ICEVY POV.
Wala akong maayos na dress ngunit may naalala akong ipinamanna sa akin ni Mama. Simpleng dress lang ito na kulay puti at heels na puti din ngunit maliit lang ang takong, na sa 2 inches.
May narinig akong bumubusina sa labas kaya alam kong si Micaella na ito. Nag curl pa kasi ako ng buhok ko para kahit papaano ay maayos akong tignan.
"Anong oras ka ba uuwi?" Usal ni Mama habang tinitignan akong naglalagay ng hikaw.
"Hindi ko alam Ma e, pero promise ko Ma hindi ako aabotan ng liwanag. Alis na ako Ma iloveyou"
Hinalikan ko siya sa pisngi tyaka nagmamadaling lumabas ng bahay. Nakita ko na agad si Mica sa harapan ng bahay namin.
Agad akong pumasok sa kaniyang kotse.
"Ano? okay lang ba ako? I mean maayos ba ako tignan?" Tinitigan ko siya ng maigi.
"Hmm, okay naman. Mukha kang si Marimar" sambit nito. Inayos niya ng kaunti pa ang aking buhok nang makontento siya ay inayos niya ang kaniyang pag-upo.
Ngumiti naman ako ng napaka laki. Pinaandar na ni Micaella ang kotse niya.
"Grabe pala d'yan sa inyo 'no? Andaming mga batang madudungis, napapabayaan ng mga magulang" bigla siyang nagsalita.
"Ah oo gano'n talaga doon sa amin, mga Nanay kasi nila palaging nag to tong-its tapos nag bi-bingo kaya mga anak nila pagala-gala" sagot ko naman sa kaniya.
"Edi pati si Mama mo?" Ani niya.
Kumunot ang noo ko ngunit binalewala ko.
"Hindi ah, ang Mama ko nagtitinda ng isda sa palengke tapos minsan naglalabandera. Hindi siya naglalaro ng mga sugal" pagpapaliwanag ko.
Hindi ko rin alam bakit kailangan ko pa ipaliwanag ang mga 'to ngunit ayaw kong mahusgahan din ako at ang pamilya ko. Satingin ko ay hindi naman nanghuhusga si Mica dahil mabait naman siya at siguro curious lang din.
Tumango-tango siya sa aking sinabi. Huminto ang kaniyang kotse sa isang mall.
"Bakit tayo andito Mica?" Takang tanong ko.
"Mag-aayos pa tayo 'no, tara"
Nagpauna siyang lumabas sa kaniyang kotse dala ang isang medyo malaking bag niya, kaya naman lumabas na lang din ako. Dumeretso kami sa loob ng mall at lumiko sa isang public restroom. Nilock niya ang pinto.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko ulit.
Nilabas niya ang isang magandang kasuotan. Revealing na top at fitted na skirt na meron pang kaunting slit. Sobrang kinang ng mga ito at terno.
Pinagmasdan ko kung paano niya isinuot ang mga ito. Habang ang heels niya ay inilabas niya rin mula sa isang bag, pinalitan niya ang kaniyang sapatos na suot kanina.
Namangha ako sa kaniyang katawan at napaka kinis na kutis nito. Tinulongan ko siyang ipasok ang mga damit niya kanina na hinubad sa kaniyang bag upang mabilis.
Inilugay niya ang kaniyang buhok at nagkaroon ito ng curve dahil sa kaniyang tali kanina. Tinanggal niya ang kaniyang salamin at inilabas ang isang maliit pa na bag.
Binuksan niya ito at inilabas ang isang bagay, pinahid niya ito sa kaniyang balikat at dibdib. Nagkaroon ng kinang ang mga ito ngunit mabango.
"Hali ka" sambit niya sa akin kaya naman lumapit ako.
Pinahidan niya din ako sa balikat, leeg at dibdib ng ipinapahatid niya.
"Highlighter 'to para sa katawan pero may highlighter din para sa mukha" nakangiting sambit niya.
Matapos niya akong asikasohin ay tinanggal niya ang kaniyang salamin at nagpahid ng lipstick na kulay dark red at may pagka violet.
"Grabe, ang ganda mo pala kapag wala kang salamin" namamanghang ani ko.
"Malabo nga lang mata ko, pero may contact lense naman ako ngayon kaya okay lang kahit hindi na mag salamin" kaniyang sagot.
Hanggang sa pag-alis namin sa mall ay nakatitig lang ako sa kaniya, sobrang ganda niya talaga. Ngayon ko lang siya nakitang walang salamin at gan'to ang suot. Dahil madalas ay halos parehas lang kami ng outfit. Mahabang skirt at long sleeves pinagkaiba lang namin ay siya may salamin at ako wala.
"Maganda na ba ako?" Sambit niya nang makapasok na kami sa kotse niya.
"Oo sobrang ganda beshy!" Kinikilig ko pang sambit.
"Okay, let's go!!" Masaya niyang ani.
Agad na umalis na kami sa mall.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto kami sa malawak na parking lot. Sa gilid nito ay may umiilaw-ilaw na nang gagaling sa isang sulok ng lugar, mukhang ito na ang bar.
Naglakad kaming pumunta roon. Habang ako ay inililibot lang ang aking paningin. Hindi gano'n kaliwanag ang harap nito. Sa itaas ay may nakasulat na Bars & Clubs.
Pagka pasok namin ay tumambad ang napaka daming tao na ikinagulat ko. Andaming nagsasayawan, maingay, madaming ilaw halo halo talaga. Gan'to nga talaga ang bar kahit sa mga napapanood ko sa tv
"Ito ang club" malakas na bulong sa akin ni Mica dahil nga malakas ang sounds dito.
Ay club pala.
Hinawakan ko ng napaka higpit si Mica dahil baka magkahiwalay kami. Pinili niya ang isang sulok upang doon kami pumuwesto.
Pumirmi ako sa gilid at pinagmamasdan lamang ang mga tao dito sa lugar na ito habang si Mica naman ay umalis saglit. Talagang halos lahat ng suot nila ay magaganda at napaka revealing. Napatingin ako sa suot ko buti na lang at dress ang pinili ko kaya kahit papaano ay nakakasabay naman sa kanila.
Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na lalaki, guwapo ito at nakasando lang ng puti pirming nakangiti sa akin. Sumilip pa ang nagiisang dimple nito.
"Hi" sambit niya
"Ahm.. hi" nakangiti ding sambit ko.
Hindi ko na siya nilingon pa at tumingin na lang sa mga nagsasayawan.
"You're pretty huh" ani niya.
Nilingon ko ulit siya.
"Ah.. thanks" nahihiya pang sambit ko.
Naiilang ako sa kaniya, hindi ako sanay na may mga lalaking lumalapit at nakikipag usap sa akin. Biglang dumating si Mica at may mga dalang alak. Nilingon niya ang lalaking na sa aking harapan.
"Ow, hi" pagbati ni Mica.
"Hi" sagot naman ng lalaki sa kaniya.
"Wanna join?" Sambit nito at nilingon ang mukhang mga kasamahan niyang lalaki na nagsasayaw, nakatingin pa ang mga ito sa gawi namin.
"Yeah, sure!" Mabilis naman na sagot ni Mica.
Mabilis na nilapitan ko si Mica at binulongan.
"No Mica, huwag. Baka mamaya anohin ka pa ng mga lalaking 'yan e" sambit ko.
"I can handle it" sagot niya sa akin. "Let's go?" Pag-alok niya sa akin ngunit umiling ako. "Don't kill the joy! ano ka ba, come on!" Hinila niya ako ng tuloyan at wala na akong nagawa.
Hanggang sa makarating na nga kami sa gitna. Pinag gigitnaan kami ng mga kalalakihang kasama ng lalaking lumapit sa amin kanina. Bigla akong mas lalong nailang.
Shit...
Gumilid ako ng kaunti dahil hindi ko talaga kaya ang ganito. Ngunit nagulat ako ng sa pag atras ko ay may humawak sa aking bewang. Tumingala ako at nakita ang lalaking kaninang lumapit sa amin nakangiti ito sa akin. Hinigpitan niya ang hawak sa aking bewang kaya naman pinilit kong lumayo sa kaniya ng kaunti.
Tinapik ko ang kamay niya na ikinabitaw niya sa aking bewang.
Tya-tyansing ka pa ha.
Nakipag sabayan ako sa gusto ni Mica. May hawak din akong glass na may kargang wine at napapainom talaga ako dahil sa mga galawan ni Mica ngayon, kinakabahan ako at baka mamaya iuwi siya ng mga lalaking kasama namin ngayon.
Ngunit nagtataka din ako dahil hindi manlang siya naiilang at hinahayaan niya lang na hawakan siya at
palibutan ng mga lalaking kasama namin. Dahil siguro lasing na siya. Binabantayan ko lamang ang mga bawat galaw niya.
Hindi ko na din pa mainda ang pait ng alak na iniinom namin ngayon. Sa isang iglap ay biglang nawala sa paningin ko si Mica at dalawang lalaking kasama namin ang nawala.
Shocks!
"Fvck!" Napamura ako.
Lumingon-lingon ako ngunit ang lalaking naka sando lang ang andito at tila binabantayan din ako. Habang ang dalawang lalaking natira ay andito din busy sa pagsasayaw at paghawak-hawak sa kababaihan.
"Umalis muna sila saglit" usal ng lalaking 'to.
"At saan naman sila pupunta?!" Inis na sabi ko.
Ngunit ngiti lang ang naisagot ng lalaking ito.
"Lasing na 'yon! Hanapin natin" natatarantang ani ko.
Umiling-iling siya na aking pinagtaka. Iniwan ko ang lalaking ito at nagsimulang hanapin si Mica.
Ano ba naman 'yan Mica.. mamaya anohin ka nila e
Nahihilo na din ako.. damn it!
Ramdam ko na din na nalalasing na ako dahil umiikot na ang paligid ko ngunit pinipilit hagilapin ng aking mga mata si Mica.