ICEVY POV.
Sa pagpasok ko palang sa entrance ng thankmelater ay labis na ang aking gulat dahil ang mga litrato ko noong nakaraan ay naka display na sa entrance.
"A-Anong ibig sabihin nito?" Wala sa sariling sambit ko habang nakatitig sa aking napaka gandang litrato.
Tuloyan akong pumasok dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nagsikalat ang aking mukha sa dingding ng floor na ito. Nagtataka pa din ako sa nangyayari ngayon, hindi ko talaga akalain na ganito ang magiging kahihitnan nito.
Ang buong akala ko ay nangangailangan lang sila ng tao para sa ipapasa nilang trabaho dahil hindi naman ako isa sa mga modelo o kahit ambassadress dito.
Wala sa sarili pa din akong umakyat ng elevator. Nakatulala ako habang papasok ng opisina at sumalubong sa akin ang masasamang mata ng katrabaho ko.
Napasinghap nalang ako at ipinitik ang aking buhok bago ako umupo sa harap ng computer ko.
Totoo ba 'to o nananaginip lang ako?
Hmm sikat na ba ako?
Napangisi ako sa sinabi ko sa sarili ko.
Nakangiti akong nagtratrabaho, napaka good mood ko ngayon at ang sarap sa pakiramdam. Lumipas ang isang oras ay tinawag ako ni Ms. Tina, sa Head office daw.
Kinabahan ako at baka may nagawa nanaman akong mali. Sumunod na lang ako kay Ms. Tina at pumasok sa entrance ng pinto.
Sumenyas ang matandang lalaki na umupo ako, agad ko naman itong ginawa. Hindi ko alam kung anong posisyon niya dito sa company na 'to.
"Mr.Jeeson tell me about this. Kukunin ka niyang ambassadress sa sarili niyang product at gagawin ka niyang model kung papahintulotan mong gawin siyang manager mo" sambit nito.
Tila ba sinampal ng drumstick ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Lumaki ang aking mga mata at hindi alam ang isasagot ko sa kaniya.
"S-Si J-Jeeson?" Uutal-utal kong usal.
Nagsimulang manginig ang aking mga kamay.
Si Jeeson na ba ang tutupad sa pangarap ko?
Pinipigilan ng aking mata na maluha. Suminghap ako ng malakas na hangin at pinilit magsalita dahil naghihintay ito ng aking sagot.
"O-Oo naman po, bakit ko naman ito tatanggihan" masayang ani ko.
"Meet him into his office later, 3PM" kaniyang sagot.
Tumango-tango ako ng nakangiti at masayang lumabas ng silid na ito. Kinikilig pa ako ng pumasok ako sa office namin at umupo.
"Ano pinagalitan ka ba?" Si Mica.
"Hindi beshy! Gagawin akong model ni Jeeson at kinuha niya akong ambassadress ng sarili niyang products!" Kinikilig na sabi ko.
"Totoo ba beshy?" Nakangiting sambit nito.
Tumango-tango ako ng nakangiti.
"At dahil d'yan mag bar tayo mamaya, mag c-celebrate!"
"Hmm hindi pa ako nakakapasok sa bar pero let's go!"
Itinaas ko pa ang kanang kamay ko habang nakakupit ang aking palad.
Ito na ba ang simula ng pangarap ko?
Naaamoy ko na ang simoy ng pera...
Naaamoy ko na si Wynn..
Mas lalo akong kinilig hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong magtatalon-talon dito ngunit hindi ko magawa dahil sa nakakainis na mga katrabaho ko.
Dinedma ko ang masasamang tingin nila sa akin dahil alam nila na good news ang aking sinambit kay Mica.
"Sipsip" rinig kong bulong ni Kelly sa aking likuran.
Nilingon ko siya at nanlilisik ang kaniyang mga mata, tinirik ko ang aking mata at muling ipinitik ang buhok ko sa kaniya.
"Inggitera" walang boses na sambit ko na alam kong naintindihan niya.
Inirapan niya lang ako at bumalik sa kaniyang trabaho. Isinuot ko na ang aking headphone at nagsimulang magtrabaho.
Naging abala ang lahat ng halos ilang oras. Mabilis na lumipas ang mga oras dahil sa dami naming ginagawa. Nag-inat ako at nagtanggal ako ng headphone at tumayo.
Sobrang sakit na ng pantog ko at talagang maiihi na ako. Nagmamadali akong tumungo sa banyo, mabuti na lamang at halos katabi lang namin ang restroom dito.
Mabilis akong pumasok at umupo sa inidoro.
"Ah, ang sarap sa pakiramdam kapag naipon ang ihi sabay labas" sambit ko.
Hinugasan ko na muna ang aking gitna at pinunasan ng tissue, agad akong nag flash ng ihi ko at lumabas na. Tumungo ako sa salamin at naghugas ng aking kamay.
"Talagang gagawin mo lahat maka sipsip lang kay Jeeson 'no?"
Isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita mula sa pinto ng restroom. Nilingon ko ito at si Kelly ang aking nakita. Pinunasan ko ang aking kamay bago ako humarap sa kaniya ng tuloyan.
"So ano naman ang binayad mo kay Jeeson para gawin kang ambassadress? pekpek mo? " Derektang sambit nito sa akin, dahan-dahan pa itong lumapit at pinagdiinan ang huling salitang binanggit niya.
"Bakit? pekpek din ba ang ginamit mo para maging boyfriend mo dati si Jeeson?" Pagbabalik tanong ko sa kaniya.
"How dare you b!tch!" Sigaw nito.
Umakma itong sasampalin niya ako ngunit nasalo ko ito.
"Mahirap ako pero hindi ako pokpok katulad mo" Nanginginig ang boses ko habang sinasabi ito dahil sa gigil ko sa babaeng ito.
Inis kong binitawan ang kamay niya at iniwan ko siya sa restroom.
"Buwesit talagang babaeng 'yon ayaw akong tigilan" naiinis ko pang bulong
Pumasok ulit ako sa opisina namin at napatingin sa orasan na sa sulok ng silid.
Mag a-alas tres na pala...
Pupuntahan ko pa kaya si Jeeson?
Mukhang 'yong sasabihin niya e nasabi na ng lalaki kanina sa isang office e.
Na trauma kasi ako sa pagpunta sa office niya at baka makarinig nanaman ako ng malalakas na ungol.
"Puntahan ko lang si Jeeson saglit, hintayin mo ako ha? deretso na ba tayo sa bar after work?" Sambit ko kay Mica.
"Hindi a, kailangan natin magbihis 'no tyaka dapat sexy tayo pupunta do'n" sagot niya sa akin.
"Ah, gano'n ba. Oh sige"
"Sundoin na lang kita mamaya, mag taxi na lang tayo. Huwag kang mag-alala treat ko naman e" kinindatan niya pa ako.
"Huwag na ano ka ba nakakahiya naman, mag share nalang ako may ipon naman ako e"
"Hays, manahimik ka d'yan. Ako ng bahala periodt!" Sambit nito.
"Pasaway ka, oh siya kikitain ko lang si Jeeson " Pinandidiinan kong sambit upang marinig ng mga kasama namin dito sa opisina ng mamatay sila sa inggit.
Narinig ko pa na suminghap sa inis si Kelly. Hindi ko na sila pinansin at naisipan ko ng lumabas sa opisina. Malakas pa akong kumuha ng hangin at malakas ding ibinuga ito.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa elevator. Pinihit ko ito ng makarating ako. Pagdating ko sa floor ng office ni Jeeson marahan din akong naglalakad. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang madilim na office ni Jeeson.
Wala ba siya? e asan siya?
Nagsisimula na kasi akong antokin dala ng pagod ko, ngunit hindi matanggal ang ngiti sa aking mga labi talagang walang sawa akong magpapasalamat kay Jeeson dahil dito.
Nang makapasok ako sa office niya ay nagulat ako dahil mas madilim ang paligid dito sa loob, nilingon ko ang bawat sulok at tanging sinag galing sa langit nagsisilbing ilaw nito, dahil nga makapal ang bawat kurtina na nasa silid ito ay talagang dumilim ang buong paligid.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng bagay na ikinatayo ng aking mga balahibo, mga tunog ng labing naglalapatan, mga hiningang naghahabolan.
Nanlaki ang mga mata ko ng bumukas ang pinto ni Jeeson. Mabilis akong nagtago sa likod ng couch niya.
T4ngina..
Bigla na lang may kung anong bumagsak mula sa couch na ikinatakip ng aking bibig, dali-dali akong mas yumuko pa ngunit hindi ako nakontento. Inihiga ko nalang ang buong katawan ko sa tiles at binaluktot ang aking katawan dahil sa takot na baka mahuli ako.
"Ugh!"
T4ngina.. heto nanaman sila
Ayon nanaman ang ungol ng babaeng pamilyar na sa akin dahil narinig ko na ito noong nakaraan. Nanginig ang katawan ko pakiramdam ko traumang-trauma na ako sa mga ungol nila.
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko at pinaglapat ang labi ko.
"Hmm, sh!t ugh.. ugh!" Mahahabang ungol ng babae.
"ugh" rinig kong ungol din ni Jeeson.
Habang patuloy na yumayanig ang couch. Dahan-dahan akong gumapang papunta sa pintoan na nakaawang.
T4ngina ng mga 'to, araw-araw na lang ba?!
Kantohan gusto, lock ng pinto ayaw?
Mabuti na lang at madilim, hindi nila ako makikita. Nang makalagpas ako sa pinto ay napabuga ako ng hininga. Mabilis akong lumayo sa office ni Jeeson at ng medyo makalayo ako ay tumakbo na ako.
Sunod-sunod akong na pa mura sa inis. Mabuti na lamang at nagsikalat ang mukha ko dito kaya talagang pinilit ko na lang na ngumiting muli at kalimutan ang aking narinig.