RYSHA'S POV Pagkarating namin sa bahay ay nandoon ang buong barkada. Agad nila kaming sinalubong. "Saan kayo galing? Akala ko ba Throy, tulog pa si Rysha?" nagtatakang tanong ni Michael. Napatingin naman ako kay Throy. Akala ko ba hinahanap ako ng barkada? E bakit ang alam nila ay tulog pa ako? "Mamaya na 'yan. Ry, magpalit ka na muna ng damit. Baka magkasakit ka niyan," seryosong sabi ni Throy. Sumunod na lang ako sa sinabi niyang iyon dahil nilalamig na rin ako. Umakyat ako sa kwarto ko at naiwan ang mga kaibigan ko sa may sala. After kong maligo at magbihis ay agad din akong bumaba para puntahan ang mga kaibigan ko. "Saan ba talaga kayo galing ni Rysha?" narinig kong tanong ni Aaron kay Throy. Hindi muna ako lumapit sa kanila. Nagderetso na lang ako sa may kusina para uminom ng

