ICEVY POV.
Hindi ko alam bakit ako ang inuutosan ng isang taong mataas ang posisyon dito sa opisina. Ibigay ko daw ang papel na halos isang dangkal sa dami, kilo ang bigat at ipapirma ko daw isa-isa kay Jeeson.
I rolled my eyes, I sighed and start walking slowly. Marami pa kasi akong dapat aralin tapos uutosan ako. Tumungo na lamang ako sa opisina ni Jeeson.
Malawak dito at tanging opisina niya lang ang iyong makikita. Kapag tinungo mo ang gawing ito ay marami ka ng makikitang couch at mga halaman may chandelier pa dito at may nagiisang pinto, ang pinto ni Jeeson. May nakasulat pa ditong 'Jeeson's office please do not disturb'.
Hindi pa man ako tuloyang nadidikit sa pinto ay may narinig akong malalakas na ungol.
"Ugh! Fvck! Sige pa Jeeson.. hmm ang sarap sh!t.. ugh!!"
Napaatras ako at naistatwa sa kinatatayuan ko, galing ang mga ungol na 'to sa office ni Jeeson.
Anong gagawin ko? Kakatok ba ako o hintayin ko na lang matapos sila?
Lumunok ako ng maraming beses, tuloy-tuloy pa din ang pag ungol ng babae at maririnig mo ang tunog ng bawat katawan nilang naglalapat sa kani-kanilang mga balat.
Umatras ako ng umatras ng dahan-dahan dahil baka mamaya ay isa sa kanila ang lumabas at makita pa ako. Naisipan ko nalang na tumambay sa hagdan kung saan malapit sa opisina ni Jeeson.
Napa buntong hininga ako ng hindi ko na naririnig ang mga ungol mula sa opisina ni Jeeson tila ba makahinga ako ng maluwag. Tumingin ako sa orasan ko.
3:30PM na, Hays....
Naiinip akong naghihintay dito sa hagdan hanggang sa umupo na lang ako.
"Ngayon pa talaga nakipag bombahan, hays andami niyang pipirmahan oh?" Pagrereklamo ko.
Isang staff ang galing sa ibabang bahagi ng kinauupuan kong hagdan.
"Dito may isang babae dito, baka puwede siya!" Sigaw nito.
Walang kung anong hinila niya ang aking isang kamay. Ang aking dalang mga papel ay nakayakap sa isa ko namang kamay.
"H-ha? Anong ginawa ko?" Nagtatakang tanong ko. "Let me go! Ano ba! Marami pa akong ipapapirma kay sir Jeeson!" Tugon ko pa.
Ipinasok ako sa isang mailaw na silid at tinitigan ako ng mga taong narito ngayon sa silid.
A-anong meron?...
"Papasokin na 'yan sa dressing room at umpisahan ng ayosan ng buhok at makeupan bilis!" Sigaw ng isang naka salamin na lalaki.
Dalawang staff ang nanghila sa akin ngunit pumapalag ako dahil nga may dala din akong mga papel na kailangan ipapirma. Lumapit ang isang staff at kinuha ang aking dala at ipinatanong sa desk.
No.... Yare ako nito
Dito sa dressing room ay binigyan na muna ako ng isang fitted na pink dress. Tahimik lamang ako at sinusunod ang bawat utos nila.
"Sexy ka pala" namamanghang usal ng isang staff.
"Perfect siya 'no?" sagot naman ng isa.
Nahiya ako at tinakpan ang aking malaking balakang. Takot ako ma judge nanaman dito sa building na 'to.
Inilugay nila ang aking buhok. Ang iba ay abala sa aking mukha at ang iba ay abala sa pagkulot sa aking buhok.
Natapos ang lahat matapos lamang ng ilang minuto. Sinuotan ako ng hairband na kulay puti at heels na kulay puti din. Binigyan ako ng shades na pink ang kulay at nilagyan ng mga accessories ang aking katawan.
"Ang ganda mo pala talaga" usal ng isang makeup artist.
"Naku thankyou po" aking saad.
Nang lumabas ako sa pinto gaya ng utos sa akin ay napatingin at napatitig sa akin ang lahat. Labis na namamangha sa taglay kong kagandahan at ka sexyhan. Lumantad din ang makinis kong balat dahil maiksihan ang pinasuot sa akin na dress.
"Okay sige start na tayo iha" sambit ng lalaking naka salamin.
"Hawakan mo lang ang product tapos mag pose-pose ka d'yan ng masayang pose ha?" Ani sa akin ng isang babae at inayos ang aking buhok tumango naman ako ng nakangiti sa kaniya.
Nagumpisa ang photoshoot at tinuturoan ako kung paano pa mag pose habang hawak ang products nila.
"Ayan perfect! Okay sa kabila naman, angat isang paa tapos tingin sa camera, halikan ang product perfect!" Masayang sambit ng photographer ng masunod ko ang kaniyang gusto.
Lahat ay naaaliw sa akin at walang ibang ginawa kundi purihin ako. Tatlong beses nila ako pinalitan ng damit at hairstyle maski ang nail extension ay tatlong beses pinalitan. Iba't-ibang theme ang photoshoot na ginawa ko at iba't-ibang product din ang ibinababa sa akin.
Hindi daw kasi dumating ang isang ambassadress na inimbitahan dito kaya kulang ng isa kaya naman naghanap sila ng puwedeng kontakin ngunit busy daw ang lahat kaya naisipin nilang maglibot dito sa building at suwerteng ako ang nakuha nila.
Nagbihis na ako ng damit ko at ibinalik ang suot kong long sleeves na pang babae at mahabang maong na skirt at ang heels kong 3inches lang ang taas, tinanggal ko ang lahat ng accessories at makeup ko maski ang ayos ng aking buhok ay ibinalik ko sa dati. Tapos na din ang photoshoot at nagpaalam na ako sa mga tao dito at kinuha na ang dala kong mga papel kanina.
Hindi ko pa man binubuksan ang pinto ay bumukas na ito at bumungad si Ms. Tina ang nag-utos sa akin na magpapirma sa opisina ni Jeeson, ang head manager na nasa opisina namin.
"What are you doing here?! Dito ba ang opisina ni Sir Jesson?! Ipapirma mo 'yan sabi ko hindi nakikisali ka dito, napaka feelingera mo!" Sigaw sa akin nito.
Napa kuyom ang aking kamay at nilagpasan na lamang siya. Mabigat sa loob ko ang pagpapahiya sa akin ng mga tao dito sa building na ito ngunit iniisip ko na lamang na parti ito ng pagkakaroon ng mataas na pangarap at sila ang magbibigay ng lakas at tatag ng loob sa'yo.
Inis akong muling tumaas sa opisina ni Jeeson at sa wakas ay naka awang na ang pinto niya ng kaunti.
Nilapitan ko ang pintoan niya ngunit may biglang nagsalita sa loob.
"How long will I have to wait to be with you, Martha?" Mababakas sa boses ni Jeeson ang kalungkutan habang isinasaad ang mga ito.
Martha?... Girlfriend niya ba 'to o ano?
Sumilip ako sa pinto. Nakita ko ang isang babae na nakatalikod mula dito sa pinto. Nakapatong ito sa lamesa ni Jeeson, nakasuot ng itim na dress pero may balabal ito sa ulo at nakatayo naman sa harapan niya si Jeeson.
"We'll be together someday. Huwag tayo masyadong magmadali babe" malanding sagot ng babae na para bang kahit anong oras ay uungol nanaman 'to.
Iw.. ang cringe pakinggan..
Ibinaba ko na lang sa pinto ang mga papel na pipirmahan ni Jeeson dahil hindi ko na kaya pang maghintay dito. Hindi ko naman alam kung hanggang kailan ba sila maglalandian ng kaniyang girlfriend doon sa opisina niya.
Maybe they want a second round
Nagkibit balikat ako habang naglalakad palayo sa opisina ni Jeeson. Hindi ko inakalang magdadala ng babae si Jeeson sa loob ng opisina niya e madami namang Motel.
He's very rich pero ang motel ay ang opisina niya? tsk, tsk, tsk
Andito na ako ngayon sa opisina namin at tama nga ang hinala ko nakaabang sa entrance ang head manager na si Ms. Tina.
"Where's the papers?! Hindi ba't sinabi kong hintayin mo ito?" Sigaw nanaman niya.
"Sabi ni sir Jeeson iwan ko nalang daw muna do'n balikan daw bukas" I lied.
"Argh!" Nanggigil niyang usal. "Back to work!" Tugon niya pa.
Kunti na lamang ay mapapatulan ko na 'tong si Ms. Tina-pa e.
Lahat ay bumalik sa pagtratrabaho at naging abala ang lahat habang si Ms. Tina ay walang ginawa kundi mandohan lahat ng employee dito sa office. Nang lumabas si Ms. Tina ay nagkaroon na ng ingay dito sa opisina at lahat ay nakahinga ng maluwag.
Naginat ako ng matapos ang aking gagawin. Ngunit wala pang isang oras na wala si Ms. Tina-pa ay heto na.
"Halatang galing sa squatters area e 'no" rinig kong sambit ng isang kasamahan namin dito habang nakatingin sa akin ang kaniyang katabi.
Ano nanamang ginawa ko sa mga 'to
Kumunot ang aking noo at tinaasan sila ng kilay.
"What?!" Inis niyang usal sa akin. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo at humalakhak ng nakakainsultong tawa. "Look this girl, ugaling squatter" maarte pa niyang tugon. Tinignan ko ang pangalan sa damit niya, ang pangalan niya ay Kelly.
"Kaysa naman sa'yo? Ugaling kanal, napaka sangsang" nanlalabang ani ko.
"Ah talaga?" Tumayo si Kelly at hinarap ako.
Tumayo rin ako hinarap ko siya.
"Tingin mo talaga tatagal ka dito 'no? soon you'll be out of here." Madiin niyang sambit sa akin.
"You will go home crying like ligaw na sisiw" tugon pa ng isang kasama niya, nagngangalang Hanica.
"Just wait and you'll see. I kick you out of here" tinignan ko pa silang dalawa habang sinasabi ito.
Humalakhak sila ng malakas.
"Oh c'mon girl wake up! Hanggang panaginip ka lang huwag ka ng umasa, sa tingin mo ba ang gan'yang itsura ay makakaahon sa buhay? magpulot ka nalang ng basura sa kalsada baka sakali pa." sambit ni Kelly. Muli silang humalakhak na dalawa.
"No thanks girls, kung nananaginip lang ako ay mas nanaisin kong sampalin kayong dalawa bago ako umalis" matapang kong sagot sa kanila.
"What did you say?!" Hinila ni Kelly ang aking buhok.
"What is the f*****g happening here Kelly?!"
May isang boses lalaki ang biglang sumulpot sa aming harapan, paglingon ko ay si Jeeson. Inis na binitawan ni Kelly ang aking buhok.
"May araw ka sa'kin" dinuro pa ako ni Kelly.
"Kelly stop!" Inis na sigaw sa kaniya ni Jeeson. "Oras na ulitin mo pang saktan si Icevy ay mawawalan ka ng trabaho o kahit na sinong gagalaw kay Icevy!" Tugon pa niya.
"At talagang kakampihan mo 'yang squatter na 'yan kahit siya ang nauna?!" Sigaw ni Kelly.
"Do you think I'll believe your lies? Hindi lang isang beses na may nakarating sa akin na kada may bago ay binu-bully mo! bakit sino ka ba? employee ka lang dito at walang mataas na posisyon kaya wala kang karapatan na ganitohin ang mga bagohan dito, imbes na ayusin mo ang mga trabaho mo talagang gan'yan ka pa!" mahabang usal niya.
Mahinang natawa ako sa pamamahiya ni Jeeson sa kaniya.
Tinaasan ko pa ng kilay si Hanica at iniwas ang kaniyang tingin sa akin habang si Kelly ay naiiyak na ang kaniyang mukha.
Deserve ng isang witch na gaya mo 'yan haha loser!
"Back to work!" Usal ni Jeeson at iniwan kami dito.
Nagkaroon ng katahimikan dito ngayon.
"Okay ka lang?" May lumapit sa akin isang employee. Nakasalamin ito at mahinhin ang kaniyang boses.
Halatang mabait...
"Ah oo, ayos lang ako" tanging sagot ko.
"Mabuti na lang talaga nakita ni sir Jeeson 'yon" sagot niya.
"Akala mo naman ay aatrasan ko sila, ang kapal naman ng mukha nilang maliitin ako" usal ko sa kaniya.
"Ugali talaga nila 'yan, halos lahat ng bagohan na nagre resign dito ay dahil sa kanila. Ang iba ay nagsusumbong ngunit ang iba? umuuwing luhaan" kuwento niya.
Kumunot ang noo ko at lumingon ulit kina Kelly na naiinis pa din hanggang ngayon.
"Bakit ba siya gan'yan sa mga kasamahan niya?"
"Bali-balita ex 'yan ni Sir Jeeson"
"Ha?" gulat kong sambit.
"Oo, mayabang talaga at ubod ng sama ang ugali. Takot lang sila magsumbong dito e. Maski ako minsan niya na din inaraw-araw ipahiya dito"
"e bakit ka naman pumayag?"
"Sa takot na din siguro pero dahil sa ugali niya.... hindi na ako magtataka bakit hindi tumataas ang posisyon niya kahit na 5 years na siyang nagtra trabaho dito" pagtutuloy niya sa kaniyang kuwento.
"Gano'n na siya katagal dito? grabe. Kaya pala siya gan'yan umasta" saad ko.
"Kaya siya dito nagwo work kasi naghahabol siya hanggang ngayon kay sir Jeeson. Parang asong ulol na susunod sunod kay sir Jeeson e" natatawa niyang sabi.
Tumango tango naman sa sinasabi niya.
Hindi kaya siya 'yong kasama ni Jeeson kanina? pero malabo e...
"Wala naman na siya pag asa kay sir Jeeson e, may girlfriend na 'yon" sambit ko naman.