"ANONG ginagawa mo rito?" Tanong ni Samantha nang makilala ang lalaking nanloob sa apartment niya. "A-aray! Bitawan mo muna ako para makapag-explain ako ng mabuti sayo." Sabi naman ni Jared sa kanya. Agad naman niyang binitawan ang lalaki. "Now, talk." Utos niya rito. Umupo naman ito sa sofa habang hinihilot ang nasaktang braso nito. "Napaka bayolente mo talaga kahit kailan. Magkaibigan nga kayo ni Georgina." Himutok ito. "I'm still waiting for you to answer my question." Sabi niya rito. Kahit naman nami-miss niya ito ay kailangan pa din niyang maintindihan ang mga nangyayari. "Tumakas ako sa mansyon. Because I don't want to go to America." Tiningnan siya nito. "I want to be with you." Sa isang iglap ay nawala lahat ng nararamdaman niyang pangungulila dito. "Pero ano na ang gagawin

