CHAPTER 9

1506 Words
"SAMAHAN mo akong mag-grocery." Nagulat at napatingin si Samantha kay Jared matapos nitong sabihin iyon. Samahan? Ang akala pa naman niya ay mag o-order nalang ito dahil wala namang mailuluto sa ref nito, at makakauwi na siya. Pero nag-aya pa ito na mag grocery kasama siya? Nagulat talaga siya nang makita na si Jared pala ang sinasabi ni Jessica na pag tatrabahuhan niya. Kung alam niya lang ay di sana hindi na lang niya tinanggap ang trabahong in-offer nito sa kanya. Ngayon tuloy ay hindi niya mapakalma ang puso niya. Lalo pang dumagdag ang kaba niya ng hawakan nito ang labi niya kanina habang sinisipat nito ang noo niya. Para siyang nakaramdam ng libo-libong bultahe sa kanyang katawan ng maramdaman niya ang kamay nito. Ilang oras pa lang ang nakakalipas ng makasama niya ito ay nawawala na siya sa huwisyo. Paano na lang kung gabi-gabi pa? Hindi niya yata kayang makasama ito ng hindi nawawala sa katinuan. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Hindi maaari iyon.' Sambit niya sa isip. Kailangan makaalis siya sa lugar na iyon. "Hindi ak-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla nalang itong lumabas ng kusina. "Sandali lang!" Mukhang wala siyang magagawa kung hindi samahan itong mag grocery. Bumuntong hininga muna siya bago lumabas ng kusina. Naabutan niya si Jared na nag aayos ng sarili sa may sala. Napalingon ito sa kanya. "Ready ka na? Tara." Nauna na itong maglakad patungo ng pinto. Habang naglalakad sa hallway ng palapag na iyon ay pinag-aralan niya ang hitsura nito sa likod. Ngayon lang niya nakitang na short ito. At lalong na emphasize ang mahahabang binti nito dahil sa suot nito. Kung hindi niya ito kilala, maaring mapagkamalan niya itong model dahil sa tangkad, tindig at kagwapuhan nito. Kahit simpleng damit lang ang suot nito ay nagmumukhang mamahalin. Kaya ganun nalang karami ang nagkakagusto dito. Mahirap maging boyfriend ito. Baka marami siyang maka-away kung sakali. Napailing siya sa naisip. Bakit ba pumasok sa isip niya na magiging boyfriend niya ito? Mukhang lumalala ang pag kagusto niya rito. Nangangarap na siya ng gising. Hindi magandang pangithain iyon. Lumingon ito sa kanya at tumigil sa paglalakad ng mapansin nito na hindi sila mag-kasabay sa paglalakad. "Ano bang ginawagawa mo riyan? Ano ba ang tingin mo? Bodyguard kita? Bakit nandyan ka sa likod ko?" "Baka kasi anong isipin ng mga kapit bahay mo." Sagot niya rito. Pero ang totoo ay naiiliang lang siyang makasabay ito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya na lalong nagpawala ng sistema niya. Nagulat siya sa ginawa nito. Pilit niyang kinukuha ang kamay niya ngunit hindi nito iyon binibitawan. "Ano naman ang pakialam ng mga kapit bahay ko kung makita man nila akong may kasamang babae at may ka-holding hands na ganito?" Itinaas pa nito ang kamay nila na magkahawak. Tapos ay hinila na siya patungo sa elevator. Nang makapasok sila sa elevator ay sobrang lakas ng pintig ng puso niya. Lalo pa at nakikita niya ang reflection nila sa loob ng elevator na magkahawak kamay. Kaya pilit niyang tinatanggal sa pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya. Ngunit malakas ito. Hindi nito hinahayaang matanggal ang magkahugpong nilang mga kamay. Napabuntong hininga nalang siya at saka sumuko. Ngunit habang napapatingin siya sa reflection nila ay lalo ding palakas ng palakas ang pintig ng puso niya. Iniisip niya nga kung naririnig ba nito iyon. Dahil sa sobrang lakas nito, feeling niya, ano mang oras ay lalabas na ang puso niya sa lakas ng pintig niyon. Sinulyapan niya ito at tiningnan. Busy ito sa pagtingin sa cellphone nito. Bakit ang gwapo nito? Nakakainis. Lalo tuloy siyang nagkakagusto rito. Tumunog ang elevator at hudyat na iyon para lumabas sila at maglakad patungo sa parking lot. Huminto sila sa itim na Porsche 911. Pinindot nito ang hawak na remote at umilaw naman ang kotse. Nagtaka siya. Hindi ito ang nakikita niyang sasakyan na dinadala nito sa school nila. "Sayo ito?" Tanong niya rito. "Hindi ba sedan ang sasakyan mo?" "Oo. Pero ginagamit ko lang iyon pagpapasok sa school. Sakay na." Binuksan nito ang ang passenger seat upang makasakay siya. Akmang sasakay na siya nang maalala na magkahawak nga pala ang mga kamay nila. "Ah.. ehh. Yung k-kamay ko h-hawak mo." Sabi niya rito. Nagulat pa ito nang maalala na hawak pa rin nito ang kanyang kamay. "S-sorry." Hinging paumanhin nito. Nang bitawan nito ang kamay niya ay dumeretso na ito sa driver seat upang magmaneho. Tahimik lang silang dalawa habang nagmamaneho ito. Parang pareho silang naiilang. Kailangan niya magsalita para hindi maging awkward ang sitwasyon nila. "Matagal ka na bang nakatira sa condo mo?" Tanong niya rito. "Matagal na. Mga 7 years ago na. Lumipat ako dun ng ipasara ni daddy ang pinapasukan kong art school." Kwento nito. "Art school?" "Oo, ang gusto ko kasi talaga ay maging painter. Pero dahil nagmula ako sa angkan ng mga doctor ay kailangan kong magtapos ng pagiging doctor sa ayaw at sa gusto ko." Sabi nito. Mababakas sa pagsasalita nito ang lungot. "Bakit hindi mo ipaglaban ang gusto mo?" Tanong niyang muli rito. "I tried, pero gaya nga ng sabi ko. Pinasara ni daddy ang art school na pinapasukan ko. Kung lilipat naman ako ng art school ay tiyak na ipapasara niya lang din iyon. Kaya nagpasya akong sundin nalang si daddy. Wala din naman akong magagawa."He laughed. "Do you know how many times I dropped my subjects? But look at me. Until now I'm still here, still studying medicine. I can't really escape, sabi nga ni Dylan, iyon na ang kapalaran namin." Mahabang sabi nito. Kaya pala hindi ito nagpapapasok sa mga klase nito dahil hindi naman pala nito gustong mag doctor. Ngayon ay mas naiintindihan niya na ito. "Pero ngayon." Tumingin ito sa kanya. "May dahilan na ako para magustohan ang medicine." Ilang sandali lang ang pagtingin nito sa kanya pero sapat na iyon para magwala ang puso niya. Iba talaga ang nagagawa nito sa puso niya. Maya maya ay nakarating na sila sa supermarket. Ilang minuto lang naman ang layo niyon sa condo unit ni Jared. Gaya kanina ay ito ang unang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Paano ba siya hindi mahuhulog sa lalaking ito? Napaka gentleman nito. Ganito kaya ito sa mga babaeng dinedate nito? Nang makalabas siya sa sasakyan ay pumasok na sila ng supermarket. Ito ang kumuha ng push cart. Habang naglalakad ay may panaka-nakang tumitingin sa kanila. Lalo na kay Jared. Kahit saan talaga magpunta ang lalaki ay pinagtitinginan ito. Pina una nanaman niya itong mag lakad. Hindi magandang mag-kasabay sila nito at iba talaga ang pakiramdam niya. Ngunit gaya kanina sa hallway ay lumingon nanaman ito sa kanya. At lumapit. "Ano ba? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita bodyguard." Sabay hawak nanaman nito sa kamay niya. "Ano ba? Nasa supermarket tayo. Baka isipin ng mga tao ay mag kasintahan tayo." Sita niya rito habang patuloy na tinatanggal ang kamay nito sa pagkaka-hawak sa kamay niya. Ngumiti ito saka lumingon sa kanya. Hayun nanaman ang pagwawala ng puso niya. "Who cares?" Hinila na siya nito papunta sa mga estante ng pagkain. "Ganito ka rin ba sa girlfriends mo?" Sabi niya habang namimili ng gulay na bibilhin. "I never had a girlfriend." Sagot nito. Napalingon siya rito. 'Ano daw?' Tanong niya sa sarili. Anong pinagsasabi nito? "Ano yung mga babaeng kasama mo pag pumupunta ka sa coffee shop?" Nagtatakang tanong niya rito. Nakiusyoso na ito sa pamimili ng gulay. "Flings?" Inis na kinuha niya rito ang gulay na hawak nito saka inilagay sa cart. Mga lalaki nga naman. "So ibig sabihin ay pinaglalaruan mo lang lahat ng babaeng nakakadate mo? Alam ba nila iyon?" Men will always be men ika nga nila. "Yes. They know that. Alam nila na I don't want a serious relationship." Naglakad na siya papuntang meat section. Sumunod naman ito sa kanya tulak-tulak ang pushcart. "At pumapayag naman sila?" "Yup, sila ang lumalapit sa akin kaya sila ang dapat mag adjust sa mga gusto ko." May pagmamayabang pang sabi nito. Napailing nalang siya. Ito ba talaga ang taong gusto niya. Hindi ba nagkakamali lang ang puso niya? "Akala ko dati ay hindi ako mahihirapan maghanap ng babae dahil sila ang lumalapit sa akin." Ngumiti ito. Bakit ba ngiti ito ng ngiti? Hindi ba alam nito kung ano ang nagagawa ng pag ngiti nito sa puso niya? "But now, I have done many things that I never thought I could do just because of a woman. Maybe that is what you call love. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun dati. Ngayon parang alam ko na." Parang may tumusok na matalim sa puso niya. So in love na pala ito. Kung sino man siguro ang babaeng iyon ay napaka swerte nito. Dahil isang Jared Del Fuego ang nabihag nito. Nawalan siya ng ganang mamili ng karne. Bakit ganun nalang ang reaksyon niya sa mga sinabi nito? Nasasaktan siyang malaman na may iba na pala itong gusto. At hindi pa basta gusto nito. Mahal pa nito. Ano na ang gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD