"MAGANDANG gabi po senorito." Tumango lang si Jared ng batiin ni aling Nimfa. Ang isa sa mga kasambahay nila sa mansion.
Alas otso na ng gabi ng makarating sila sa mansion ng papa niya. Habang nasa byahe ay wala silang imikan. That was the most awkward moment of his life. Hinarap niya ang papa niya ng makataring sila sa sala ng mansion. Hindi niya kayang manatili sa lugar na iyon.
Ayaw niyang iwanan si Samantha ngunit wala siyang choice dahil mukhang hindi naman magpapapigil ang papa niya sa pag sundo sa kanya. Alam naman niyang safe na makakauwi si Sam dahil naroon naman si Zion. Pero ang hindi niya alam ay kung paano ba nalaman ng tatay niya kung nasaan siya? Samantalang wala naman siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta. Hindi kaya nag hire na rin ito ng mag imbestigador para alamin ang mga ginagawa niya?
Sabagay hindi na rin naman nakakapagtaka iyon dahil malawak ang koneksyon nito. May kakayahan itong gawin posible ang imposible.
Pagpasok niya sa mansyon ay saglit niyang naalala ang kanyang ina. Kung buhay lang ito ay tyak na ito ang kakampi niya. Sana ay hindi nalang ito namatay.
"Uuwi na ako." Akmang aalis na siya ng harangan siya ng mga bodyguards ng daddy nya. "Get out of my way!" Pagalit na sabi niya sa mga ito pero wala naman natinag sa pagsigaw niya. Nanatili lang ang mga ito sa pagkakaharang sa dadaanan niya.
"Pasensya na ho seniorito. Pero utos po ng daddy niyo na hindi kayo pwedeng umalis dito sa mansyon." Sabi ng isa sa mga bodyguard ng papa niya.
Tiningnan naman niya ang papa niya. "What is the meaning of this? Baka nakakalimutan mo na hindi na ako nakatira dito?"
"Hindi ka nga dito nakatira, pero pag aari ko pa rin naman ang tinitirahan mo. Kaya wala kang karapatang magmalaki sa akin." Umupo ang papa niya sa mahabang sofa. "Pag sinabinkong hindi ka aalis dito. Hindi ka aalis dito."
Kinuyom niya ang kanyang kamay. He really hate to admit but his father is right. Pero wala talaga siyang balak mag stay sa lugar na iyon.
"Aalis na ako."
"At pag umalis ka? Babalik ka sa babaeng iyon? Jared huwag kang hibang. Pera lang ang habol niya sayo." Kalmateng sabi ng daddy niya.
"I told you, she's not that kind of woman."
"Are you sure? Ano bang alam mo sa kanya? Ilang buwan na ba kayong magkakilala? Isa, dalawa?" Tumayo ito at hinarap siya. "Jared, hindi mo kilala ang babaeng iyon. Alam mo bang mamatay tao ang tatay niya?"
Natigilan si Jared sa sinabi ng ama. "Kilala mo ba ang tatay ni Samantha?"
"See? Wala kang lang kaalam alam na kasuklam-suklam ang pamilya niya. Sisirain mo lang ang buhay mo sa kanya."
"Wala akong pakialam kung sino ang tatay niya o kung mahirap siya. Ang mahalaga ay mahal ko siya." Akmang dadaan na naman siya ngunit pinigilan uli siya ng mga badyguard. "Ano ba!"
"Sa tingin mo mabubuhay ka ng pagmamahal na iyan? Mag isip ka. Hindi ka nababagay sa babaeng iyon."
"This is my life. Hanggang kailan nyo ba pakikialaman ang buhay ko? Hindi na ako teenager na dapat sumunod sa mga gusto mo at matatakot sa mga pagbabanta mo."
"Huwag mo akong sagarin Jared. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Umakyat kana sa kwarto mo. At ipapaasikaso ko na ang mga papeles mo dahil next week ay lilipad ka na papuntang amerika. Doon mo na ipagpatuloy ang pag aaral mo."
"W-what?! Hindi ako aalis." Matapang na sabi niya. Hindi siya makapapayag na diktahan nanaman nito ang buhay niya. Kung kailangan niyang magmatigas ay gagawin niya.
"Well, sorry to tell you, wala sayo ang desisyon." Pagkasabi niyon ay umakyat na ang daddy niya.
Hinid ito maaaring mangyari. Kailangan niya gumawa ng paraan.
Nang nasa kalagitnaan na ito ng hagdan ay lumingon ito sa kanya. "Don't do anything stupid Jared. Kayang kaya kong pagapangin sa lusak ang babaeng iyon. Kaya kung ako sayo ay susunod na lang ako." At nagpatuloy na ito sa pag akyat.
Naiwan siya sa sala na bagsak ang balikat. Hindi siya makakapayag na umalis ng bansa. Lalo na ang iwan si Sam. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang makatakas sa mansion.
Ang mabuti pa señorito ay sundin niyo nalang ang iyong papa." Nilingon niya si Aling Nimfa na naroon pa rin pala. "Alam mo ang kaya niyang gawin."
"I'm not a kid anymore. Hindi pwedeng diktahan niya ako sa mga gagawin ko. Sinunod ko na nga ang gusto niya na mag aral ako ng medicine. Ngayon pati ang pagpili ng mamahalin ko ay pakikialaman niya? That's unfair!" Frustrated na sabi niya.
Hinawakan ni aling Nimfa ang balikat niya. "Uminahon ka hijo. Mag isip ka nang mabuti. Alam natin na hindi tama ang gusto ng papa mo. Pero makakaya mo bang protektahan ang babaing mahal mo sa oras na siya ang balikan ng papa mo?"
Natahimik siya. Wala siyang kakayahan na labanan ang papa niya. Alam niya iyon. Pero hindi niya kayang iwan si Samantha. Mahal niya ang babae. Kaya poprotektahan niya ito kahit anong mangyari.
"Magpahinga ka na muna señorito. Inayos na namin ang kwarto mo." Sabi ni Aling Nimfa. Tumango naman siya at tumayo. Sa kwarto na lang siya mag iisip ng paraan kung paano siya tatakas sa mansion na iyon. Kailangan niya ring tawagan si Zion upang tanungin kung nakauwi ba ng matiwasay si Sam.
-----
NAGISING si Jared sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Umaga na pala. Nakatulog na lang siya kakaisip ng paraan upang makatakas sa mansyon.
Kagabi pag akyat niya sa kanyang kwarto ay agad niyang tinawagan si Zion upang malaman kung nakauwi ng matiwasay si Sam. Wala kasi siyang cellphone dahil pati iyon ay kinuha ng magaling niyang ama.
Tumayo siya upang ayusin ang sarili. Kung talagang nais niyang makaalis roon ay kailangan niya ng tulong. Hindi niya kakayanin mag isa na tumakas. Baka mapaaga lang ang pag punta niya sa amerika pag nahuli siya at hindi maaari iyon.
Pagkatapos niyang maghilamos at mag toothbrush ay pumunta siya sa balkonahe ng kwarto niya upang lumanghap ng ng preskong hangin. Masarap kasi ang hangin doon dahil puro puno ang nasa gawi ng kwarto niya.
Habang nasa balkonahe ay napatanaw siya sa gawing ibaba ng mansyon at nakita niya ang garden ng mama niya. Naroon din ang hardinero nilang si Mang Juanito. Napangiti siya. Matagal niya na ring hindi nakakausap ang matanda. Kaya nagpasya siya na mag tungo sa hardin upang makipag kamustahan na rin kay Mang Juanito.
"Wala pa ding pinag bago ang garden ni mama ah. Magaling talaga kayong mag alaga Mang Juanito." Kumento niya ng makarating siya sa garden.
Nilingon naman siya ng matanda. "Jared!" Sinalubong siya nito ng yakap.
"Sinundo lang ako ni papa. Namiss ko itong garden ni mama. Matagal tagal ko ding hindi nabisita to." Sabi niya habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng garden na iyon. Ito ang tambayan niya dati pag gusto niyang mapag isa. Nakapa peaceful kasi ng ambiance ng lugar na iyon. Kaya tuwing nagkakasagutan sila ng papa niya ay doon ang punta niya. Dati ang mama niya ang nag aalaga ng garden na iyon ngunit ng mawala ito at si Mang Juanito na ang naatasang mag alaga niyon.
"Tuwing umaga ay dinidiligan ko ang mga halaman dito upang hindi malanta tinatabas ko rin ang mga sobramg tubo para maganda tingnan. Alam mo naman ang mama mo. Masyadong metikulosa pag dating sa mga halaman niya." Nilingon siya nito."Nabalitaan ko kay Nimfa ang nangyari."
Asawa nito si Aling Nimfa. Matagal ng namamasukan ang dalawa sa pamilya nila. Ang mga ito ang pinagkakatiwalaan ng mama niya. Ang mga ito rin ang naging kakampi niya sa mansyon nang mawala ang mama niya. Kaya kung may pagsasabihan siya nh sekreto ay ang mga ito na iyon. Dahil alam niyang walang makakaalam non.
Umupo siya sa bench ng garden na iyon. Sumunod naman ito sa kanya. "Hindi na talaga nag bago si papa. Lagi nalang siyang pinakikialaman ang mga gusto kong gawin."
"Tutuloy ka ba ng amerika?"
"Gagawa ako ng paraan upang hindi ako matuloy." Sabi niya.
"Anong paraan naman iyon? Alam mong hindi mo matatakasan ang papa mo."
Hinarap niya si Mang Juanito. "Tulungan mo ako mang Juanito."
"H-ha? Naku hijo, ano naman ang maiitutulong ko sa iyo? Mahina na ako. Baka imbes na makatakas ka ay mahuli ka pa ng dahil sa akin."
"Hindi ba may ginawa kang lihim na daanan noong nagliligawan pa kayo ni Aling Nimfa? Naikwento mo sa akin iyon hindi ba? Iyon lang ang gusto ko tulong. Gusto ko lang malaman kung nasaan iyon at ako na ang bahala sa lahat." Sabi niya rito.
"Delikado ang gusto mo Jared. Paano kung malaman ng papa mo ang gagawin mo? Alam mo kung paano magalit iyon. Baka mapahamak ka."
"Wala naman na akong pakialam kung anong mangyari. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makasama si Sam."
Umiling iling si Mang Juanito. " Mukhang iba ang tama mo sa babaing iyon ah. "Ang akala namin ni Nimfa ay magiging palikero ka na habang buhay."
"Hindi ko rin akalain na may mamahalin ako. Iba siya Mang Juanito. At kahit mahirap lang siya ay alam niya kung ano ang gusto niyang gawin." Nilingon niya ang bulaklak na nasa tabi ng inuupuan nila. "Tingin ko ay hindi na ako makakahanap pa ng katulad niya."
"Ganyan rin ang katwiran ko noon ng makilala ko si Nimfa. Sabi ko sa lolo mo noon. Kung hahadlangan nila ang pag iibigan namin ay mas mabuti pang tanggalin nalang kami sa trabaho kaysa maghiwalay kami." Nakangiting inalala nito ang nakaraan.
"Iba pala talaga ang pag ibig." Kumento niya.
"Seryoso kana ba talaga sa babaing mahal mo?"
Nilingon niya ito at tinitigan sa mata. "Oho, alam kong si Sam na ang makakasama ko habang buhay." Kampanteng sabi niya. "Kaya tulungan mo na ako mang Juanito. It's now or never."
Bumuntong hininga naman ito. "Ano pa nga ba ang magagawa ko. Baka pag hindi kita tinulungan ay multuhin ako ni Jade. Alam mo naman ang mama mo."
Ngumiti siya. "Maraming salamat mang Juanito."
"Pero hijo, matagal ko ng hindi nagagamit ang secret passage na iyon. Kaya kailangan ko pang linisin iyon. Makakapag antay ka ba?"
"Mga ilang araw ho ba ang paglilinis roon?"
'Kailangan ko munang puntahan iyon bago ko masabi. Sabi ko naman sayo, matagal ko ng hindi napupuntahan iyon."
Tumango tango siya. " Kung tutulungan ba kita, mas mapapabilis ang paglilinis doon?"
"Mukhang hindi kana makapag aantay pa ah." Tumayo ito. Oh siya tara na at nang maumpisahan na natin ang pag lilinis na iyon."