RYSHA'S POV Pagkatapos naming mag-usap ni Throy ay umakyat na siya sa kwarto niya dahil may gagawin pa raw siya. Ako naman ay naiwan dito sa may kusina habang tulalang nakatitig sa basong nasa harapan ko. Ilang oras pa lang ako dito sa Elemental World ngunit nakakaramdam na ako ng pangungulila sa pamilya ko. Ganito pala kapag malayo sa pamilya, bigla bigla ka na lang makakaramdam ng lungkot. Walang specific na araw kung hanggang kailan ako sa mundong ito. Naka-depende sa mga gems ko ang pananatili ko dito. Parang bigla akong nanghina sa posibilidad na matagal na panahon ang ilalagi ko dito. Nape-pressure ako at hindi ko alam kung paano mag-uumpisa sa paghahanap sa mga gems ko. Tumingin ako sa orasan at alas sais pa lang ng hapon. Hindi pa nakakauwi sina Tita Riya. Maliwanag pa naman sa

