This is it. Umoo na siya dito at nag-commit kaya sa oras na pumasok siya sa bulwagang iyan, kailangan niyang panindigan at gawin ang lahat para mabigyan ng karangalang ang probinsiya ng Benguet sa kompetisyong ito. Sa mga oras na iyon ay ang kaniyang palabra de honor, galing at determinasyon na ang nakataya kaya kailangan niyang ayusin ang kaniyang sarili. Pumikit si Tori at saglit na nanalangin bago bumuga ng hangin. Pagkatapos noo’y inihakbang na niya ang kaniyang mga paa papasok sa napaka-garang function hall ng hotel na iyon. Nasa likuran lamang niya si Inah na sadyang nagpahuli dahil kinausap pa ni Rupert. Mukhang iniipon ng huli ang mga personal assistant/manager ng mga kandidata. When Tori entered the hall, halos malula siya sa nagkikislapang mga ilaw ng mga camera. Merong kordo

