RYSHA'S POV Dahil first day ko, hindi muna ako pinasali ng trainor namin sa training. Mag-observe raw muna ako kung anong nangyayari sa afternoon class. Pabor din naman sa akin iyon dahil malaya kong mapapagmasdan ang mga kaklase ko. Malakas ang kutob ko na isa sa mga kaklase ko ang may hawak nh Garnet Gem ko. Ngunit hindi ko siya basta basta mahuhuli kung magmamasid lang ako. Kailangan ko siyang labanan upang makuha sa kaniya ang gem ko. Naramdaman kong may Air Ball na palapit sa akin kaya agad ko itong iniwasan. Agad namang lumapit sa akin sina Throy at isang lalaki na hindi ko pa alam kung anong pangalan. "Okay ka lang Rysha?" seryosong tanong sa akin ni Throy. "Yes," maiksi kong sagot. "Rysha, sorry. Muntik na kitang matamaan. By the way, I'm Alfred," pagpapakilala sa akin nang la

