CHAPTER ONE - Wait for me Mr. Billionaire!

1096 Words
ICEVY POV. Bumili ako ng maraming skincare at mga pampapahid sa buhok noong nakaraan upang bumango ito at lumambot. Naisipan ko kasi na baka sa itsura ko kaya din ako palaging natatanggal sa trabaho at hindi natatanggap, hindi lang kasi mga manager ang matapobre kundi ang mga boss nila. Ginamit ko ang natitira kong ipon para ipambili dito. Lumipas din ang halos tatlong araw ay nakita ko na ang resulta ng pag-aalaga ko sa aking mukha. Naisipan ko na ulit mag apply ng trabaho sa call center. Dumating ako ng maaga sa thankmelater na building kung saan naghahanap sila ng mga bagong employees. Ang building na ito ay halo-halo talaga, may mga products din sila at may CEO din dito na nagtratrabaho. May mga photographer, model, videographer, director at marami pang iba. Nakasuot ako ng polo shirt at hanggang tuhod na skirt na maong, may suot din akong heels na 3inches lamang ang taas at nakatali ang aking buhok. Pinapasok na agad ako sa interview room wala ng tanong-tanong pa. Natapos mag interview ng halos 30minutes. Kinuha ang aking resume at ibang requirements at pinapaumpisa na ako bukas. "Thankyou po!" Masayang sambit ko sa nag a-assist sa amin ngayon. Ngumiti lang ito at tumango. Lumabas ako sa thankmelater ng abot sa tenga ang ngiti. Lumingon ako sa malaking billboard ni Wynn sa aking harapan. "Wait for me Mr. Billionaire!" Nakangising usal ko habang turo-turo ko ang billboard niya. "Baliw na ata 'to" Napalingon ako sa aking gilid at nakita ko ang isang guard. "Tch! Panget!" Inis kong sabi at tinalikuran ko na siya. Dahil nagtitipid ako ay pinili kong maglakad nalang. May kalayuan pa naman ito sa aming tahanan pero ang importante ngayon ay may trabaho na ako. Talagang kailangan ng ganda e! Iika-ika na ako ngunit hindi ko pa nakakalahati ang daan. Kaya naman tinanggal ko na ang aking heels at hinawakan na lamang. Labis ang aking gulat ng may bumisina sa aking likuran at isang kotse ang huminto sa aking gilid. "Sumakay ka na, ihahatid na kita sa Inyo" isang guwapong lalaki ang bumungad sa aking harapan sakay-sakay ng kotseng ito. "Ah hindi na, ano ka ba kering-keri 'to ng ganda ko 'no!" Usal ko habang natatawa pa ng napipilitan. "Para kang manok, tyaka wala lang ganda kaya sumakay ka na" Tinitigan ko siya at mukha namang mabait dahil sa malinis niyang manunuot at mukha. Malaki din ang katawan nito at namumula ang kaniyang mga labi at pisngi dahil sa sobrang puti nito. Brown ang kaniyang buhok at mga mata mukhang natural ito. Mahahaba din ang kaniyang mga pilik mata at napaka bango niya. "Ano bang tinutunganga mo riyan?" Kumunot pa ang kaniyang noo. "Ah, hindi kasi ako marunong bumukas ng kotse e" nahihiyang usal ko. Napasinghap 'to at bumaba. "Dito ka nalang sa harapan sumakay" aniya at pinagbuksan ako ng pinto. "Ah salamat" mahinang usal ko. Nang pinaandar niya ang kotse ay nagumpisa na siyang magpakilala. "My name is Jeeson Marlo, daddy ko nagpapatakbo ng lahat ng negosyong nasa loob ng building na pinasukan mo. Nakita kita kanina na ini interview kaya namukhaan kita" sambit nito. "Ah, kaya pala. Ako naman si Icevy Luna Linley. Hihi ganda lang ambag ko sa mundong 'to e" kibit balikat kong ani. "Napaka assuming. Tsk, tsk, tsk" iiling-iling niyang sambit. Tinawanan ko lang siya ng mahina. Nakatingin lamang ako sa mga nalalagpasan naming malalaking bahay. Ang isa sa mga pangarap ko. "Kaliwa ka lang sa kabilang kanto tapos deretso na ulit" sambit habang tinuturo pa ang daan. Maya-maya pa ay narating na din naman ang aming munting tahanan. "Dito na, salamat ah" usal ko. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Salamat" sambit kong muli. Tinitigan niya ang aming harap ng bahay. "Hali ka pumasok kana muna" pag-aaya ko sa kaniya. "Next time na, I have to go na e" sagot niya sa akin. Kaya naman nagpaalam na ako sa kaniya. "See you around" usal niya at kumaway pang nakatalikod at nakapamulsa. Ngumiti na lamang ako. Tinitigan ko pa siya na sumakay at pinaharurot ang kaniyang kotse. Bumusina pa ito ng isang beses bago nagpaandar. Binuksan ko ang bahay at nadatnan kong walang tao. Napatingin ako sa kusina at nilapitan ang lamesa namin. Sa isang sulok ng lamesa ay nakita ko ang isang basing walang laman at dagan nito ang isang maliit na sulat. "Nak, iniwan ko sa gilid ng lababo ang pagkain ninyo ng papa mo. Nakakuha ako ng labahan sa kabilang kanto kaya kapag tapos kong magtinda sa palengke ay didiretso na ako doon, si Papa mo ay nagpasada pa hintayin mo nalang siya para sabay na kayo kumain. I love you nak." Nangilid ang aking mga luha at nanlambot. Napaupo na lamang ako at tuloyang naiyak. Hirap na hirap ang aking pamilya at hirap na hirap na din akong nakikita silang magkanda kayod para lamang mabuhay kami araw-araw. "Pasensiya na ma, pa, kung hindi ko agad kayo maiahon sa buhay pero pinapangako ko sa inyong dalawa na pagsisikapan ko pa para mapatira ko kayo sa magandang bahay at hindi na kayo magtrabaho" humagulgol kong sambit sa kawalan. Pinunasan ko ang aking mga luha at tumayo labis na mabigat ang aking dibdib dahil sa istado ng aming buhay ngayon. Pinigilan ko ang pagluha ko at malakas na bumuntong hininga. Nagbihis na agad ako ng damit ko at binuksan ang speaker namin na maliit at nagpatugtog na lamang ng masaya. Inumpisahan kong maglinis na lang sa maliit namin na bahay habang hinihintay ko ang aking ama. Narinig ko na may kumakatok sa aming bahay kaya naman pinatay ko na muna ang music tyaka ko ito binuksan. "Oh aling Marta, napa katok kayo?" Usal ko naman sa kaharap kong kapitbahay namin. "Asan si kumare?" Aniya habang nililingon pa ang loob ng bahay namin. "Mamaya pa 'yon darating aling Marta, ano po bang kailangan niyo?" "Hihingi sana ako ng asin kahit kapiranggot lang. Naubosan kasi ako ng asin, pang halo ko lang sa itlog na niluluto ko hihihi" medyo nahihiya pa niyang ani. "Sus ayon lang naman pala aling Marta e" Pumasok ako sa kusina at dumampot ng asin. Inilahad naman ni aling Marta ang kaniyang palad. Nagpasalamat ito bago ito umalis. Gan'to ang compound namin ulam ng isa ay ulam ng lahat, ingredients ng isa ingredients ng lahat kaya sanay na ako sa ganito. Binalik ko ang music ko at muling naglinis. Sa pagod ko ay hiniga ko na lamang sa sofa naming gawa sa kawayan na may unan pa at sapin na banig. Habang hinihintay ko ang pagdating ng tatay ko ay nakaidlip ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD