RYSHA'S POV "Anong ginagawa mo dyan?" gulat kong tanong kay Throy. Ngumiti ulit siya sa akin at naglakad palapit. Pagkalapit niya sa akin ay inakbayan pa niya ako. "Throy," mahina kong sabi sa kaniya dahil baka may makarinig pa sa amin. Pilit kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at nakahinga ako ng maluwag nang naalis ko naman. Ngunit ginulo naman niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Akala ko ba tutulog ka na? Bakit lumabas ka pa?" seryoso niyang tanong sa akin. "E ikaw, bakit nandyan ka? Gwardiya ka na ba ngayon?" balik tanong ko naman sa kaniya. Para kasi siyang guwardiya sa pwesto niya kanina. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa pa. "Alam ko kasi ang pinaplano mo. Tama nga ako, pupuntahan mo 'yung mind reader ano?" nakangising tanong niya sa akin. "E

