Dei's POV "Kuya lalabas lang ako saglit!" paalam ko kay Kuya Mike na kasalukuyang nagsasaing ng pantanghalian. "Saan ka pupunta?" I wear my cap at tumakbo papunta ng pinto. "Sa mall, may bibilhin lang ako saglit!" sigaw ko nang makalabas na ako. May sinabi pa si kuya pero hindi ko na naintindihan. Pagkarating ko sa mall ay nag-ikot ikot na ako. Wala talaga akong bibilhin. Gusto ko lang libangin ang sarili ko. Isang linggo. Isang linggo na mula nang mangyari 'yong sa bar. At isang linggo na rin akong nagkukulong sa bahay. Pumasok ako sa Starbucks dahil may nakita akong pamilyar na mukha. Agad ko siyang nilapitan. "Koreen!" Nilingon niya ako at napangiti siya nang makita ako. Tumayo siya at nakipagbeso sa akin. "Maupo ka Dei."She gestures me the seat across the table. Naupo ako. "Ma

