CHAPTER 20

1815 Words
"SAMANTHA!" Napalingon si Samantha sa tumawag sa kanya. Nakita niya si Georgina at Jessica na naglalakad patungo a kinaroroonan niya. Kasalukuyan kasing nasa soccer field siya ng mga oras na iyon. Katatapos lang ng klase niya at wala pa siya sa mood na pumasok sa trabaho. Kaya doon muna siya nagtungo upang makapag muni-muni. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Jessica nang makarating ang dalawa sa kinaroroonan niiya. Umupo ang dalawa sa tabi niya. "Wala gusto ko lang mag muni-muni rito." Maikling tugon niya. "Alam na namin ang nangyari. May balita ka na ba kay Jared?" Sabi naman ni George sa kanya. "Wala pa, Nag-try din akong tawagan ang cellphone niya pero hindi ko ma-contact." Sabi niya rito. Simula kasi nang sunduin si Jared ng tatay nito ay hindi na sila muli pang nagkausap ng binata. Ilang beses na niya itong tinawagan pero hindi niya ma-contact ang cellphone nito. Ilang beses din siyang nagpunta sa condo ng binata ngunit ang sabi ng isang kapit bahay nito ay may mga lalaking nagpunta roon at kinuha lahat ng gamit sa condo. Ang Ibig sabihin ay hindi na rin titira pa doon si Jarred. Tinanong na din niya ang kaibigan nitong si Dylan. Pero kahit ito ay walang balita sa binata. Sabi naman ni Dylan ay susubukan nitong bisitahin si Jared sa mansyon at babalitaan siya nito agad. "So, anong balak mo?" Tanong muli ni George sa kanya. "Wala naman akong magagawa kung hindi mag hintay ng balita tungkol kay Jared. Sana lang ay nasa maayos siyang kalagayan." Hinihiling niya na sana ay walang masamang mangyari sa binata. Hinawakan siya ni Jessica sa balikat. "Don't worry, Siguro naman ay hindi kayang saktan si Jared ng sarili nitong tatay." 'Sana nga.' Munting hiling niya sa utak. Sa di kalayuan ay nakita niyang naglalakad papalapit sa kanila si Dylan at ang kasama nitong si Zion. Sana ay may balita na ang mga ito kay Jared. Lumapit si Jessica at bumulong sa kanya. "Who is that cutie?" "Si Zion, isa sa mga kaibigan ni Jared." Tugon niya naman dito. "Talaga? Ang gwapo naman. Ipakilala mo ako." Sabi nito na kinikilig pa. "Jessica behave." Sita naman dito ni Georgina. "Hey guys." Bati ni Dylan nang makalapit ito sa kanila."Si Zion nga pala pinsan ko." Pagpapakilalala nito kay Zion na nakamasid lang sa kanila. Si Jessica ang agad lumapit kay Zion. "Hindi ko alam na may gwapo ka palang kadugo Dylan." Binalingan nito si Zion. "Hi! My name is Jessica Cortez but my friends call me Jessie. Nice to meet you." Malanding pagpapakilala nito at inilahad ang kamay sa harap ng binata. Tinaggap naman ni Zion ang kamay nito ngunit hindi gumanti ng ngiti. "Nice to meet you." Simpleng sabi ni Zion rito. Nakatinginan nalang sila ni George at napailing. Hindi nila alam kung naging maganda ba ang pagbabago ni jessica dahil masyado nitong ini-express ang nararamdaman nito. "May balita ba kayo kay Jared?" Tanong niya rito. Ayaw na niyang magpatumpik-tumpik pa. Gusto na niya talagang malaman kung nasa maayos bang kalagayan si Jared. "Ah.. about that Sam. Bumisita kami ni Zion kagabi sa mansyon ng mga Del Fuego. Hindi namin nakausap si Jared dahil bantay sarado ito ng mga body guard ng papa niya. Pero nalaman namin kay aling Nimfa na aalis si Jared papuntang America at doon nalang daw nito ipagpapatuloy ang pag aaral ng medicine." Mahabang sabi nito. "What?" Halos pasigaw na sabi ni Jessica. Kahit naman siya ay nagulat sa sinabi ni Dylan. kung totoo nga iyon, ibig sabihin ay hindi na sila muling pang magkikita ni Jared. Parang nanlalabot ang buong katawan niya sa narinig. Iyon ang mahirap pag nagmahal ka ng mataas ang antas sa lipunan, laging hinahadlangan. Kailangan niyang makausap si Jared at kailangan niya itong makita. hindi maaaring bigla nalang itong aalis ng walang paalam. Pero paano niya gagawin iyon kung hindi naman niya alam kung paano ito kaausapin. "Kailangan kong makausap si Jared." Sabi niya. Four sets of eyes glared at her. "I mean it." "Sige, I will use my connections." Biglang sambit ni Zion. Akmang tatalikod na ito nang ikawit ni jessica ang kamay nito sa braso ng binata. "Samahan na kita. I have connections too. You know two is better than one." Kinindatan pa nito ang lalaki. Kunot noo namang tinitigan ito ni Zion. Pero wala naman pakialam si Jessica. "Bye guys. Balitaan nalang namin kayo." At hinila na nito papalayo ang kawawang si Zion. Tumayo na din s George. "I will check what I can do for you Sam. Hihingi ako ng tulong kay kuya kung kinakailangan." Sabi nito. "Maraming salamat, George." Niyakap niya ito. "Huwag kang mag alala Sam. Makakausap mo rin si Jared." Nginitian niya si Dylan. "I gotta go." Sabi ni George. Akmang tatalikod na ito nang magsalitang muli si Dylan. "Samahan na kita sa pupuntahan mo." Nilingon ni George ang binata. "don't you dare follow me." "Per-" Tinangkang hawakan ni Dylan ang braso ni George, ngunit agad ding iniwas nito ang braso sa binata. "Don't touch me!" Pasigaw na sabi ni Georgina. Tumalikod ito at naglakad na papalayo. Kitang kita sa mukha ni Dylan ang pagkagulat. Kahit siya ay nagulat din sa inakto ni Georgina. madalas nitong suplain ang binata ngunit ni minsan ay hindi nito nasigawan si Dylan. "Sige Sam, mauuna na din ako." Pagpapaalam ni Dylan sa kanya. Nakita niyang sinusundan pa din ni Dylan si Georgina. May hindi kaya nangyaring maganda sa dalawa? Sinundan na lang niya nang tanaw ang dalawa. Saka na lang niya ito tatanungin. Sa ngayon, ang importante ay ang makausap niya si Jared. ----- "ANG sinabi ko ay caramel macchiato ang order ko bakit cappucino to?" pagrereklamo ng customer ni Sam. Agad namang lumapit ang may ari ng coffee shop. "Ano hong problema dito?" "Iyang empleyado mo. absent minded hindi nakikinig! Ilang beses ko nang sinabi na caramel macchiato ang order ko pero itong cappucino pa din ang binigay niya sa akin." galit na sabi ng customer. "Pasenya na ho." Paghingi naman niya nang paumanhin dito. "Pasensya na ho. We will give you free coffee and baggel for this inconvenience." Sabi naman ng boss niyang si Freyja. Binalingan nito si Adrian. "Ihanda mo ang order ni ma'am." Lumingon ito sa kanya. "I'll talk to you. Lets go to my office." Sumunod naman siya rito. Bakit kasi ngayon pa siya pumalpak nang ganito? Kung kailan nandito ang boss niya. "What is happening to you, Sam?" Tanong nito nang makarating sila sa pribadong opisina ng boss niya. "Hindi ka naman ganyan. You're always focus. Pero nitong mga nakaraang araw ay palagi kang nagkakamali. Noong isang araw ay napagpalit mo ang mga order ng mga customers natin. Ngayon naman ay iba ang na-prepare mong order. Is there something wrong Sam?" Napakagat labi siya. "Sorry boss, medyo drain lang ang utak ko nitong mga nakaraang araw dahil sa papalapit na finals namin sa school. Pasensya na po. Hindi na mauulit." Pagsisinungaling niya rito. Dahil ang totoo ay nawawala siya sa concentraition dahil kay Jared. Ilang araw na ang nakakaraan nang malaman niyang aalis ito papuntang amerika ngunit hanggang ngayon ay wala pa din siyang nababalitaan dito. Kahit ang mga kaibigan nito ay wala pa ding balita sa binata. Nag aalala na siya. Paano kung umalis na pala ito papuntang amerika nang hindi niya namamalayan? Bumuntong hininga ang boss niya. "Aasahan ko iyan okay? Naiintiindihan ko naman ang stress mo. Alam kong mahirap talaga mag aral ng medicine." Sabi nalang nito sa kanya. Tumango naman siya. "Opo, pasensya na po ulit." "No worries, sige umuwi kana muna. Tutal naman ay mag sasara na din ang coffee shop. Si Adrian at Franco na lang ang bahala rito." Tumango siyang muli. "Salamat po." Sabi niya rito, lumabas na siya ng silid at nagtungo sa employee's quarters. Inayos niya ang gamit at lumabas na roon. "Uuwi na ako." Pagpapaalam niya sa mga katrabaho niya. "Mabuti iyan para makapag pahinga kana. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo nitong mga nakaraan eh." Sabi ni franco. "Sige mag iingat ka ha?" Sabi naman ni Adrian sa kanya. Tumango lang siya sa dalawa at lumabas na ng coffee shop. Nang makalabas siya ay tumawid siya upang magtungo sa bus station. Umupo siya roon upang magpahinga. Feeling talaga niya ay drain na drain ang lakas niya. Ganito pala pag may love life, nakakaloka. Maya-maya ay dumating na ang bus na inaantay niya. Tumayo siya at sumakay na roon. Umupo siya sa pinaka likod ng bus. Nakita niya kasi na walang nakaupo don. gusto niya kasing mapag isa. Namimis na niya si Jared. Namimis na niya ang kakulitan, kasungitan at pagging sweet nito. Talaga kayang makakaya nito na umalis ng bansa na hindi sila nagkikita? Parang gusto niyang umiyak sa naisip. hindi naman siya iyakin pero simula nang makilala niya si Jared ay marami siyang emosyon na nailallabas, na dati ay hindi naman siya naipapakita sa ibang tao. Naisip niya kung ganito din ba ang naramdaman ng mama at papa niya noong nagsisimula ang mga ito? Paano kaya nila nalalagpasan ang mga ganitong pagsubok? Napalingon siya sa bintana. Naroon na pala siya sa lugar kung saan siya nakatira. Agad siyang tumayo. "kuya dito na lang po." Sabi niya sa kundoktor. Nang makababa ay dumeretso na siya sa apartment niya. Gusto na din talaga niyang makapagpahinga. Pumasok na siya sa loob ng apartment niya. Nagtaka pa siya nang makitang iba ang pagkakalagay ng mga sapatos niya sa may pinto. Kumunot ang noo niya. Ang pagkakatanda niya ay hindi ganun ang pagkakaayos non bago siya umalis kaninang umaga. Dahil nga wala naman siyang time para ayusin iyon. May nakapasok ba sa apartment niya nang hindi niya alam? Bigla siyang kinabahan. Dahan-dahan siyang naglakad habang ang isang kamay niya ay hinahanap ang cellphone sa bag niya. Nag tungo muna siya sa kusina. Pero wala naman siyang nakita roon. Kaya dumampot na lamang siya kawali. Naisip niyang iyon ang ihahamapas niya sa kung sino iyon na pumasok sa apartment niya. Kinuha niya na rin ang cellphone niya at tinawagan si Georgina. "Hello Sam?" Sabi nito nang sagutin ang tawag niya. "May nakapasok sa apartment ko." Bulong niya sa kabilang linya. "What? I can't hear you. Nasaan ka ba?" "Nandito ako sa apartment ko. Sa tingin ko ay may nakapasok dito." Pabulong na sabi niya rito. Lumingon siya sa kwarto niya. Bahagyang nakabukas iyon. Lalo siyang kinabahan. Dahan-Dahan siyang Nagtungo doon. "Sam, are you still there?" Tanong ni Georgina sa kabilang linya. Pero hindi na niya iyon nasagot nang may humawak sa braso niya. Dahilan kaya nabitawan niya ang kanyang cellphone. Agad naman niyang binaklas iyon at ipinilipit ang braso nito sa likod ng taong pumasok sa apartment niya. "A-aray!" Hiyaw ng lalaking nasa harap niya. Napakunot ang noo niya dahil pamilyar ang boses ng lalaking nanloob sa apartment niya. Binitwan niya ito at laking gulat niya nang makilala kung sino ito. "Anong ginagawa mo rito?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD