RYSHA'S POV Bandang alas singko ay nagising na agad ako. Bumungad agad sa akin ang tulog na mukha ni Throy. Napaiwas nga agad ako ng tingin nang mapatingin ako sa labi niya. This feeling again. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa baywang ko. Nawiwili ata ang lalaking ito sa pagyakap sa akin. Maingat kong inalis ang kamay niya at dahan dahan bumangon. Nagawa ko naman iyon nang walang nagigising pero nagkamali ako. "Saan ka pupunta?" Nilingon ko si Throy na nakahiga pa pero gising na. nakakunot pa ang noo niya at seryosong nakatingin sa akin. "Magluluto lang ng almusal," sagot ko naman sa kaniya. Napangiti siya at ipinikit ulit ang mga mata. "Akala ko tatakas ka e" nakangiti pa rin niyang sabi. "Pwede rin, salamat sa idea," nakangiti ko namang sabi. Bigla naman siyang bumangon at si

