“S-Sandali nga,” mabilis niyang naitulak ang binata. Halos sumabog ang dibdib ni Tori sa sari-saring emosyon na nararamdaman nang mga sandaling iyon. “Bakit ka ba basta-basta na lang manghahalik?!” pinilit niya ang mag-boses mataray para maitago ang sobrang panginginig ng kaniyang boses. Pero kuno’t-noo lang na tumitig sa kaniya si Marcus pagkatapos ay tila naiinis na namang napailing. Nakita niya pa kung papaano ito tila inis na napasuklay sa sariling buhok bago nailing. Bah. Bakit parang ito pa ang may ganang mainis sa kaniya? Hindi siya sinagot ni Marcus. Mas pinili nito ang ibalik ang atensyon sa ginagawa kanina, and this time, salubong na salubong naman ang dalawang kilay. Halata sa mukha nito ang annoyance at may pagkakataon pang nahinto sa ginagawa at tila may ibinulong sa sar

