HINALO- HALO niya ang milktea na iniinom niya. Nasa isang coffee shop siya ngayon kasama ang mga kaibigan niyang sina Jessica at Georgina. Sinamahan niya ang dalawa na mag shopping dahil na bo bored daw ang mga ito. Dahil linggo ng araw na iyon at day off naman niya sa Café Freyja kaya pumayag na siyang sumama sa mga ito.
"So kamusta ang pag pa-part-time mo kay Jared?" Tanong ni sa akin ni Jessica.
Nilingon naman siya ni Georgina. "Nagpa-part-time ka kay Jared?" Kunot noong tanong nito.
Humigop muna siya ng milktea bago sumagot. "Oo." Hinarap naman niya si Jessica. Kailangan pala niya ng paliwanag mula dito. "Bakit hindi mo sinabi na si Jared pala ang sinasabi mo pagtatrabahuhan ko? Alam mo ba kung gaano ako nagulat nung nakita ko siya kagabi?"
"Nang magkausap kasi kami sa canteen ay nabanggit niya sa akin na kailangan niya ng taga luto sabi ko sa kanya titingnan ko kung may maiire-recommend ako sa kanya. Naisip ko tutal naman ay naghahanap ka ng extra part-time job, kaya bakit hindi ikaw na lang? Tsaka kung sinabi ko naman sayo na si Jared ang magiging amo ay tiyak na aayaw ka agad." May katwiran naman ito.
"Dapat ay ipinaalam mo pa rin sa kanya. Hindi naman ikaw ang magtatrabaho kay Jared." Kumento ni Georgina. "At kailan pa kayo naging close ni Jared?"
"Ahm. Nagkakausap na kami simula nung malaman niyang kaibigan ko si Sam." Sagot naman ni Jessica.
Siya naman ay matalim pa rin ang tingin dito. Hindi nito alam ang nangyari sa kanya sa mga kamay ni Jared kagabi.
Matapos niyang malaman na may ibang babaeng nagugustuhan si Jared ay nawalan na siya ng ganang mamili pa ng iba pang sangkap na dapat bilihin. Ang tanging nasa isip nalang niya ay ang sinabi nito.
Nang makarating naman sila sa condo nito ay nagpaalam na din siyang uuwi na dahil sa masamang pakiramdam niya. Nag offer naman si Jared na ihatid siya, ngunit hindi na siya pumayag pa. Ayaw na muna niya itong makita.
Hindi niya alam kung disappointment lang ba ang nararamdaman niya o talagang nasaktan siya ng malamang may iba itong gusto. Ano ba ang ginawa ni Jared sa kanya at nagkaka ganito siya? Hindi niya tuloy alam kung dapat niya pang ituloy ang pag pa part-time sa lalaki. Dahil kung ganon na lagi ang mararamdaman niya habang nagtatrabaho siya ay hindi siya makakapag concentraite. Baka masayang lang din ang binabayad sa kanya ni Jared.
"Wala ba kayong ibang alam na part-time job?" Tanong niya sa mga ito.
"Bakit? Hindi mo na itutuloy ang pag tatrabaho mo kay Jared?" Nagtatakang tanong ni Jessica.
"Hindi talaga ako komportableng makasama siya." Iyon naman ang totoo. Bukod dun hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki, lalo na at nalaman niyang may iba itong gusto.
"You can work at the law firm. I can ask kuya if there's any available position for you." Mungkahe ni Georgina.
"Hindi maaari iyon, dahil pag nalaman ni tito Edwardo na nagtatrabaho ako sa law firm niyo dahil sa pera, ay agad mag bibigay iyon ng tulong. Ayokong mangyari iyon. Alam mo namang malaki na ang utang na loob ko sa inyo." Pag tanggi niya.
"Pagtyagaan mo nalang kasi na mag trabaho kay Jared. Mabait naman siya pag nakilala mo ng husto." Sabi naman ni Jessica.
"Bakit ba parang ipinipilit mong mag trabaho si Sam kay Jared?" Nagtatakang tanong ni Georgina.
Nabilaukan ito. "Ahm.. W-wala naman. Concern lang ako kay Sam. Alam ko kasing kailangan niya talaga ng pera."
Diskompyado niyang tiningnan si Jessica. Alam niyang may itinatago ito. At alam niya din na hindi naniniwala si Georgina sa paliwanag nito.
"May tinatago ka ba sa amin?" Muling tanong ni Georgina kay Jessica.
"W-wala no! Ano naman ang itatago ko sa inyo?" Tumayo ito. "Mag pupunta lang ako sa Rest room." Sabi nito at naglakad na.
"May naaamoy akong kaka-iba." Sabi ni George habang tinitingnan nito si Jessica. Well she's not a law student for nothing.
Nararamdaman din niyang may itinatago si Jessica. Pero ano naman kaya iyon? At bakit konektado si Jared? Ano kaya ang lihim ng dalawa.
Biglang may pumasok sa isip niya. Hindi kaya si Jessica ang gustong babae ni Jared? At kaya siya gusto nitong magtrabaho siya kay Jared upang makuha ang boto niya? Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan upang huwag nang ipagpatuloy ang pagkagusto kay Jared.
Nawala ang malalim na pag iisip niya ng may kumatok sa glass wall ng coffee shop kung nasaan sila.
Sabay silang napalingon ni Georgina sa pinagmulan ng katok na iyon. Si Iñigo pala ang kumatok.
"Andito na pala siya. Sinabi kong nandito tayo." Sabi ni Georgina sa kanya. Saka sinenyasan ang kapatid nito na pumasok.
"Hi!" Bati ni Iñigo ng makapasok ito sa coffee shop. "Nakaistorbo ba ako?"
"Hindi naman. Saan ka galing?" Tanong niya rito. Habang umuupo ito sa tabi niya.
"Dumaan lang ako saglit sa office. May kinuha lang akong mga documents na kakailanganin sa trial next week."
"Napakasipag mo talaga." Maikling tugon niya.
"Oh, Iñigo anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jessica ng makabalik ito.
"Dumaan lang ako. Saka aayain ko sana kayong manood ng movie. Ngayon kasi ang premier ng movie na pinagbibidahan ng kaibigan ko." Sabi nito.
"Sige gus-." Hindi na naituloy ni Jessica ang sasabihin ng hilain na ito patayo ni Georgina.
"Hindi na may bibilhin pa din kaming limited edition na bag sa mall. Kaya kayo nalang ni Sam ang manood, kuya." Nagtaka siya sa kinilos ni Georgina.
"Pero sab-." Hindi nanaman naituloy ni Jessica dahil tinakpan na George ang bibig nito gamit ang kamay.
"Sige na. Mag enjoy nalang kayo ahh. Bye kuya, bye Sam." Pagpapaalam mg dalawa. Naiwan siyang nagtataka.
"So it's a date." Sabi ni Iñigo ng makaalis ang dalawa.
Nagtatakang tiningnan naman niya ito. "Date?"
"Yup, tayong dalawa lang. Kaya date ito." Sabi nito at kinindatan pa siya. Napangiti naman siya rito. Kung sabagay ay matagal na silang hindi lumalabas ng sila lang dalawa. Maganda din iyon para malibang siya. Masyado na siyang maraming iniisip nitong mga nakaraang araw.
Tumayo ito at inilahad ang kamay. "Let's go?"
Siya naman ay nakangiting hinawakan ang kamay nito. "Tara."
Magkahawak ang kamay nila habang papalabas sila ng coffee shop. Normal na sa kanilang dalawa ang maghawak kamay. Lagi nila itong ginagawa noong high school pa sila. Ginagawa nila iyon para maitaboy ang mga nagkakagusto kay Iñigo.
Papalabas na sila ng coffee shop nang may makasalubong sila.
"Jared, samahan mo akong manood ng movie my friend gave me 2 tickets for the premier of her movie." Sabi ni Dylan na kasama ni Jared.
"Your friend? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibig-." Hindi na naituloy ni Jared ang sasabihin dahil nakita na sila nito. Napatingin sa kamay nila ni Iñigo magkahawak. Agad namang nagbago ang expression nito.
Anong problema nito?