"J-JARED? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ay umalis ka na?" Tanong ni Samantha habang hindi umiimik at patuloy pa rin ang paghila ni Jared sa kanya palabas ng sinehan na iyon. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Pero talagang malakas ito.
"Ano bang ginagawa mo? Hindi pa tapos ang pelikula. Baka hanapin ako ni Iñigo. Umuwi kana kung gusto mo." Sabi niya rito.
Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito. "Don't say his name when you are with me." Sabi nito at nagpatuloy sa paghila sa kanya palabas ng mall kung nasaan sila ngayon.
"Ano ba Jared bitawan mo nga sabi ako. Kung gusto mo ng umuwi. Umuwi kang mag isa." Sabi niya rito habang pilit na kumakawala sa paghawak nito sa kanya.
"At ano? Para ipagpatuloy ang date niyo ng kumag na iyon?" Nilingon siya nito habang naglalakad at hila-hila pa rin siya. "Sorry I won't let you." Nang makarating sa parking lot ay agad nilang tinungo ang sasakyan nito. Pinailaw nito iyon at Binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Sakay na." Sabi nito sa kanya.
"T-teka lang, saan mo ba ako dadalhin? Hahanapin ako ni Iñ-" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil tinakpan na nito ang bibig niya gamit ang mga labi nito.
"I told you, I don't want to hear his name. Tsaka wala akong pakialam kung hanapin ka niya. Hayaan mo siyang mabaliw kakahanap sayo." Sabi nito na parang walang nangyari at iginiya na siyang muli papasok sa sasakyan nito.
Siya naman ay hindi na makapag isip ng tama. What just happened? Did he really kiss her? Bakit hindi siya pumalag? Dahil ba gusto niya rin ang pag halik nito sa kanya? Napaka lambot ng labi nito. She can kiss him all day. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Stop it Sam! You need to focus.' Sabi niya sa isip.
"Let's go somewhere else. We need to talk." Sabi nito at bunuhay ang makina ng sasakyan.
"Bakit mo ako hinalikan?" Wala sa sariling tanong niya rito.
"Because you keep on saying the name of that asshole."
"Hindi asshole si Iñi-" And then he kissed her again to cut her off.
"Ano ba? Bakit ka ba halik ng halik?" Pagalit na sabi niya. Nawawala siya sa huwisyo tuwing ginagawa nito iyon.
He glanced at her with anger visible on his face. "I told you not to mention his name."
"Pero hindi mo pa rin ako dapat halikan. We're not even together!" Tinangka niyang buksan ang pinto ng sasakyan pero naka lock na iyon. Nilingon niya ang binata. "Buksan mo to. Ayokong mag alala si Iñigo sa akin. Babalik na ako sa loob." Baka pag hindi siya nakapagpigil ay matugonan na niya ang mga halik nito.
Hinarap siya ng lalaki. Frustration is showing on his face. "Bakit ba mas importante ang nararamadaman niya kaysa sa akin, sa nararamdaman ko? May relasyon na ba kayo? Ano ba siya sayo? Hindi mo ba nakikita na nagseselos ako tuwing magkasama kayo?"
"Ano bang sinasabi mo?" Kunot noong tanong niya rito. "Nababaliw kana ba? Kaibigan ko lang si Iñigo." Nagulat siya sa mga sinasabi nito ngayon? Nagseselos ito? Bakit naman?
"Bakit niya hinahawakan ang kamay mo at bakit kayo nagd-date?" Tanong nito sa kanya.
"Wala kana don." Pabalang niyang sagot sa lalaki na ngayon ay hindi maipinta ang mukha.
Inihilamos nito ang kamay sa mukha. "Sinabi sa akin ni Jessica na manhid ka. Hindi ko naman alam na ganito ka kamanhid. Can't you see that I like you?" Umiling ito. "No let me rephrase that." Tinitigan siya nito. Nakikita niya ang emosyon sa mga mata nito. "Can't you see how much I love you?"
Tinitigan niyang mabuti ang lalaki. Bakit ba ganito ang inaakto? Ayaw niyang dumating sa conclusion na iyon. Pero may.. "May gusto ka ba sa akin?"
Dahan dahan naman siyang nilingon ng lalaki. There's an emotion showing on his that she can't name. "At last, you figure it out."
"Huh? Hindi ba, may relasyon kayo ni Jessica?" Takang tanong niya rito.
Kumunot ang noo nito. "Wala kaming relasyon ni Jessica. She was just helping me to make you fall in love with me."
"Kung ganun.." hindi niya maituloy ang sinasabi. Hindi niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon niya. Talaga bang may gusto ito sa kanya? Nanaginip ba siya?
Hinarap siya ng lalaki. "Look, I know this sounds crazy but I think I really love you. I don't know when, how or why. Basta ang alam ko lang ay gusto ko lagi kitang kasama, kausap. Kaya nga kinuntyaba ko si Jessica para mapalapit sayo kasi bawat galaw ko kinaaayawan mo. Nagseselos ako tuwing may kinakausap kang ibang lalaki. Lalung lalo na pag kasama mo yung Iñigo na yun. Hindi ako to. Wala sa bukabularyo ko ang salitang selos. Ang babae ang lumalapit sa akin. Pero pag sayo okay lang masangkot ako sa gulo huwag ka lang masaktan. Okay lang mag mukha akong tanga, mapansin mo lang. Alam mo bang lagi akong nagdadala ng ka-date sa coffee shop kung saan ka nagtatrabaho para lang pag selosin ka? Pero useless lang. Kasi wala ka namang pakialam sa akin. Inantay kong ikaw ang pumansin sa akin pero nag aantay lang ako sa wala. Kaya nag sawa na akong mag stalk at pag selosin ka." Mahabang sabi nito sa kanya.
"You stalked me?" Gulat na sabi niya. Kaya pala alam nito ang apartment niya at kung saan siya ng tatrabaho.
Hindi ma-absorb ng utak niya ang mga sinasabi nito. Kakaibang tuwa ang nararamadaman niya. Ginawa lang nito lahat ng iyon para mapagselos siya? How sweet. Hindi niya alam na may ganoon palang ugali ito.
"Yes. I used my connection, para lang sayo. Hindi ako to eh. I never used my connection para lang sa isang babae. Pero para sato lahat ginagawa ko. Why can't you see me? Hindi ba talaga ako worth it sa atensyon mo? " Tanong nito sa kanya.
Kung alam lang nito ang tunay na nararamdaman niya.
"Hey, wala ka bang sasabihin? I feel awkward here. I never confessed my feelings to a girl before."
"A-anong dapat kong sabihin? Ni hindi ko nga alam kung totoo ba yang mga sinasabi mo o pinaglalaruan mo lang ako." Naguguluhan siya. Hindi siya makapag isip ng tama. Feeling niya sasabog ang utak niya dahil sa sinabi nito.
"Like I love you too?" Bumuntong hininga ito. "I'm not forcing you to love me back. I just want you to give me a chance to prove how much you mean to me." Hinawakan nito ang kamay niya na parang nagsusumamo.
Tinitigan naman niya ang mukha nito. What a hondsome face. Kaya niya bang e-resist ang ganitong lalaki? Huminga siya ng malalim para makapag isip ng tama.
"I will give you one month." Sabi niya rito.
Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ng lalaki. At syempre hayan nanamn ang puso niyang nagwawala. How she loves this man.