CHAPTER 16

2069 Words
"JARED?" Tawag ni Samantha kay Jared ng makita niya ito sa gitna ng hallway sa labas ng apartment niya. Napapalibutan ito ng mga bulaklak at nakaupo ito na para bang inip na inip habang may tinipa sa cellphone ito. Agad naman tumunog ang cellphone niyang dala. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Jared pala iyon. Ano naman kaya ang trip mg lalaki na to. Napalingon sa gawi niya ang lalaki ng marinig nito ang tunog na nag mumula sa cellphone niya. Nakakunot ang noo nito na lumapit sa kanya. Muntik pa nga itong madapa dahil natalisod ito sa bulaklak na nakapalibot rito. "Bakit hindi sumasagot sa tawag ko? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo." True enough dahil ng patayin nito ang tawag ay nakita niyang nakaka 25 miscalls na pala ito. Kumunot na din ang noo niya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Sa halip na tanong niya at tinuro niya ang mga bulaklak na nagkalat sa hallway. "At bakit may ganyan dyan?" Napabuntong hininga naman ito bago sumagot. "I wanted to surprise you. Sabi kasi sa nabasa kong article, gusto daw ng mga babae ang sinusurprise sila gamit ang mga bulaklak. Kaso hindi ka naman sumasagot. I've been waiting here for almost two hours." Frustrated na sabi pa nito. "Malay ko bang may ganito kang eksena?" Tanong niya rito. "Kaya nga surprise eh." Pabalang na sagot nito sa kanya. "Alam mo tigil-tigilan mo iyang pagbabasa mo sa mga article. Ikapapahamak mo pa iyon." Hindi niya alam kung matutuwa ba o maiinis sa pinag gagawa nito. Simula kasi ng maging magkasintahan sila ay kung ano-ano ng pakulo ang pinag gagawa nito at dahil iyon sa mga nababasa nito na article sa magazine at internet. Napailing na lang siya. "I just want to be a perfect boyfriend to you! This is my first official relationship. I want it to be special." Sabi nito sa kanya. 'He's just trying to be a good boyfriend Samantha. Give him a break.' Sabi na lang niya sa kanyang sarili. Napabuntong hinga na lang din siya. "No one's perfect okay? You don't have to do all of these. Para sa akin, sapat na iyong mga efforts mo. Hindi mo na kailangan ng mga ganitong surprises. And for the record I don't like flowers." Nakita niya ang disappoitment sa mukha nito. "But I can make an exemption tonight." Bawi niya. Ayaw niyang makitang malungkot ito after all ay nag effort ito para gawin ang mga iyon. "C'mon, dalhin na natin itong mga bulaklak mo sa apartment ko. Mamaya ay ireklamo pa ako ng mga kapit-bahay ko." Ngumiti naman ito sa kanya at parang bulang nawala ang inis niya rito. She really love this man. Agad namang binuhat nila isa-isa ang mga bulaklak papunta sa loob ng apartment niya. Nang makapasok sila ay umupo siya sa maliit na sofa sa gitna ng apartment niya. Tumabi naman sa kanya si Jared at humilig sa balikat niya. "Nangalay ang mga binti ko kaka antay sayo." Reklamo nito. Pinitk niya naman ang noo nito. "Awww! Bakit ka ba nanakit?" "Walang nagsabi na mag antay ka. Dapat ay kumatok ka. Hindi yung mukha kang tanga sa labas. Paano pala kung hindi ako lumabas?" "Mag aantay pa rin ako sayo. Ayaw ko kasing masira yung plano ko." Sabi nito. "Kahit abutin ka ng buong gabi?" Tanong niya rito. "Yup. Ganon ka kaimportante sa akin." Agad naman nagwalala ang puso niya sa mga sinabi nito. Bakit ba ang galing ng lalaking ito mag pakilig? 'Ang puso mo Sam.' Paalala niya sa sarili. Umayos ito ng upo at tumingin sa kanya. "Hindi ba talaga ako pwedeng sumama sayo?" Tanong nito sa kanya. Nasabi niya kasi rito na uuwi muna siya ng probinsya upang mabisita ang mama niya. Umiling siya. "Hindi pwede. Tsaka saglit lang naman ako doon. Gusto ko lang talagang mabisita si mama." "Pero ngayon pa lang ay namimiss na kita." Sabi nito at nagsumiksik sa tabi niya. Ang mukha nito ay nasa gilid ng leeg niya kaya ramdam na ramdam niya ang hininga nitong dumadampi doon. Kumilos siya upang lumayo rito pero hinapit siya nito sa baywang. "J-Jared.." Mas lalo pang humigpit ang pagkakahapit nito sa baywang niya at ang labi nito ay tuluyang dumampi sa gilid ng leeg niya. Kakaibang kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya. "Don't be nervous. Wala akong gagawin. I know my limitations at alam kong hindi ka pa handa. Hindi kita pipilitin gawin 'yon' dahil nirerespeto kita. I just want to hold you like this. Nothing more, nothing less." Bulong nito sa kanya. He is indeed a gentleman. Matagal na niyang alam iyon. Lagi silang may ganitong eksena. Ang akala niya ay pipilitin siya nitong gawin 'iyon' pero ito mismo ang nagpapaalala sa kanya na hindi pa siya handa sa ganoong bagay. Nakakatuwang isipin na ginagalang nito lahat ng desisyon niya. Mga ilang sandali pang katahimikan ang bumalot sa kanila bago ito umayos ng upo at hinalikan siya sa noo. "Hindi tayo makakapag celebrate ng monthsary natin na magkasama. Nalulungkot ako." Eksaheradong sabi nito. "Pwede naman tayong mag celebrate pagdating ko. Isang linggo lang akong mawawala Jared." Narinig at naramdaman niya ang malakas na pagkalam ng sikmura niya. Napalingon siya kay Jared. Alam niyang narinig din nito iyon. "S-sorry nagugutom na kasi ako':. Nahihiyang sabi niya. Nakangiting kinurot nito ang pisnga niya saka ito tumayo. "C'mon, ipagluluto kita." "Marunong kang magluto?" Gulat na tanong niya rito. "Baby, I'm living alone. What do you expect?" Sabi nito. "Bakit kinuha mo pa akong taga luto?" Takang tanong niya. "Gusto ko lang yung feeling na ipinagluluto mo ako." Napailing siya. Kahit kailan talaga itong lalaking ito. "We still need to buy some ingredients." Sabi niya. Hinila siya nito pa tayo. "Edi mag go-grocery muna tayo then l will cook for you." Nagpahila na din naman siya rito palabas. "Okay." Maikling tugon niya rito. ----- "MA!" Tawag ni Samantha sa mama niya nang makita ito sa labas ng bahay na nagsasampay ng mga damit. Kakarating lang niya ng mga oras na yun. Limang oras din ang naging byahe niya. "Samantha?" Patakbo niyang pinuntahan ang mama niya. "Magdahan-dahan ka ngang bata ka. Mamaya ay madapa ka niyan." Niyakap niya ang ina. " Ma, namiss kita." "Ikaw talagang bata ka. Kamusta naman ang maynila?" Tanong nito. "Ayun, maynila pa din. Medyo nakaka stress ngayon doon lalo na at malapit na akong mag internship." Hinawakan ng mama niya ang kanyang kamay. "Pasensya kana Sam. Wala akong maitulong sa pag aaral mo. Nahihirapan ka tuloy." "Ano ka ba ma, okay lang ako. Kaya ko naman. Saka ang mahalaga ay healthy kayo. Tara na sa loob, may mga pasalubong ako sayo ma." Excited na sabi niya. "Huwag kang masyadong maingay. Baka kasi magising ang tsong Matias mo. Alam mo naman iyon. Ayaw na ayaw na naiistorbo ang tulog." Paalala ng mama niya ng makapasok sila sa loob ng bahay. Napasimangot siya. "Bakit ba kasi nag ta-tyaga kang kasama siya ma? Sumama ka na lang sa akin sa maynila. Kaya ko naman tustusan ang mga pangangailangan natin. Iwan mo na lang siya. Wala naman natutulong si tsong Matias sayo." Pinalo nito ang braso niya. "Huwag kang maingay mamaya marinig ka niya." Halos pabulong na sabi nito. "Eh ano naman kung marinig niya? Totoo naman yon." "Tumigil kang bata ka." Pinanlakihan siya ng mata niyo. "Nagtanghalian kana ba? Tara na, sakto ang dating mo at kakatapos ko lang magluto." Pag iiba nito ng usapan. Alam niyang umiiwas lang ito. Ayaw kasi nitong pinapatamaan niya ang amain niya. Totoo naman lahat ng sinabi niya. Nagpasya siyang sumunod na lang sa mama niya papuntang kusina. Habang nag hahain ang mama niya ay may napansin siya. Kunot noong lumapit siya sa mama at hinawakan ang braso nito. "Bakit may pasa ka ma? Saan mo to nakuha?" Agad naman tinago iyon ng mama niya. "W-wala lang to. N-nadulas lang ako sa banyo kahapon." Mailap ang mga mata nito. Alam niyang may tinatago ito. Pero hindi na siya nag salita. Kahit naman anong interogasyon ang gawin niya sa mama niya ay alam niyang pagtatakpan lang nito ang amain niya. Minsan ay naiisip niyang kidnap-in na lang ito para tuluyan na itong lumayo sa Matias na iyon. Matapos kumain ay tinulungan niyang magsampay ang mama niya at nagkwentuhan sila. Kinuwento niya lahat nangyari sa kanya sa nagdaag mga buwan. Ibinigay niya rin rito ang mga pasalubong niya. Sobrang na miss niya talaga ang mama niya. Naputol lang ang kwentuhan nila ng lumabas sa kwarto ang amain niya. "O, nandito pala ang suwail na anak." Sabi nito. "Kamusta? masaya bang iniwan mo rito ang responsibilidad mo? Napaka walang kwentang anak." Iiling-iling itong nagtungo sa kusina. "Huwag mo na lang pansin." Sabi ng mama niya at sinundan ang amain sa kusina. Napabuntong hininga na lang siya. Hindi talaga maganda ang ugali ng amain niya. Kahit hindi ito naka inom. Ang pinagkaiba lang ay hindi ito na nanakit pag walang empluwensya ng alak. Lumabas siya ng bahay. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin. Gabi na pala. Hindi niya namalayan ang oras. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Namiss niya din ang lugar na ito. 20 years old niya ng umalis sa lugar na iyon at nagpasyang mamuhay mag isa. Pagka graduate niya kasi ng high school ay saka sila umuwi dito sa probinsya. "O, Sam nandito ka pala. Ang tagal mong nawala ah. Kamusta ang pag aaral?" Sabi ng kapit bahay nilang si Aling Belen. Dumadaan ito sa harap ng bahay nila ng mapansin siya nito. "Okay lang ho. Mahirap pero masaya naman." Simpleng sagot niya rito. Lumapit ito sa kanya. "Dalhin mo na ang mama mo sa maynila. Naawa na ako sa kanya. Araw-araw nalang silang nagtatalo ni Matias. Madalas ay sinasaktan ang mama mo pag hindi nakukuha ni Matias ang gusto niya." Pabulong na sabi nito. "Gusto ko din hong madala si mama sa maynila. Pero ayaw namang sumama sa akin dahil naaawa kay tsong kase wala raw kasama." Iyon naman talaga ang laging dahilan ng mama niya. "Hindi naman sa nakikialam ako. Pero wala naman nakakaawa sa tsong mo." Sabi nito. May sinilip ito sa likuran niya at nataranta. "O, sya sige. Uuwi na ako. Magpahinga ka na din." Nagmamadaling umalis ito. Siya naman ay nilingon kung sino ang nasa likod niya. Walang iba kung hindi ang amain niya. "Si Belen talaga, napaka chismosa. Dapat sa babaeng iyon ay piniputulan ng dila." Kumento nito habang may pasak ng sigarilyo sa bibig. "At least si Aling Belen chismosa lang. Eh kayo? May ginawa ba kayong mabuti sa mama ko?" Matalim niyang tinitigan ito. Hindi na siya yung 18 years na iiyak sa isang tabi pag sinaktan nito. "Tsk, tsk, iyan ba ang natutuhan mo sa maynila? Ang sumagot sa nakatatanda sayo?" "Totoo lang ho ang sinasabi ko. Wala naman kayong ibang ginawa kung hindi saktan kami ni mama. Pag nalaman ko pang sinaktan mo si mama. Ako mismo ang magpapakulong sayo." Tumawa lang ito sa mga sinabi niya. "Hindi mo ako kayang ipakulong. Hindi papayag ang mama mo. Kung ako sayo ay bigyan mo na lang ako ng pera para magkaroon naman ako ng pakinabang sayo." "Bakit kita bibigyan pera? Para makapag inom at sugal ka na naman? Hindi kita bibigyan ng pera." May diin ang mga salitang binitiwan niya. Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit. "Ikaw na babae ka, wala ka talagang utang na loob. Huwag mo akong sinasagad. Baka nakakalimutan mong nasa poder ko ang mama mo. Hawak ko ang buhay niya. Kaya kung ako sayo ay magiging mabait ako." "Matias!" Sigaw ng mama niya ng makalabas ito. Agad naman siyang binitawan ng amain. "Iyang anak mo, sabihan mo yan ahh. Napaka walang galang. Hindi ibigsabihin na nasa maynila siya ay mawawalan na siya ng galang. Tsk tsk. Manang mana sa tatay." Iiling iling pang sabi nito. "Huwag mo idamay rito ang tatay ko." "At bakit? Alam mo ba kung paano namatay ang tatay mo?" Ngumisi ito. "Wala ka talagang alam." "Matias tama na iyan." Hinawakan siya ng mama niya sa braso. "Halika na Sam. Nilinis ko na ang kwarto mo." Akmang hihilain siya ng mama niya ng may dumating na sasakyan sa labas ng bahay nila. Nasilaw pa sila dahil sa head light ng sasakyan. 'Parang pamilyar ang sasakyang iyon.' Hindi nga siya nagkamali dahil ng bumaba ang driver ng sasakyang iyon ay nakilala niya agad ito. 'Sinasabi ko na nga ba!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD