ICEVY POV.
Kasama ko ngayon sa restaurant si Micaella ang nakilala ko noong nakaraan na employee na maraming dalang chismis.
Simpleng restaurant ang lugar na pinuntahan namin ngayon kaya naman hindi ako masyadong nagiging ignorante. Hindi naman kasi ako nakakapasok sa mga restaurant.
Dito namin naisipan na mag lunch dahil inaya din niya ako at ililibre.
"Totoo bang walang girlfriend si Jeeson ngayon?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nabanggit niya kasi noong nakaraan na wala namang nobya ito ngunit inuulit ko pa din.
Nakaupo na kami ngayon dito at hinihintay ang order niya na pagkain namin.
"Oo nga, hindi 'yan nagkakaroon ng girlfriend kaya nga minsan suplado e" sambit ni Micaella.
Napaisip nanaman tuloy ako at hindi ko naman puwedeng sabihin ang nakita at narinig ko noong nakaraan dahil masisira ang pangalan ni Jeeson.
"Gano'n ba" napapakamot sa ulo kong sabi.
"Bakit? May balak ka bang jowain?" Natatawa niyang sagot.
"Hoy hindi a, pogi siya oo pero parang kaibigan na nga turing ko d'yan e" pagtanggi ko sa kaniya.
"Oo Jeeson nga lang tawag mo e, huwag mo 'yan ipaparinig sa loob ng opisina at baka mabatukan ka talaga"
Natawa na lamang kaming dalawa. Maya-maya pa ay dumating na ang inorder ni Micaella. Nagulat ako sa itsura ng pagkain dahil pang mayaman talaga.
"Mukhang mahal ata 'to, nakakahiya naman" nahihiya kong usal. "Parang hindi ko ata 'to makakain Mica" tugon ko pa.
"Ano ka ba, ako naman nagsabi na ilibre kita e" hinawakan pa niya ang kamay ko upang gumaan ang pakiramdam ko.
Nagsimula na lang kaming kumain na dalawa.
"Alam mo ngayon lang ako nakapunta sa restaurant, karenderya lang kasi ang afford ko e" tanging usal ko habang kumakain kami.
"Ako din naman noon, pero no'ng nagkaroon ako ng work siyempre minsan may ipon diba? talagang pinupuntahan ko mga gusto kong kainan" kuwento niya
"Wala ka bang ibang friends? Bakit hindi mo sila inaya" pagtataka ko.
Napatingin siya sa akin sa sinabi ko.
"Sa totoo lang wala naman talaga akong kaibigan sa opisina tyaka naglakas loob lang din akong lapitan ka kasi alam kong mabait ka"
"Bakit naman wala kang kaibigan? e andami niyo doon. Maiintindihan ko pa kung katulad kitang mahirap pero tingin ko hindi naman e" nakakunot na noong sambit ko.
"Lahat sila mataas ang tingin sa sarili kaya hindi mo sila magiging ka level" siguradong sagot niya.
Napabusangot na lang ako masuwerte siya dahil ako ang naging kaibigan niya ngayon. Masuwerte din ako kasi marami akong makukuhang chismis sa kaniya.
"Ilang taon ka na ba nagtratrabaho d'yan sa thankmelater?" Tanong ko nanaman sa kaniya.
"Mag ta-tatlong taon pa lang buti nga nagtagal e" sambit niya.
Gusto kong magtanong kung ano pa ang mga naranasan niya sa pagtratrabaho pero dahil sa malungkot niyang mukha ay hindi na lamang ako nagtanong. Minabuti na naming ubosin ang kinakain namin upang makabalik na sa opisina.
Lumipas ang ilang minuto ay busog na busog kaming lumabas ng restaurant at bumalik sa opisina.
Pagdating namin sa opisina ay nagiingay ang lahat halos maihi na sa kilig habang ang iba animoy mga lasing na nagwawala at kinakalampag ang mga gamit.
"Anong meron?" Tanong ko sa isang kasamahan namin.
"Si Wynn Huxley kasi pumunta dito kanina, ang pogi pogi niya!" Nagtatalon na usal niya.
Nanlaki ang mga mata ko at nanghina.
"Si... S-si W-Wyn?" Uutal-utal kong sambit.
"Oo nga si Wynn!" Namumulang sambit pa nito habang hinihila ang damit ng isa niyang katabi sa sobrang kilig.
Napaupo ako sa aking upuan dahil nanlambot ako ni hindi ko manlang siya nakita.
"Nasaan na siya?" nanlalambot kong tanong.
"Umalis na, hindi nga kami nakapagpa picture e kumaway lang siya sa amin baka may pinirmahan lang" sambit ng isa.
Bigla na lamang tumulo ang aking luha, nanikip ang dibdib ko at nanginig ang aking katawan. Labis na lungkot ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko na mapigilan pa ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.
"Hoy! Bakit ka umiiyak?"
Nilapitan ako ni Micaella at hinagod ang aking likod at pinupunasan ang aking luha.
"Okay lang 'yan may iba pa namang pagkakataon para makita mo siya e" pagpapagaan niya ng aking loob.
Ngunit hindi manlang ako nakaramdam ng kaginhawaan sa puso bagkus lalo pa akong nalungkot. Gustong-gusto kong makita si Wynn ngunit palagi na lamang ganito, hindi ko siya naaabutan.
"Ang malas-malas ko, palagi na lang gan'to" malungkot kong sambit.
"Marami pang darating na araw, babalik pa 'yon dito kasi isa siya sa palaging kinukuhang ambassador kapag may bago silang inilalabas na product dito" aniya.
Bumuntong hininga ako ng malakas at pinunasan ang aking mga luha.
Madami pang nangyari sa araw ngayon ngunit hindi ko pa din makalimutan kung gaano ako kalungkot ngayon. Lumilipas ang mga oras ngunit imbes na pagod ang maramdaman ko ay kalungkotan. Out na kami at heto ako walang ka gana-ganang inaayos ang mga gamit ko.
"Uwi na ako ha? Umuwi ka na din ikaw nalang natira dito, sorry nagmamadali ako may sakit kasi si Mama ngayon e" pagpapaalam sa akin ni Mica tumango lamang ako ng malungkot.
Muli akong nagpatuloy sa pag-aayos ng aking mga gamit at laging na pa pa buntong hininga.
"Anong ginagawa mo?"
Marahan akong lumingon sa aking likuran at nakita si Jeeson.
"Nag aayos" walang buhay kong sambit.
"Para ka namang nalantang gulay d'yan. Ano bang nangyare sa iyo at gan'yan ang mukha mo?"
"Pumunta si Wynn dito tapos hindi namin naaabutan. Kumain kasi kami sa restaurant kanina sa baba" malungkot na malungkot kong sambit.
Humalakhak siya ng napaka lakas na ikinasama ng aking tingin sa kaniya.
Gago ba 'to? Anong nakakatawa?
"Tsk!" Naiinis kong sambit.
"Dahil lang doon nalanta ka na?" Natatawang sabi pa niya at muling humalakhak ulit.
"Anong dahil lang do'n?! Hindi mo alam kung gaano ko kagustong makita si Wynn 'no. Siya ang dahilan kung bakit gusto kong maging successful sa buhay, para mapansin niya!" Nakasimangot kong usal sa kaniya.
Natawa pa muna siya sa hindi ko alam kung dahil sa sinabi ko or sa itsura ko ngayon.
"It's so funny. Talagang ginawa mong buhay si Wynn?" Tumatawang usal niya. "Paano ka naman mapapansin no'n kung ganiyan ang mukha mo d'yan" tugon pa niya at sumeryuso ang mukha.
Inayos niya ang aking gulo-gulong buhok, naaamoy ko ang mabango niyang balat habang nakatingala ako sa kaniya.
"Alam mo palagi naman pumupunta dito si Wynn, so you can take a picture with him" mahinahon na ang kaniyang boses at malambing.
"Ayoko lang ng basta picture, gusto ko siya angkinin" deretsong sabi ko.
Nanlalaki ang mga mata niyang napaatras at muling natawa ng malakas. Inis ko siyang binato ng heels ko at tumama ito sa kaniyang tiyan.
"Ouch! I'm just kidding okay?" Aniya. Lumapit siya at isinuot muli ang aking heels.
Muling sumeryuso ang kaniyang mukha na mas ikinaguwapo at ikinaaliwalas ng kaniyang mukha. Hinawi niya ang kaniyang buhok paitaas at nagpamulsa.
"Let's talk tomorrow in my office. . . mga 3PM" sambit nito.
"H-ha?" Nauutal kong sabi.
3PM? diba 'yon din ang oras na may ka s3x siya noong nakaraan? no way!....
Paano kung makipag bombahan din siya sa akin?
Anong gagawin niya? Baka mamaya talk pero may kantohan na.
"Anong g-gawin natin d-doon?" Nauutal kong sabi.
"Relax okay? 3PM-5PM lang freetime ko. Ipapaalam na lang kita sa mga visor dito at manager" sagot niya sa akin.
Hmm kaya pala may 2 hours ka makipag s3x sa babae mo.
"Ah okay sige" tanging sagot ko.
"Huwag ka mag-alala good news naman 'yon e"
"Bakit hindi pa ngayon? Bakit ipapabukas pa?" Pagmamadali ko.
"May pagiisipan pa ako e"
Lumapit siya sa akin ng dahan-dahan at ako naman ay umatras ng umatras lang. Nang aakit ang kaniyang mga mata at namamasa ang kaniyang mapulang labi at talagang nakakaakit halikan ang mga ito.
Napahinto ako sa pag atras ng tumama ako sa isang lamesa pero marahan pa din siyang lumalapit sa akin na para bang gusto niya akong sunggaban ng mga halik.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, napatulala ako sa kaniya habang pigil na pigil ko ang aking paghinga dahil nahihiya akong maamoy niya ang aking hininga. Dumampi sa aking ilong ang kaniyang hininga, napaka bango ito at amoy mint.
"Huwag ka ngang gan'yan mamaya mabasa panty ko e!" Saway ko sa kaniya nakita kong ngumisi pa ito.
Napa pikit ako ng mas lalong lumapit siya at iniwas ang aking mukha.
"See you tomorrow honey" bulong niya sa aking tenga.
Kinilabutan ako sa kaniyang boses at hininga na naramdaman ng aking tenga pababa sa aking leeg.
Lumayo siya sa akin na ikina hinga ko ng malakas at tinalikuran niya ako. Nakita ko siyang lumabas ng opisina na nakapa mulsa.
"Anong trip no'n? Parang tanga" naiinis kong sambit sa aking sarili. "Huwag niyang sabihing gagawin niya din akong babae niya, baka masapak ko pa siya" tugon ko pa.
Kay Wynn lang ang virgin kong pempem hindi ko ipapakain 'to sa iyo 'no!
Tyaka kay Wynn lang 'to dapat mabasa, paepal ka talaga!