RYSHA'S POV "Hoy kayong tatlo, bakit bigla na lang kayong nawala?" Ito agad ang bungad sa amin ni Brylle nang makita nila kami sa isang bench. "E kayo kaya ang bigla na lang nawala," depensa naman ni Lizeth. Hindi ko na lang sila pinansin at nanahimik na lang sa pwesto ko. Nagtatalo na silang dalawa ni Brylle at Lizeth habang ang iba ay pinagtatawanan na lang sila. Para kasing aso at pusa silang dalawa kung mag-away. Bigla namang tumabi sa akin si Throy kaya napatingin ako sa kaniya. "May problema ba?" seryoso niyang tanong sa akin. "Wala naman. Hindi lang maalis sa isip ko ang sinabi ng manghuhula kanina," sagot ko naman. "Nagpahula kayo?" Medyo malakas ang pagkakatanong ni Throy kaya nabaling sa amin ang atensyon ng buong barkada. "Nagkatuwaan lang naman kaming tatlo Throy. Kas

