaga.
Malakas na tili kasi ni Inah ang biglang umalingawngaw sa buong kalsada. Parang megaphone pa naman ang bunganga ng bakla. Lahat ay napatingin pa dito kaya naman nang makita itong nakatingala sa taas ng puno, sumunod ang mga tingin nito sa kaniya.
"Toriii!! Lukaret ka talagang babae ka! Bumaba ka diyan, jusko! Mamang, pag-usapan natin 'yan. Lahat ng problema ay may solusyon!" Nagsisigaw ang bakla.
Baliw talaga at nagawa pa nitong mang-okray. At huli na para maibalik niya ang tamang balanse. Ang iba'y napasinghap at sigaw din ng "Kap", habang ang iba nama'y napatakip sa kaniya-kaniyang mga mata sa pangamba nang makita ang sumunod na nangyari. Tuluyan na nga siyang napatihaya at dere-deretso nahulog sa puno! Mabilis na umeksena sa utak niya ang nakasaklay niyang postura habang nasa barangay hall ngunit imbes na bumagsak sa lupa, sa matigas at matipunong dibdib at mga bisig siya nahulog at napayakap. Mabuti na lamang at napatalon na ang pusa kanina bago siya lumanding. Kung nagkataon, baka nakalmot o nakagat pa siya nito sa mukha nito.
"Oh, s**t! / Araykupo!" sabay pa nilang nasambit. Nang buksan ni Tori ang mga mata'y nasa ilalim niya ang isang lalaking may matangos na ilong at makinis na pagmumukha. Kahit yukot na yukot ang mukha nito'y mabilis na rumehistro sa kaniya ang guwapo nitong mukha.
Must she have facing now her favourite korean actorJi Chang Wook?
Nasa ibabaw siya nito at halos hindi siya makahinga sa magkahalong kaba ng magkaibang dahilan sa mga oras na iyon.
Takot at atraksyon sa lalaki.
Ngunit biglang napaigtad si Tori. Bigla niyang naramdaman ang dalawang palad ng lalaki sa magkabilang gilid ng kaniyang beywang. Humigpit kasi ang pagkakahawak nito sa kaniya pagkatapos ay tila napayakap pa. Nanlalaki ang mga mata ng dalaga ng bigla pang parang may matigas na bagay siyang naramdaman sa sa bandang puson. She felt violated kasabay ng pagpunta ng dugo sa kaniyang ulo.
Without further ado, awtomatikong nasapak niya ito sa mukha.
"What the hell!" hiyaw ng lalaki. Bahagyang umangat ang katawan ni Tori. Ba't mo'ko sinapak?!" singhal sa kaniya ng guwapong estranghero.
Napapikit pa siya sa bango ng hininga nito.
Wait, oo, teka lang. Hindi dapat ganito! You were violated tapos mababanguhan ka pa sa kaniyang hininga?!
Mabilis na tumayo si Tori at ganoon din ang lalaki. Stranger nga ito dahil ngayon lang niya ito nakita at mukhang ganoon din ito sa kaniya. Mukhang dayo ito, sino ang pinuntahang pamilya nito dito?
Napalilibutan na sila ng ilang naroroon. Ang iba'y halata ang matinding pag-aalala sa mukha habang ang iba nama'y tila kinikilig pa yata.
"Bastos!" mariing sambit ni Tori habang parang pinapatay na niya sa tingin ang lapastangang nilalang. She cringed in that though, hindi naman siya inosente para hindi maunawaan kung ano iyong "matigas" na naramdaman niya kanina.
But the man just smirked. Halata ang inis sa mukha nito. Pinagpag ni Tori ang mga braso at inayos ang pagkakapusod ng buhok. Tumayo na rin ang lalaki and by the looks of it, she's sure hindi bababa sa 6ftang tangkad nito.
"Seriously? You're unbelievable, woman. Hindi kita binabastos! Pasalamat ka nga at nasalo kita dahil kung hindi, ewan ko na lang," mayabang pa ring singhal sa kaniya ng lalaki.
"Aba't-", tama siya, hindi ito taga-roon dahil walang nangangahas sa kaniyang magsalita ng ganoon.
"Mister arrogant pervert stranger, hindi ka lang pala bastos. Matalas din pala ang dila mo. Salamat ha? Kasi nasalo mo'ko. Hindi ka na sana nag-abala, dude!"
"I told you to step down on that damn tree but you won't listen, stupid! At para namang may kailangan akong pagnasahan sa'yo. Ako nga yata ang tsinansingan mo."
"Talaga lang, ha? Eh ano 'yung matigas....kanina?!"
"Matigas? You're just having illusion. Ikaw ang dapat magpasalamat sa'kin dahil nasalo kita." ayaw talaga ding magpatalo ni Marcus.
Nagsinghapan ang lahat ng naroroong nakatunganga sa kanilang alitan. Papalit-palit sa kanilang dalawa ang mga mata nito na halos ikaduling ng mga nanonood sa kanilang bangayan. Katulad ni Inah, tigalgal din at nakangangang nakamasid sa kanila ng lalaki ang kaniyang mga constituents. Ang ibang teenager ay parang masaya pa at tila kinukumbulsyong nakamasid sa kanilang bangayan.
Namula ang ilong at mga pisngi ni Tori, hindi sa embarrassment kundi dahil sa pinipigilan niyang pagsabog.
Hah! Sumosobra na ang nakulaw na'to!
"Hindi ka taga-rito, ano? Ang lakas mong maka-stupid, e. Feeling mo naman porke't..." kamuntikan nang masampal ni Tori ang sarili dahil sa hindi na niya nagawang i-preno ang bibig niya. Ang karugtong sana noon ay "ganiyang ka kaguwapo" pero minabuti na lamang niyang tumahimik.
"What? Guwapo? Ba't hindi mo ituloy? I knew that already."
"Ang kapal mo talagang bakulaw ka!"
"Maganda ka nga, Miss. Pero para namang armalite 'yang bibig mo. Hindi ako attracted sa mga mabunganga."
Napanganga si Tori.
Did he just implied na nagpapa-cute siya dito?
"A, e, guys -"
"What?!" si Marcus
"Ano?!" si Tori.
Namutla ang bakla nang kapwa nila itong sininghalan.
The man smirked again bago tumalim ang may kasingkitan nitong mga mata. Muli nitong sinamaan ng tingin si Tori. Lalong nag-usok ang bunbunan ng huli. Kung hindi pa naiharang ng kaibigan ang katawan, baka may black-eye na sa kaniya ang estrangherong pervert at mayabang. Alam ng kaibigan niya ang kaya niyang gawin.
"Get inside now, Aaron. Mag-uusap tayo." ang suplado talaga. Pati bata, hindi pinalampas.
Naunang humakbang pabalik sa malaking gate si Marcus. Halata sa naglalabasang mga ugat nito sa braso ang panggigigil. Pero lumingon muna sa kaniya ang bata bago sumunod dito.
"Thank you, Ate Tori."
bumait na ang mukha ng bata. Karga-karga na nito si Rocket na tila tinatamad pang tumingin sa kaniya.
Pambihirang pusa. Walang pakialam na siya ang puno't dulo ng lahat.
Nagpupuyos man ang loob ng dalaga'y nagawa pa rin nito ang ngumiti sa bata. Kakaiba ang karisma nito sa kaniya. Kung ano'ng ikinabigat ng loob niya sa antipatiko nito tito, ganoon naman ang gaan ng loob niya kay Aaron.
Tumalikod na ang bata at mabilis na humabol sa binatang naghihintay na pala sa labas ng malaking gate. Muli siya nitong sinulyapan at hindi nakaligtas sa kaniya ang magkasalubong nitong mga kilay habang nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ay pabalabag pa nitong isinara ang gate nang sumunod sa bata at tuluyang makapasok sa loob.
When she turned around, nakita na rin ng kapitana na isa-isa nang nagsisialisan ang mga audiences. Naroroon na kasi ang dalawang barangay tanod, mukhang nakuhang kailangan na siyang iwan.
Halos mabuwal ang dalaga sa biglang pagyugyog sa kaniya ni Inah.
"Eeeeehhhhh! Totoo pala ang sinasabi nila, Mang. May guwapong nasipa at gumulong mula sa bundok ng Olympus. Siya 'yon!"
Guwapo? Triple check. Pero wala siyang paki, dahil ang alam niya, antipatiko at bastos ang lalaking 'yon.
"He's the one. My destiny. My man -,"
"Tss, beat my ass! Tumahimik ka nga diyan." Bubulong-bulong sa inis ang dalaga habang inaayos ang pagkakatali sa buhok.
"Luh! Bakit wala kang reaksiyon? Ang guwapo-guwapo niya gurlll!!" Muli siyang niyugyog ng kasama pero pinalis niya lang ang nga kamay nito saka lumayo.
Feeling ng ogre na 'yon kung makapag-promote ng sarili sa kaangasan? Nangigigil talaga siya!
Nagdadabog niya itong iniwan. Pero tila naengkanto na yata ang kasama, dahil hanggang sa nakailang hakbang na siya, tulaley pa rin ito sa tapat ng malaking gate at parang tangang nakatunganga.
Kung hindi lang sana siya ang kapitan, talagang pupulutin na niya ang bato sa harapan. Nangangati ang kamay niyang masapak ulit ang antipatikong nilalang na'yon o di kaya'y batuhin ng bato ang may kataasan nitong gate.
Bago pa man niya maituloy ang naisip, ipinasya na ni Tori ang umuwi. Hindi siya dapat magpaapekto. Kailangan na niyang mag-ayos at magtrabaho. Pero dumaan si Istoy, anak nila Aling Mela na medyo may sapak sa ulo. Basta na lang itong pumulot ng malaking bato at na-materialize ang kanina'y kaniyang plano.
Doon pa lamang natauhan ang kaibigan. Katulad niya'y nagulat ito sa bilis ng pangyayari. Huli na dahil nabuksan na ng guwardiya ang gate sabay pito kaya agad din itong kumaripas ng takbo.
"Oooppss." she gasped then shout, "Inah, takbo!"
"Mamanggg!" Humabol ito sa kaniya habang mabilis na ding tumatakbo.
Kita pa nilang humabol ang guwardiya pero hindi sa kanila kundi kay Istoy.
"Ba't ka ba tumakbo?"
Takte, bakit nga ba siya tumakbo?
But she smiled. Sa isip niya, bibilhan niya mamaya ng slurpy at burger si Istoy.