RYSHA'S POV Dalawang araw na ang nakalipas simula nang magtapat sa akin si Michael. Dalawang araw din akong nakahiga lang sa kwarto ko dahil sa panghihina ko. Katakot takot na sorry naman ang inabot ko kay Michael. Wala na yata akong ibang narinig sa kaniya kun'di sorry kapag bumibisita siya rito sa bahay. Nag-usap na rin kami ng masinsinan at ipinangako niyang kakalimutan ang nararamdaman para sa akin. Gagawin daw niya ito upang maisalba ang friendship naming dalawa. Ngayong araw ay tuluyan nang nanumbalik ang lakas ko. Balak ko nang pumasok sa academy dahil sinabi sa akin ni Tita Riya na dumating na ang gem na nasa glass box sa academy kahapon. Mabuti na lamang at bumalik na ang lakas ko dahil kailangan ko nang makita ang gem. Masaya akong bumaba sa may kusina at nang makita ako ni

