CHAPTER TWO - New Job

1340 Words
ICEVY POV. Nagsimula na ako sa trabaho gaya ng napag-usapan kahapon at heto ako ngayon masaya sa unang araw ng aking trabaho. Nakikipag kaibigan din ako sa lahat ng makita ko o makasalubong kong mga tao dito. Naisipan kong maglibot-libot sa building dahil nga unang araw ko palang ay tinuturo pa lang sa akin lahat ng mga dapat gawin dito. Wala na din akong ginagawa. Nang sumilip ako sa isang napakalawak at napaka liwanag na silid ay nakita ko si Jeeson. Nag p-photoshoot siya gamit ang kaniyang sariling products? CEO siya? Business man? Namangha ako sa kaniya, hindi nito maikakaila ang napaka guwapo nitong mukha at kumikinang niyang kutis. "Ah excuse me po ma'am, ano pong kailangan nila?" Mula ang boses na iyon sa aking likuran. Napalingon na lamang ako at nahiya. "Ay wala po, napasilip lang" tanging usal ko. Naisipan ko na lang na ituloy ang aking paglalakad. Kada silid na aking malakaran ay namamangha ako talagang halo-halo dito. May mga studio pa akong nasisilipan. Sa mahabang paglilibot ko wala akong ibang ginawa kundi mamangha sa lahat. Kaya naman hindi ko inaasahan na may masasagi akong tao. "Ouch! Stupid!" Malakas na sigaw nito na ikinagulat ng aking diwa, napaka lutong ng kaniyang binanggit na salita base sa sakit na aking nagawa. Naapakan ko kasi ang kaniyang paa dahil sa maliit kong takong. "Pasensiya na po Ma'am, naku sorry po talaga" payuko-yuko ko pang ani. Iniangat ko ang aking ulo at halos napa atras ako sa gulat. Si.. si Cauline... Ang asawa ni Wynn.. Para akong naging istatwa sa kinatatayuan ko hindi ko inaasahan na makikita ko ang asawa ni Wynn dito. Naka suot ito ng robe at naka paa-paa at ang kaniyang buhok ay nakapaikot gamit ang mga pang kulot, may makeup na din ito. Mukhang may photoshoot din siya dito. "Bakit ba may staff na pa kalat-kalat dito buwesit!" She rolled her eyes at tinapik ang aking balikat na ikina atras ko ng isang hakbang. Inis na nagmamadali itong naglakad. Inirapan ko nalang siya habang nakatalikod siya. Andito din kaya si Wynn? Naisipan kong sundan siya. Sa haba ng aking nilakad ay nakita kong pumasok siya sa isang special room. Sumilip ako ng kaunti sa pinto ngunit wala dito ang hinahanap kong tao. Napabusangot nalang tuloy ako at bumagsak ang aking mga balikat. Siguro nga ayaw pa tayong pagtagpuin ng tadhana dahil langit ka at lupa pa ako Wynn pero pinapangako ko sa'yong magiging akin ka sa ayaw at sa gusto mo HAHAHAHA! Napangisi na lamang ako sa nasabi ko sa aking utak. Muli na lamang ako naglibot at sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Jeeson. "What are you doing here?" Nagtatakang aniya. "Ah nag ikot-ikot lang ako kasi wala akong magawa" "e ano naman napala mo sa ikot-ikot na 'yan?" Natatawang sagot niya sa akin. "Nakaka silip kaya ako sa iba't-ibang mga room dito. Namamangha nga ako e" masayang sagot ko sa kaniya. "Come with me" usal niya Nagliwanag ang aking mga mata at parang batang sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa isang silid kung saan ko siya nakitang nag p-photoshoot kanina. "Ang ganda naman dito pero ano namang gagawin ko dito?" Tanong ko sa kaniya. Binati ko pa ang lahat ng staff dito bago tuloyang nagsalita si Jeeson. "Just help me to pick the better one" Isang bagay ang kaniyang tinititigan kaya naman sinilip ko ito. May isang medyo malaking screen at andito lahat ng kaniyang mga litrato kanina. Tinignan ko ang pinapakita niyang mga picture niya at bawat picture ay tinitignan ko talaga kung ano ang mas maganda. "Hindi ako makapili, lahat naman kasi ay maganda" sambit ko sa kaniya. "Ay wait, ibalik mo do'n" usal ko "Ayan medyo may pa kili-kili power ka d'yan HAHAHA!" malakas akong napatawa na ikinasimangot niya. "Ikaw naman e, ayusin mo kasi" pagrereklamo niya sa akin. Pinili ko ang lahat ng magandang anggulo sa aking mga mata. Maya-maya pa ay tinawag niya ang isang staff. "I'll take what she choose" aniya. "Sure na po ba sir?" Sambit nito. "Yes" he's confidence is so high. Tumunog ang pinto kaya naman napalingon ang lahat dito. Pumasok si Cauline- Si Cauline?! nanaman?! Labis na nagulat ako ng tingnan niya ako ng masama mula sa pinto. Tumahimik na lang ako at pumunta na lang sa sulok baka kasi isipin niya pang sumisipsip ako kay Jeeson. "Okay let's start!" Usal ng isang photographer. Pumunta sa gitna si Cauline at si Jeeson habang may pinahawak sa kanilang product na perfume. Nakangusong iirap-irap ako dahil naiinis ako sa postura ni Cauline. Ang mukha niya ay mukhang feelingera na ewan, hindi sa kaniya bagay. Mas bagay pa ako d'yan tsk! Nakagawa lang din ng sariling pangalan si Cauline dahil asawa niya si Wynn dahil dito umingay din ang kaniyang pangalan. Kaya ayan, kung saan-saang billboard ko din siya nakikita at madami ding nakaka collab na ibang CEO at mga businesswoman. Wala akong pakialam sa ibang mga billboard pero sure ako na lagi silang magkasama sa ibang photoshoot dahil sobrang lapit nila sa isa't-isa. "Paki punasan pawis ni Mrs. Cauline" utos sa akin ng isang staff at inabot sa akin ang malambot at maliit na panyo. "H-ha?" Gulat kong sambit. "Bilis!" sigaw nito kaya naman nataranta agad ako. Dahan-dahang lumapit ako kay Cauline at dahan-dahan kong pinunasan ang iilang patak ng pawis sa kaniyang mukha. "Ah excuse me, puwedeng huwag siya ang magpunas sa mukha ko? magka pimples pa ako sa kaniya e" naiiritang reklamo niya. Gustong-gusto ko na siyang patulan sa oras na 'to ngunit pinipigilan ko lamang dahil bagohan lang ako dito at wala pang isang linggong nagtra-trabaho. "Talagang ginawa pa akong utosan dito, kung ikaw lang din pupunasan ko e baka isubsob ko pa mukha mo d'yan sa semento ay gawing mop" inis kong bulong. "What?! May sinasabi ka ba? Hindi ka lang stupid, baliw ka pa!" Sigaw niya sa akin. Narinig ko pa na pinagtatawanan ako ng ibang taong andito sa loob ng silid dahil sa lakas ng kaniyang boses. "Cauline calm down" Jeeson's said. Walang emosyon kong tinignan lang si Cauline at naisipan ng lumabas sa kuwartong 'to ngunit sa inis ko ay malakas kong sinara ang pinto na talagang gumawa ng ingay sa palapag na 'to. "Stupid girl!" Sigaw ni Cauline mula sa loob. Nakakuyom ang aking mga kamay na naglakad palayo sa silid na ito. "Nagpunta ako dito para magtrabaho hindi para maliitin mo'ko Cauline, may araw ka din sa akin impaktang mukhang frog!" sambit ko habang mabilis na naglalakad. Pinanganak akong mahirap pero never akong pumayag na maliitin ng kahit sinong tao. Marunong akong magpasensiya kaya ko ito ginagawa pero hindi ako papayag na balang araw ay hindi ako makakaganti. May isang bukas na pinto na ikinahinto ko. Sumisilip ang mga mukha ni Wynn. Labis akong natuwa at pinasok ko ito. "Wow, grabe ang dami niyang masasarap na picture dito!" Masaya kong usal. Nilingon ko muna ang bawat sulok ng kuwarto kung may cctv ba dito. Humalakhak ako ng wala akong nakita. Agad akong kumuha ng tig-iisang mga picture niya at mga poster niyang naka brief lang. Hihi yummy! "Hmm ang sarap-sarap mo naman dito!" May nakita akong maliit na karton kaya naman dito ko nilagay ang mga kinukuha kong litrato niya. Mabilis akong umalis ng mapuno ko ang karton ko. Pa takbo-takbo pa ako habang binibilisang maglakad baka may makakita sa akin. Narating ko naman agad ang locker ko kung saang palapag ako naka office. Mabilis kong inilabas ang aking bag at ang iba ay sinuksok ko dito at ang iba ay iniwan ko na sa aking locker. Sasayaw-sayaw pa ako habang yakap-yakap ang aking bag, time na din para lumabas ang ibang mga employee dito. "What's that?" Napahinto ako sa pagsayaw at nakita ko sa aking likuran si Jeeson na na we-weirdohan ang mukha niya sa akin at ang tinutukoy niya ang pagsayaw-sayaw ko. Nakagat ko ang ibaba ng labi ko at nakagat ko rin ang hintuturo kong kuko. "Ahm w-wala naman. Masaya lang ako kasi uwian na" pagpapalusot ko sa kaniya. "You're crazy" iiling-iling niyang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD