Chapter 3 - The Savior

1957 Words
"Do I make myself clear, Aaron?" Nakayukong tumango-tango naman ang bata. Tahimik lamang ito simula kanina nang makapasok na sila sa loob ng bahay. Napapisil sa pagitan ng kaniyang mga mata si Marcus. Ayaw niyang napapagalitan ang bata lalo pa't alam niyang nahihirapan pa rin itong tanggapin ang pagkawala ng ama. Tuluyan nang naulila si Aaron two years ago nang mamatay sa isang vehicular accident si Luke Philip, ang ama nito at nag-iisang nakababata niyang kapatid. Wala din naman siyang alam kung sino ang ina ng bata. Basta na lamang nakita ni Philip sa labas ng unit nito ang pamangkin noong sanggol pa lamang ito. Of course, Philip knew who's the mother. Pero sa hindi malamang dahilan ni Marcus, ayaw magsabi ng kapatid kung sino. It's complicated-iyon lang ang isasagot nito. At dahil sa hindi nga niya kilala ang ina ni Aaron, wala din siyang maisagot dito sa tuwing ito'y magtatanong. It was a great relief for him when finally, the kid stopped looking for his mother. Mahirap man, mukhang paunti-unti na rin nitong natatanggap ang pagkawala ng ama. Iyon nga lang, medyo mabagal. Magkasalubong ang dalawang kilay niyang pinagmasdan ang pamangkin. Tahimik lamang itong nakayuko habang hinahaplos sa ulo si Rocket. Nakakandong ang pusa sa mga binti nito. Napakamot ang lalaki sa kaniyang batok. Dalawang mahalagang bagay ang rason kung bakit siya umuwi ng Pilipinas at isa sa mga dahilan ay ang bata. Ayaw man niyang tanggapin noong una, wala naman siyang magagawa. Tanging siya lamang ang may kakayahang mag-alaga dito. Malungkot mang isipin, but their mom isn't fond of the kid. Tanging si Philip lamang ang nagmamahal sa bata noong mga panahong nasa ibang bansa siya dahil sa trabaho. Kaya nang mamatay ang ama nito, he doesn't have to think twice. Mahal niya ang bata kaya agad niya itong binitbit pabalik ng US. Hindi niya din ito kasi puwedeng iwan. Kaso mukhang mas naging mahirap ang lahat nang dinala niya ang bata sa ibang bansa. Kaya sa huli, he decided to just go back to the Philippines lalo pa't dumating na din ang pagkakataon niyang pinakahihintay. Bilib nga siya kay Philip. Tumayong ama at ina ang kaniyang kapatid sa anak nito kung kaya't napakalapit ng loob ng dalawa sa isa't-isa. Gayunpaman, hindi niya nakita o narinig na siniraan ng kapatid ang ina ng bata sa anak nito. Bagkus, minsan niya nang narinig na sinabi nito sa anak...You're the true happiness your mom has ever got. Even me, I wasn't able to give it to her. Napaisip si Marcus noon kung ano ang ibig sabihin ng kapatid pero sa huli, it's their own story. Sa isip niya'y as long mahal nito ang anak, magiging maayos din ang bata. Sana, kung buhay lamang ang kanilang ama, Aaron will be able to feel the old man's affection, pero hindi na iyon nangyari. Bago pa kasi dumating sa buhay ng kapatid ang anak, the great Carlos Antonio Sy, their father, passed away in China. Nasa isang business meeting ito nang matagpuan na lamang isang araw na wala na itong buhay. He was murdered and upon investigation, it was an organized crime's deeds. Mahirap patumbahin dahil sa lakas ng puwersa at kapit sa mundo ng mga sindikato. Ayon pa sa imbestigasyon, kabilang ang ama niya sa mga nasa listahan nito dahil sa "ayaw makisama" ng matandang Sy. And knowing his father's influence and as a man of dignity, sigurado siyang nauna pa nga siguro sa listahan ng triad ang ama. Even his brother's death, malakas ang kaniyang kutob, may kinalaman ang nasabing organisasyon dito. Lately, pieces of information has been gathered at napagtagni-tagni nga niyang may koneksyon ang pagkakamatay ng ama at kapatid. His jaw clenched and immediately dismissed the thought. Sa mga sandaling iyon, kailangan niya munang ayusin ang estado ng pamangkin and after that, he vowed he will then chase after the culprits. Sisiguraduhin niyang hindi lamang ang mga mahal niya sa buhay ang kaniyang mabibigyan ng hustisya, kundi pati na rin ang hindi mabilang na biktima ng Huweifang Triad. As for their mother, hindi niya rin malaman kung bakit wala itong amor sa bata. Isang philantrophist at socialite icon si Veronica Sy. But sadly, hindi niya dito maipagka-katiwala ang pamangkin dahil sa nasabi nga, parang yelo ang puso nito sa bata. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang tigas ng puso nito. Iniisip na lamang niyang nasasaktan ang ina sa tuwing nakikita si Aaron dahil sa pagkawala ng bunsong anak. The boy is a carbon copy of his brother. Besides, Veronica Sy is the current CEO of their business empire, na dahil na rin sa katigasan ng kaniyang ulo, ang ina ang kasalukuyang namamalakad. Dapat siya kasi iyon. Kaniyang responsibilidad sana iyon bilang panganay. Pero tinalikuran niya ito at sinunod ang kaniyang pangarap, leading his parents to disown him. Nawala ang kaniyang ama ng may sama ng loob sa kaniya. Mabigat sa kaniyang loob iyon, oo, pero wala na siyang magagawa. He just promised silently, isa-isa niyang aayusin ang lahat. At dahil dalawa lamang silang magkapatid, wala na siyang ibang pwedeng mapagkakatiwalaan kay Aaron Christopher kundi ang sarili. Mula noo'y siya na ang tumayong guardian ng bata. He promised Philip's ashes, hinding-hindi niya pababayaan ang nag-iisa nitong anak. Mamahalin niya at ituturin itong isang tunay na anak. Naupo siya't tumabi kay Aaron. Patuloy lamang ito sa paghimas kay Rocket. Isang persian cat si Rocket na alaga pa ng daddy kaya naman mahal na mahal nito ang pusa. Ito na lamang kasi ang naiwang alaala ng ama sa anak na kahit saan man magtungo ang bata, kailangan kasama si Rocket. He feels like he's dad is still around kapag nasa paligid ang pusa. "I'm sorry, Toffy," kinabig niya ang pamangkin. Doon lang humikbi ang bata at tuloy-tuloy na umiyak. "I miss my daddy," nakayakap nitong saad sa kaniya. Hinaplos niya ang likod nito at niyakap ng mas mahigpit. He wants Aaron to know na mahal niya ito at hindi niya pababayaan. "I know and I miss him, too. He's my only buddy, right?" He kissed the kid's forehead. Totoo ang kaniyang sinabi. Mabait kasing kapatid si Philip at ito ang palaging nagtatanggol sa kaniya sa mga magulang. "Huwag ka nang malungkot. Ayaw ng daddy mo'ng umiiyak ka. And sorry kanina, natakot lang si Tito Marcus na baka nawala ka na naman kaya kita nasigawan." Kumawala ito sa kaniyang yakap at kinusot muna ang namumulang mga mata bago tumingala sa kaniya. "I couldn't f-find Rocket a-and Yaya Lily is scared of him. I looked for him and t-then I saw him on that b-big tree kaya lumabas po ako ng gate kasi baka i-iwan niya rin ako." Humihikbi nitong paliwanag. Bumuntong-hininga si Marcus. Alam niya ang ginagawa ni Aaron. The kid's attachment to the cat is like he's still with his dad. "Hindi ka naman iiwan ni Rocket. Just like me. Maybe he just got bored." "Mabuti na lang po nandiyan si Ate Tori. She saved Rocket for me," Napaangat ang isang kilay ni Marcus sa narinig. Mabilis na bumalik sa kaniyang alaala ang tagpong nakatingala nga ito sa puno. He immediately remembered that woman above the tree na akala mo'y walang takot kung makatayo at maglambitin sa taas. Damn! He can't even imagine kung paano nito naakyat ang puno ng mangga gayung kahit siya ay pihadong macha-challenge din kapag inakyat 'yon. Not to mention seeing that woman's face and body. She looks fragile and delicate na parang sa isang mayaman. Maputi ito at pawisin man kanina dahil sa halatang nanggaling sa pagdya-jogging, kakaiba ang bango nito. She's so soft, and that fragrance? He' s sure it's like vanilla and kind of addicting. Kaya nga siya napapisil sa beywang nito kanina dahil siya mismo, parang bigla na lamang uminit ang buong katawan na parang binuhusan din kaagad ng malamig na tubig sanhi ng pagkakadikit niya sa balat at dibdib ng babae. Ang masaklap, matik na sumaludo dito ang kqniyang sandata. Para bang ito ang soul mate noon kaya naman anumqng gawin niyang pagsuway sa sarili kanina, he deserved to be punched dahil alam niyang mali ang nangyari kanina. Napailing ang binata. That woman is one hell of an sss. "She was really amazing kasi ang bilis niyang naakyat' yung puno ng mango! I think I like her po," namimilog ang mga mata ng bata sa pagkamangha, halata sa mukha nito ang paghanga sa savior ng alagang pusa. Nawala na rin ang lungkot sa mukha nito. "You think so? E, ang sungit-sungit nga."Halos pabulong ang pagkakasabi niya sa huling statement. "Kasi po, sinungitan niyo din po siya. E, ang bait-bait nga po niya sa'kin 'tsaka hindi po siya maarte kagaya po nung babaeng pumunta sa bahay natin sa New York tapos naghu-" Bigla niyang tinakpan ang bibig nito. He knows what happened then. "Hey, enough young man," mabilis niyang suway dito sa isiping naaalala na naman nito ang isang tagpong muntik nang maging spg kung hindi niya lang naagapan. It was Samantha, hindi niya girlfriend pero more than a bed warmer ang status sa kaniya ng babae. They've known since college aside from the fact that their parents are friends. She's a hot chick at aminado siyang ang babae ang paborito niya sa lahat ng mga babaeng lumalapit sa kaniya. Maganda ito at seksi. Samantha Dizon is a famous international dermatology doctor. Mabait na nga, sobrang wild pa sa kama. "I don't like her, Tito. You should not be with her!" Sabi na nga ba niya. "Di ba sabi niyo po, ikaw na ang magiging daddy ko? Nangiti siya sa tinuran ng bata. Indeed, he loves his nephew not only because he is adorable but because he can see his younger brother's eyes too through him. "Of course, I will be your dad na from now on. You will be calling me Dad, soon." Pina-finalize niya lang ang legal adoption ng bata. "Then Tita Samantha. Is she going to be my mom too?" Napakamot siya sa kaniyang ulo. Kumukulit na naman ang bata at nagsisimula na namang maging matanong. "You're too young for that question, Toffy. Leave everything to me, okay? For now, just be a good boy at mamamasyal tayo bukas." The boy's smile widened, "Opo, Tito. I promise I will be a good boy po." "That's my buddy! Now, go to Manang Sonia muna dahil mag-uusap pa kami ng Yaya mo." Humalik pa muna sa pisngi niya ang bata saka mabilis nang tumalima. Patakbo nitong nilabas ang silid na agad namang sinundan ng alagang pusa. Tumayo na rin siya at anyo pa lamang sana siyang lalabas ng kuwarto nang marinig niya ang pagtunog ng kaniyang cell phone. Nagsalubong ang dalawang kilay niya nang makita kung sino ang tumatawag. "O?" suplado niyang bungad dito. "Naku! Ayan na naman tayo, pre! Aga-aga e, tiyak salubong na naman 'yang mga kilay mo!" Nang-aasar na sumagot ang kausap, si Declan, ang matalik niyang kaibigan. Isa itong sikat na international motocross rider. "What do you want, Hernandez?" He hissed as he sharply looked to his nephew's nanny. Mukha itong mawawalan ng hininga sa takot habang nakayukong naghihintay sa kaniyang sintensiya. He's talking over the phone habang naglalakad pababa sa malawak na living room. Hindi pa man nakakasagot ang nasa kabilang linya ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na pagbusina. Hindi gaanong malakas iyon dahil may ilang metro pa ang layo ng bahay mula sa malaking gate pero sapat na para marinig niyang may dumating. "Tingin ka sa gate, bilis!" Nagtataka siyang napasunod sa sinabi ng kausap at nang mabistuhan niya kung kaninong kotse ang pumasok, napamura na lamang si Marcus sa sarili. "Surprise!" Maingay na sigaw ni Declan, habang ang dalawa pa nitong kasama ay tawa ng tawa. Napailing na lamang ang binata. Mukhang wala na siyang kawala sa mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD