Dei's POV Dalawang araw na ang nakakalipas. Nakakatanggap na rin ako ng nga text galing kina Maggie. Mostly ay galing kay Kyle. Obviously, hindi pa nasasabi ni Ice sa kanila na hiwalay na kami. After lunch ay sa kwarto ko na lang ako tumambay. Wala akong plano na lumabas ng bahay. Kinahapunan ay kumatok si Kuya Sam sa kwarto ko. “Dei, may bisita ka,” sabi ni Kuya Sam mula sa labas ng kwarto ko. “Sabihin mo kuya wala ako.” “Ayaw mo ba kaming makita?” Napabangon ako sa kama ko nang marinig ang boses ni Maggie. Kami raw? May kasama kaya siya? There's a part of me na umaasang kasama niya si Ice. Pero masyadong matalino ang utak ko kaya alam niyang wala siya. Pagbukas ko ng pinto ay tanging sina Maggie, Marky, Sean at Kyle lang ang nandito. Pinapasok ko sila sa kwarto ko at may dala

