CHAPTER 14

1736 Words
LUMIPAS ang mga araw ay mas lalong pinatunayan ni Jared kung gaano nito ka mahal si Samantha. Lagi nitong sinusundo si Sam sa trabaho at dumederetso sila sa condo ng lalaki upang gawin ang trabaho niya rito. Nakakatuwang isipin na talagang pursigido itong mapasagot siya. "Here." Tiningnan ni Samantha ang hawak ni Jared na sobre. Nasa eskwelahan sila ng mga oras na iyon. Kakatapos lang ng klase niya nang matanggap niya ang text ni Jared na magkita raw sila sa soccer field dahil may ibibigay daw ito. "Para saan to?" Takang tanong niya rito habang inaabot ang sobreng hawak nito. "That's your card. Your debit card." Simpleng sagot nito. "Debit Card? Para saan?" Tanong niya rito. "Para sa salary mo. Ayaw ko kasing iaabot ko sayo yung pera. Gusto ko anytime pwede mong makuha yung sweldo mo. Para din hindi kana maabala." Sabi nito. "Hindi mo kailangang gawin to Jared. Hindi naman ako magtatagal bilang taga luto mo ehh." Iniabot niya ulit ang hawak na sobre sa lalaki. "Bakit? Ba bastedin mo ba ako?" Sabi nito na halata sa mukha ang pagkabahala. "Hindi naman. May 1 week ka pa hindi?" Binuksan niya ang librong hawak. "Pag nag internship na kasi tayo ay hindi na ako makapag luto para sayo. Magiging abala na ako sa hospital kung saan ako mag aapply." Umupo ito sa tabi niya. "Ah ganun ba. Okay lang yun para din may savings account ka. In case na gusto mong mag tabi ng pera." Nilingon siya nito. "Saan mo nga pala balak mag internship?" "Sa hospital niyo sana kaso baka maging kumplikado lang." "Doon nalang tayo sa hospital ng pamilya ni Dylan. Huwag kang mag alala akong bahala sayo. Hindi mo na kailangan mag apply pa. Malakas ang backer natin." "Tayo? Hindi mo ba balak mag internship sa hospital niyo?" "Ayoko dun. Magkakaroon lang ako ng special treatment. Saka gusto ko kasama ka." Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. This guy never fails to amuse her. Bawat araw ay lalo niyang napapatunayan na totoo ang nararamdaman nito para sa kanya. Maya maya ay tumunog ang cellphone nito. "Hello? Who's this?" Tanong nito sa kabilang linya. Nakita niyang kumunot ang noo nito. "Sofie? Pano mo nalaman ang number ko? What? Okay I'll be there." Matapos ang tawag ay tumayo na ito. " Sam aalis na muna ako ah. May pupuntahan lang ako. See you around." At nag mamadali itong umalis. Sino ang Sofie na kausap nito? Ngayon lang niya narinig ang pangalan na iyon. Nakaramdam siya ng bigat sa kalooban. Mabilis siyang iniwan nito para lang sa Sofie na iyon? Sino kaya iyon sa buhay ni Jared? "Hi Sam." Napalingon siya sa nagsalita sa gilid niya. Si Dylan pala iyon. "Ang aga mo naman mag review para sa finals." Kumento nito mang makita nito ang hawak niyang libro. "Gusto ko lang mag refresh. Mamaya kasi ay mahirapan ako sa finals." Sabi niya rito. "Magkaiba talaga kayo ni Jared. Dapat sayo ako nadikit para mahawa ako sa pagiging masipag mo eh." Palatak nito. Ito ang kaibigan ni Jared bago pa man pumasok ang mga ito sa med school. Marahil ay kilala nito ang Sofie na kausap ni Jared kani kanina lang. "A-ahm. May gusto sana akong itanong sayo." Pano niya ba ito itatanong nang hindi na hihimigan na nagseselos siya? "Go ahead." Sabi nito sa kanya. "A-ahm may kilala ka bang Sofie?" Naiilang na tanong niya rito. Kumunot naman ang noo nito. "Sinong Sofie?" 'This is really embarrassing' Saad niya sa sarili. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "M-may kausap kasi si Jared sa cellphone kanina. N-narinig kong binanggit niya ang pangalang Sofie. T-tapos nagmadali na siyang umalis." Ang nakakunot na noo nito kanina ay unti unting napalitan ng ngiti. "Are you jealous?" "H-hindi ah. H-hindi ako nagseselos. Na-curious lang ako kung sino yung Sofie na iyon." Mariing tanggi niya. Hindi naman nawala ang ngiti nito sa mga labi na wari ba ay alam nitong nagsisinungaling siya. 'Kainis!' "You're really jealous." Sabi nito na parang siguradpng sigurado sa nakikita. "Anyway sa pagkakaalam ko isang Sofie lang ang kilala ni Jared. At iyon ang fiancé niya." Halos lumuwa ang mata niya sa gulat dahil sa sinabi ni Dylan. May fiancé na si Jared? Kung ganon bakit pa ito nanliligaw sa kanya? Parang lahat ng dugo niya ay umakyat sa ulo. She really can't believe it. At sobrang nasaktan siya. Ibigsahin ay pinaglalaruan lang talaga siya ng lalaki. Kung kailan hulog na hulog na siya rito. Hindi niya napansin na may tumulo na luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilan ang emosyon niya. Pinalis na iyon at tumayo "T-teka Sam." Pigil ni Dylan sa kanya. "Aalis na ako." Sabi niya rito sabay takbo. Kung saan man siya pupunta. Iyon ang hindi niya alam. Basta gusto niya lang lumayo. Sa mga tao na nasa compus. Ayaw niyang may makakita sa kanya na umiiyak. ----- "SAM, mag iingat ka sa pag uwi mo ah. Mauuna na ako sayo." Pagpapaalam sa kanya ni Franco. Nag overtime kasi siya ngayon dahil absent si Adrian. Sabi nito ay busy ito sa pag gawa ng thesis nito at dahil wala siyang balak pumunta sa apartment ni Jared kaya nag over time nalang siya. Nakatulong din kasi iyon para hindi niya maisip ang ginawang panloloko sa kanya ni Jared. "Sige salamat Franco. Mag iingat ka din." Nakangiting tugon niya dito. Tumalikod na siya at tinungo ang bus stop. Sinipat niya ang relong pambisig niya habang naglalakad. 11 pm na pala. 10 talaga nagsasara ang Café Freyja. Nag linis pa kasi sila ni Fanco ng coffee shop kaya inabot sila ng 11 ng gabi. . Nang makarating siya sa bus station ay nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa kasi siya kumakain. Ang huling kain niya yata ay nong umagahan pa. Hindi rin kasi siya nagugutom. Pag ganito ng ganitp malaki ang tyansa na bumaksak ang katawan niya at hindi maganda iyon. Lalo na at malapit na siyang mag internship. . Kailangan ay nasa kundisyon ang pangangatawan niya bago siya mag internship dahil alam niya kung gaano ka hectic ang schedule sa ospital at hindi lang ang utak ang magagamit niya kung hindi na rin ang katawan niya. Kailangan ay handa siya pag dumating na ang panahon na iyon. Napakunot ang noo niya ng may pamilyar na sasakyan ang tumigil sa harap niya. 'Kay Jared na to?' Nang bumaba ang bintana ng sasakyan na iyon ay hindi nga siya ng kamali. Lumitaw ang nakakunot na noong si Jared. Sinilip siya nito at bumaba sa sasakyan. "Anong ginagawa mo rito?" Kaagad na tanong niya ng makalapit ito sa kinaroroonan niya. "Iniiwasan mo ba ako?" Nakakunot pa din ang noo nito habang nakapamewang sa harap niya na wari ba ay batrip na badtrip ito. Pero sa halip na sagutin ito ay kinuha niya ang pitaka niya ay kinuha ang debit card na ibinigay nito sa kanya noong isang araw. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na ibalik iyon sa binata. Ilang araw niya kaso itong iniwasan dahil sa nalaman niya mula ka Dylan. Hindi pa rin siya makapaniwala na naloko siya nito. "Ibinabalik ko na to sayo." Sabi niya rito. "Hindi na rin ako pupunta sa condo mo. Maghanap ka na lang ng bago mong taga luto." Sabi niya saka tinalikuran ito. Aakmang maglalakad siya ay pinigilan siya nito. "Teka." Pigil nito sa kanya. "Anong ibig sabihin nito? Binabasted mo na ba ako?" Hinarap niyang muli ang binita. "Oo, hindi ko hahayaan na lokohin mo pa ako." Kumunot lalo ang noo nito. " Anong ibig mong sabihin?" "Sinabi na sakin ni Dylan ang lahat. Alam ko na na engage kana sa Sofie na iyon, kaya wala ka ng dapat itago ko pa." Iniwaksi niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Nagbalak siyang maglakad muli ngunit naharang na ng binata ang daraanan niya. "Ano ba umalis ka dyan!" Pagalit na sabi niya. "I won't leave here until we talk." Kalmadong sabi nito. Nauubusan na siya ng pasensya. "Ano banh ptoblrma mo? Hindi pa ba sapat na naloko mo na ako?" "Hindi kita niloko okay?" Huminga ito ng malalim. "Oo, gusto ng mga magulang ni Sofie at ng daddy ko na magpakasal kami. Pero matagal ko ng tinanggihan iyon. Wala akong balak magpakasal kay Sofie." "Sinungaling ka!" Dinuro niya pa ito. "Sabi mo hindi mo ako lolokohin. Sabi mo papatunayan mong mahal mo ako. Pero sa ibang tao ko pa malalaman na engage ka pala?" Tumulo na ang luhang kanina pa niya pinipigilan. "Jared, hulog na hulog na ako sayo eh. Hindi ko na alam kung paano pipigilan yung nararamdaman ko sayo." Lumanlam ang mukha ng lalaki. At pinunasan nito ang luha sa pisngi niya. "Shh.. I never meant to hurt you. Hindi talaga kita niloko. Wala na akong fiancé matagal na. Kaya lang naman ako tinawagan ni Sofie noong isang araw ay dahil gusto ni tita Marites na ako ang maghatid sa kanila sa airport. Mag mamagrate na kasi sila sa amerika. Please believe Sam." Pagsusumamo nito. Tinitigan niya ang mukha nito. Tumigil na ang pag patak ng luha niya. Nawala lahat ng hinanakit niya rito. "I'm really sorry Sam. Promise, wala na akong itatago sayo. Kaya lang naman hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Sofie ay dahil hindi nanaman siya importante." "Promises are made to be broken." Kumento niya. "Not to me." Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "I promise to love you with all of my heart Sam. I will not let go of this hands kahit anong mangyari. Just love me back and I'm all yours." "Paano kung bumalik iyong Sofie na iyon at ipilit na magpakasal kayo?" "Hindi mangyayari yon. Ikaw lang ang gusto ko." Bigla nalang nawala ang bigat ng nararamdaman niya dahil sa mga sinabi nito. Ang feeling niya ay mapagkakatiwalaan niya ito. Hindi na niya kayang pigilan pa ang nararamdaman niya. Sa pangalawang pagkakataon ay iwawaksi niya lahat ng alalahanin niya at mamahalin ito ng buong puso. Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. Nagulat naman ito sa ginawa niya. "Did you just kiss me?" Gulat na tanong nito sa kanya. "Yes." Sabi niya rito at tinitigan ang mga mata nito. Gusto niyang makita nito sa mga mata niya na mahal na mahal niya ito. Pero sa halip na magkipag titigan ay unti unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya at hinalikan siya sa mga labi. And this time she will never push him away again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD