RYSHA'S POV "Section A, wala raw tayong klase ngayon. Maaari na kayong magsiuwi," pag-aannounce ni Zairah. Agad namang nagsialisan ang mga kaklase namin hanggang sa kaming pito na lang ang naiwan dito sa classroom. "Bakit walang klase?" tanong ko naman. Kakatapos lang ng Foundation Day and supposedly ay balik na ulit sa normal ang klase. Ngunit ngayon ay kinansela nila, then bukas ay weekends na. "Fire Festival bukas. At lahat ay busy na kaya kinansel muna ang klase," sagot naman ni Michael kaya napatango naman ako. "And speaking of Fire Festival, gusto kayong imbitahin ni Mama na mag-stay sa bahay. Doon na raw tayo matulog ngayong gabi," nakangiting sabi naman ni Lizeth. Nagkatinginan kaming dalawa ni Throy pero ako na agad ang nag-iwas ng tingin. Simula kasi kahapon ay hindi

