AKEESHA'S POV Siyam na buwan na ang nakalipas nang ikinasal kami ni Ryan. At nang gabing iyon na pinagsaluhan namin ay nagbunga agad. Siyam na buwan na ang ipinagbubuntis ko at ayon kay Mama ay maaari na raw akong manganak anumang oras. Nandito ako ngayon sa Batis ng Katotohanan at pinagmamasdan si Riya na bitbit ang kaniyang isang buwan na sanggol. Pinapaarawan niya ang kaniyang anak nang biglang sumulpot si Athena na malaki na rin ang tiyan. Magkapitbahay lang sila kaya naman anytime ay nabibisita nila ang isa't isa. Napahawak ako sa aking tiyan at bahagyang ngumiti. "Sayang anak, kung nasa Elemental World lang tayo, siguradong magiging kaibigan mo ang anak ni tita Riya at ang anak ni tita Athena mo. Siguradong magiging mabuting magkakaibigan kayo katulad namin." Hindi ko maiwasan ang

