CHAPTER 11

1675 Words
"ANONG ibigsabihin nito? Bakit magkahawak kamay kayo?" Sa paraaan ng pagkakatanong ni Jared kay Sam at Iñigo ay para bang malaki ang nagawa nilang kasalanan. Nang makasalubong nila ito ay tinanguan niya lamang ito at niyaya na niya si Iñigo na umalis sa lugar. Ngunit papasakay palang sila ng sasakyan ay bigla nanaman itong nagsalita sa likod nila. Nakasunod pala ito sa kanila. "Ano bang ginagawa mo rito?" Balik na tanong ni Sam. Bakit ka nagtatanong? Ako ang unang nagtanong ahh." Apila naman nito. "Kung magkahawak man kami ng kamay ay wala ka ng pakialam don pare." Sabi ni Iñigo at inakbayan pa siya nito. Lalo namang sumama ang tingin ni Jared. Sa tingin niya ay anumang oras ay maghahamon na ito ng away. "Wala kang karapatang hawakan si Sam." Akmang tatanggalin nito ang pagkakaakbay ni Iñigo sa kanya ng ilayo ito ni Dylan. "Take it easy man." Pigil ni Dylan kay Jared. "Bakit ba ang init ng ulo mo." Nakahawak si Dylan sa magkabilang balikat ni Jared. Habang si Jared naman ay masama pa rin ang titig sa kanila. Ano bang problema nito? Bakit ganun nalang ang reaksyon nito ng makitang magkahawak sila ni Iñigo ng kamay? Hindi kaya nagseselos ito dahil hindi nito magawa iyon pagkasama si Jessica? "Alam mo pare may pupuntahan pa kami ni Sam. Nakakaistorbo ka sa date namin." Napalingon naman siya kat Iñigo. Napaka seryoso nito. Ito ang pangalawang pagkakataon na makita niya ang ekspresyon na iyon ni Iñigo. Madalas kasi ay palangiti lang ito pero ngayon. Ibang iba ang awra nito. "Saka na tayo mag usap Jared. Tara na Iñigo." Sabi niya at tuluyan nang sumakay sa sasakyan ni Iñigo. Ito naman ay sumakay na din sa driver's seat at tahimik na nagmaneho. Siya naman ay tiningnan ang side mirror at nakita niyang hindi pa rin naalis ang tingin ni Jared sa sasakyan nila. Napabuntong hininga na lang siya. Bakit ba ganun ang inaakto nito. "I really think, he is really into you." Sabi ni Iñigo habang nagmamaneho. Nilingon niya naman ito. "Paano mo naman nasabi yon?" "He looked like he was jealous, when he saw us." Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "Malabong mangyari iyon. May iba na siyang gusto." Sabi niya at tumingin sa labas ng bintana. Ayaw niya makita nito ang lungkot sa mukha niya kung sakaling lumingon man ito sa kanya. "How did you know?" Tanong nito. "He told me last night." "What? Kasama mo siya kagabi?" Napalingon siya rito dahil nagulat siya sa naging reaksyon nito. Para bang may ginawa siyang kasalanan dito. "Bakit ka ganyan maka-react?" Takang tanong niya rito. Ito naman ay lumingon din sa kanya. "Bakit kayo magkasama kagabi?" "Nagpapart-time job ako sa kanya. Focus on the road." Pinandilatan niya ito nang hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa kanya. Maaksidente pa yata sila dahil sa sinabi niya. "What? Hindi ba sa Café Freyja ka nag tatrabaho?" Mukhang hindi siya papatakasin nito. "Hindi sapat ang sinuswelfo ko sa coffee shop kaya naghanap ako ng extra na part-time job. Sakto naman na sinabi sa akin ni Jessica na naghahanap ng taga luto si Jared." "Bakit hindi mo sinabi sa akin? I can help you find a job." "Hindi na kailangan. Sinabi ko na rin kay george. Masyadong marami na kayong naitulong sa akin. At isa pa, okay lang naman magtrabaho kay Jared. Mabait naman siya." Nang hindi ito sumagot ay tumingin muli siya sa gawi nito. Tahimik lang itong nagmamaneho. Pero mukhang may malalim na iniisip. Hindi na niya tinanung pa ito. Baka may problema ito sa trabaho. Kaya hinayaan niya nalang itong magmaneho. Siya naman ay may sariling ding problema. Dumagdag pa sa iniisip niya ang nararamdaman niya para kay Jared. Kung bakit ba naman kasi sa dinami dami pa ng magugustuhan niya ay kay Jared pa siya nagkagusto? At ngayon ay nalaman niya pang may iba na itong gusto. Hindi lang iyon, sa dinami-daming babaeng magugustuhan nito ay si Jessica pa ang napili nito. Ang hirap pala ng ganito. Ngayon alam na niya kung ano ang nararamdaman ng mga babaeng nakikita niya sa campus naumiiyak dahil lamang sa isang lalaki. Mahirap palang main-love. Hindi mo kontrolado ang puso mo. Hindi mo malalaman kung kanino ka magkakagusto. Parang gusto nalang niyang bumalik sa panahon na si Iñigo ang nagugustuhan niya. At least nung time na yun ay wala siyang ganitong nararamdaman. "We're here." Deklara ni Iñigo nang makarating sila sa isang mall. Tahimik lang itong bumaba ng sasakyan at pumunta sa gawi niya upang pagbuksan siya ng pinto. Nang makapasok sila sa mall ay hindi na niya matiis ang pananahimik ni Iñigo kaya nagsalita na siya. "nga pala sino iiyong kaibigan mong artista?" "Si Clyde Delfin. Classmate ko siya noong college. Dalawa kaming ini-scout para mag artista. Siya lang ang nag pursue dahil ako naman ay magpupunta ng america para mag aral." Pahayag nito. "Wow! muntik kana palang maging sikat." Ngumiti lang ito sa sinabi niya. Nangmakarating sila sa venue ng premier ng movie ay agad din silang pumasok. Saglit lang na binati ni Iñigo ang kaibigang artista at saka hinanap na ang kanilang upuan. "Maupo kana bibili lang ako ng makakaen at maiinom natin." Sabi nito tumango naman siya. Saka ito tumayo na upang lumabas. Habang mag isa ay inilibot niya ang tingin sa paligid. Maraming bigating artista ang mga naroon. Talagang mahahalatang sikat na sikat ang bida ng pelikula na papanoorin nila. Tiningnan niya ang artistang nag ngangalang Clyde Delfin. Kilala niya ito. Madalas ay makikita niya ito sa mga cover ng magazine. Hindi mapagkakailang napakagwapo nito. Hindi na siya nagulat na marami itong fans. Kanina ay halos mabingi siya sa fans na naghihiyawan sa labas ng sinehan. Kahit ang partner nitong si Alysa Santiago ay sikat na sikat din. May naramdaman siyang tumabi sa gawing kaliwa niya. Ngunit hindi na niya iyon pinansin dahil alam naman niyang marami ang a-attend sa ganong klase ng event. Patuloy pa rin niyang inililibot ang paningin sa paligid. Maya maya ay may narinig siyang bulungan. "Jared anong ginagawa mo rito? Hindi dito ang upuan natin." "Uupo ako kung saan ko gustong umupo." Napakunot ang noo niya. 'Jared?' Agad na nilingon niya ang nagsalita sa tabi niya. At hindi nga siya nagkamali. Dahil ang katabi niya ngayon ay si Jared na nakatingin lang sa harap. Wari ba'y walang pakialam ito sa paligid. Anong ginagawa nito rito? Tiningnan naman niya ang kasama nito na si Dylan na abalang nakikipag usap, marahil ay sa may ari ng upuan na inagaw ni Jared. Minsan talaga ay hindi niya maintindihan ang lalaki. May araw na mabait ito may araw naman na badtrip ito at may araw na makulit ito. Ngayon ang araw na badtrip ito. "Hi Sam! Kakilala mo ba si Clyde at Alysa?" Bati sa kanya ni Dylan ng makaupo ito sa tabi ni Jared. Umiling siya. "Si Iñigo ang may kilala sa kay Clyde." Nakita niyang sumimangot si Jared. Tumawa naman si Dylan. "Pagpasensyahan mo na itong kaibgan ko ah. Ayaw lang nitong naririnig ang pangalang Iñigo." Napakunot ang noo niya. Magtatano sana siya ngunit may naramdaman siyang humawak sa kanang balikat niya. Kaya napalingon siya. Si Iñigo na nakakunot ang noo ang nakita niya. Nakabalik na pala ito. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong nito kay Jared. "Hindi mo ba nakikita? Manunuod ng pelikula." Sagot naman ni Jared habang hindi pa rin lumilingon. Hinili niya pa upo si Iñigo. "Hayaan mo na siya. Wag mo nalang siyang pansinin. Ano ba yang binili mo?" Sabi niya rito. Mukha kasing hindi rin maganda ang mood ni Iñigo. Mahirap na baka magpang abot pa ang dalawa. Huminga naman ng malalim si Iñigo bago sumagot. "Yung paborito mong cheese flavor popped corn at orange juice." Napangiti naman siya alam na alam talaga nito ang mga gusto niya. "Salamat Iñigo." Narinig naman niyang umungos si Jared sa kaliwa niya. Ano ba talaga ang problema nito? Hindi kaya mainit ang ulo nito dahil hindi nito naabutan si Jessica sa coffee shop kanina kaya siya at si Iñigo ang pinagbubuntungan nito? Nawala ang pag iisip niya kay Jared ng magsimula na ang pelikula. Wala pa sa kalahati ng palabas ay lumapit at bumulong sa kanya si Iñigo. " I remember that you're not a fan of romance movies. Gusto mong umalis na tayo?" Umiling siya. "Okay lang mukhang maganda naman to. Tapusin na natin." Sabi niya. Ayaw niya rin na umalis dahil parang nakakabastos naman iyon sa mga tao roon specially sa mga bida ng pelikula. Baka isipin ng mga ito na hindi nila nagustohan ang palabas. "Pabulong bulong pa." Narining niyang sabi ni Jared sa tabi niya at tumayo. "Saan ka pupunta Jared?" Narinig niyang tanong ni Dylan. "Uuwi na ako boring dito. Naaasar lang ako." Nilingon niya ito habang papalabas ng sinehan. "Kahit kailan talaga tong lalaking to." Umiiling na sabi ni Dylan ngunit hindi sumunod sa binata. Ipinagpatuloy lang nito ang panunuod ng pelikula. "Buti naman umalis din." Narinig niyang sabi naman ni Iñigo. Siya naman ay nakaramdam ng ginhawa. Sa wakas ay hindi na siya maiilang. Dahil sa totoo lang. Kanina pa niya higit ang hininga. Hind siya mapakali na katabi niya si Jared. "You okay?" Tanong ni Iñigo sa kanya. Tumango naman siya. "Okay lang medyo malamig lang dito. Banyo lang ako." Pagpapaalam niya rito. Nang tumango ito ay tumayo na din siya at tinungo ang banyo sa kaliwa. Habang nasa banyo ay iniisip pa rin niya si Jared at ang mga kinikilos nito. Mukhang mahal na mahal nito si Jessica dahil sobrang ang inggit nito sa kanila ni Iñigo. Napailing nalang siya. Sasabihan nalang niya si Georgina na tanggapin ang relasyon ni Jessica at Jared. Kahit naman kasi may gusto siya kay Jared ay mas pipiliin pa rin niya ang pagkakaibigan nila ni Jessica. Magpapaubaya nalang siya. Paglabas niya ng banyo ay agad niyang tinungo ang pabalik sa sinehan ngunit laking gulat niya ng may humila sa kanya labas ng sinehan. Nangmakita niya kung sino ang herodes na humila sa kanya ay agad naman nag wala ang puso niya. "J-Jared?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD