RYSHA'S POV Agad kaming umuwi ni Throy sa bahay dahil naghihintay na raw do'n sina Tito Jethro, Tito John, Tita Riya at Tita Athena. Pagkarating namin doon ay agad nila akong kinausap "Okay ka lang ba Rysha?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tita Riya. "Opo Tita. Pero ano po ba talagang nangyayari?" tanong ko naman. "Nalaman ng Council na siya ang kumuha ng gem na galing sa Earth Kingdom, at nang kakausapin na namin siya, inunahan niya kami. She went to the office to admit what she had done. Pero kasunod no'n ay ang pagsasabi niya na siya ang nakatakdang maging Gem Psyche. Kaya raw niya kinuha ang gem ay dahil isa iyom sa labin-dalawa niyang gem," pagkukwento ni Tita Athena. "Pero alam naman natin na hindi talaga siya ang Gem Psyche," pagsingit naman ni Throy. "Of course hindi kami n

