RYSHA'S POV "Anong iniisip mo?" Napalingon ako kay Throy na naglalakad palapit sa akin. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Ngumiti lang ako at ibinalik ko ang tingin ko sa Elemental Tree. Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin. Nakaupo kasi ako sa ilalim ng isang puno na nasa harap ng Elemental Tree. Katatapos lang din kasi ng afternoon class namin at dito agad ako nagderetso. "Tungkol ba 'yan sa nawawalang gem?" tanong pa niya. "Ano pa nga ba?" sabi ko na lang at napabuntong hininga. "Huwag mo na masyadong isipin 'yun. Alam ko namang maku-kumpleto mo rin ang labin-dalawang gem mo," pag-eencourage niya sa akin. "Paano kung hindi?" malungkot kong sabi sa kaniya. "Ikaw ang tunay na nagmamay-ari ng mga gem kaya alam kong para sa 'yo sila. Sabi nga nila, if it is meant to be, it w

