Chapter 2

1437 Words
Chapter 2 Dei's POV Naglakad si Ice papunta sa isang closet. May kinuha siyang dress. Naglakad sya pabalik sakin at iniabot iyon sakin. "Anong gagawin ko dito?" "Wear it. You won't go to our date with your jerseys, will you?" sabi nya sabay ngisi. "Pero hindi ako nagsusuot nyan. Hinding hindi" Tinignan nya ako ng masama. Yung tingin na pag hindi ko sya sinunod, malalagot ako. "Hehe. Saan ba ako pwedeng magpalit?" Itinuro nya ang isang pinto. CR ata? Ang laki naman? Bongga! Naglakad na ako papunta doon. Pero bago ko mabuksan ang pinto ay isang tanong ang pumasok sa isip ko. Huminto ako at humarap ulit sakanila. "What?" Tanong ni Alden. "Bakla ka ba?" "What the hell are you talking about?" "Well, may dress ka kase sa closet mo e." sabi ko. "If I'm not mistaken, that was owned by the last girl that I've bedded." nanlaki ang mga mata ko. "Pfft." natawa sina Kyle at Sean. Seryoso? Mukhang proud pa syang may naikama sya? Last daw? So malamang may mga nauna pa? "Ayokong isuot to. .amaya may sakit pa ang may ari nyan e." sabi ko. "Don't worry, Dei Marie, I don't fvck cheap girls." nakangisi nyang sabi. Nagugulat ako sa sobrang dumi ng bibig nya. "Wag mo nga akong tawaging Dei Marie." "That's your name, right?" halatang nang aasar sya. "Eh ayoko nga ng tinatawag akong ganyan eh. Dei ang itawag mo sakin. D-E-I, DEI." diniinan ko ng sobra yung Dei para ma-gets nya. "Sure thing... Dei Marie." sabi nya sabay lagay ng head phone sa ulo nya. "Ugh!" padabog na akong pumasok sa loob ng CR. Nagpalit lang ako at lumabas na ren. Sinalubong nila ako ng tingin. Natatawa sila dahil pilit kong hinihila pababa yung laylayan ng dress dahil feeling ko ang iksi. Tho above the knee lang naman yung haba nya. "You look stupid." Komento ni Ice. Sinamaan ko sya ng tingin at ngumiti lang sya ng mapang asar. "Tara na. Nang matapos na tong bangungot na to." ako. "Dei, you have to wear this too." sabi ni Sean at iniabot sakin ang isang pares ng sandals. Kinuha ko na yun at hindi na nagreklamo pa. Pagkasuot ko ay nagpraktis akong lumakad. "Lfft!" napatingin ako dun sa tatlo na halatang nagpipigil ng tawa. Tumigil ako sa paglakad at hinarap sila. "May nakakatawa ba?" ako. "You're walking like a penguin." Muling asar ni Ice. Mabilis akong naglakad papunta sakanya at sinapak sya. Pero tulad kanina, nasalag na naman nya. "Gago ka talaga!" "Babe, stop cussing and stop being rude." halata talagang nang aasar sya. Bwisit talaga tong lalaking to! Bwisit! Mayamaya lang ay may kumatok. "Senyorito, pinapatawag nyo daw po ako." boses ng isang bakla. Sinenyasan ni Ice si Kyle na buksan ang pinto. Pagkabukas ay pumasok ang bakla at lumapit samin. Napatingin sya sa kamay namin ni Ice na magkahawak dahil salag salag nya paren yung kamao ko. Binawi ko yung kamay ko. "I know it's hard but give her a li'l make over." sabi ni Ice sa bakla at naupo na sya sa kama nya. Nagtext text na sya. "I would love to, sir." excited na sabi nung bakla. Tinanggal nya yung cap ko at inilugay ang buhok ko. Ouch! Ganun ba ako kapangit para bigyan ng make over? Niyaya ako ng bakla sa tapat ng salamin. Habang inaayusan nya ako ay nagkwento sya. Napag alaman kong chef pala sya dito. Nasa Alejandino Mansion daw ako. Bihira lang daw ang nakakapasok dito. "Hindi ka naman mahirap pagandahin eh. May natural ka ng ganda kaya kahit light make up lang, lutang na ang kagandahan mo." sabi nya sabay lagay ng lipstick sakin. Ilang minuto lang ren ay natapos na daw sya. "senyorito, ready na po sya" sabi nya kaya nag ayos na yung tatlo. Lumapit na sila samin. Iniikot nung bakla ang upuan ko para iharap sakanila. "My masterpiece." sabi nung bakla. Naramdaman ko ang pagtitig nilang tatlo sakin. Halatang mga nagulat sila sa nakita nila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang. Basta ang sigurado ko lang sa nararamdaman ko ngayon ay ang inis. Inis dahil ganto ang istura ko ngayon. "Sir Sean, sir Kyle, Senyorito Ice, sabi ko po ready na sya." nag snap snap pa yung bakla sa harap nila at saka lang sila natauhan. "Yeah, mukhan na syang tao. Shall we?" yaya sakin ni Ice. "Ok." nauna na akong maglakad palabas. Pero pipihitin ko palang ang doorknob ay napansin kong di sila nakasunod kaya nilingon ko sila. "Dyan nalang ba kayo?" inip na tanong ko. Lumapit sakin si Ice. "Dei Marie, you should know how to act like a lady." sya. "Ha?" "I'm your boyfriend at kailangan na sabay tayong maglalakad." sabi pa nya. "Ha? Ok. Tara na." bubuksan ko na dapat ang pinto pero hinawakan nya ako sa wrist. "My God, Dei Marie! Let a man open the door for you." "Ha? Pagbubukas lang ng pinto kailangan pang iasa sa iba?" Nasapo ni Ice yung noo nya. Mukhang nauubusan na sya ng pasensya. Hinawakan nya ang kamay ko at ikinawit sa braso nya. "I'll teach you what the do's and don'ts mamaya sa date." binuksan nya ang pinto. "Ingat pre. Enjoy." sabi nung dalawa bago kami tuluyang makaalis. Maging sa sasakyan ay pinagbuksan nya ako ng pinto. Nagdrive na sya. Pupunta na daw kami sa resto. "Don't speak too much. Lalo na kung hindi mo naman alam ang isasagot mo. Less talk, less mistake." sabi nya. "Orayt!" "Call me babe. Be as sweet as you can but not to the point that it looks like you're babying me. That's annoying." "Orayt babes!" "It's babe, not babes. Speak in english if you can. But don't try hard and feeling fluent with your grammars. That's digusting." dagdag pa nya. "Orayt babes!" "I said babe. And one more thing, have table manners." "Orayt!" "So, we're here." sabi nya kaya napatingin ako sa resto. Bubuksan ko na sana ang pinto kaya lang pinigilan nya ako. "Ay oo nga pala. Hehe." sabi ko at nagpis sign pa ako sakanya. Napailing nalang sya at bumaba na. Umikot sya papunta sa tapat ng passenger seat. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Bumaba ako at nakahawak ang kamay ko sa braso nya. Ok na ren yung ganto at least di ako masyadong nahihirapan sa paglalakad. Nakakabalanse ako. "Good evening Senyorito Ice, good evening miss, this way please." sabi nung waiter na sumalubong samin. Nagpunta kami sa isang VIP table. "Ice..." bati nung magandang babae. Nakipagbeso sya kay Ice. Tumayo yung kasama nyang lalaki at humarap samin. "Honey, this is Ice, bestfriend ko." pakilala nung babae. "Marky pare." nagkamay sila. "Oh, and by the way, this is Dei Mari, my girlfriend." Ngumiti ako dahil nakangiti sila sakin. "Such a gorgeous lady. Nice taste Ice. By the way, I'm Maggie." pagtapos naming magkamay ay bineso nya ako. "You can call me Dei." Ok, crush ko na si Maggie. OMG, ang ganda nya talaga. Mukhang mabait ren sya. Naupo na kami at nag order. Pagserve ng pagkain ay nagkwentuhan sina Ice at Maggie. "By the way Ice, we have good news." sabi ni Maggie and Ice smiled. "Spill." "Mag aaral ka na sa De Alejandrino University, right?" "Yeah, why?" "Guess what? Marky and I decided to stay here in Manila and we're going to transfer in De Alejandrino University para magkakasama na tayo." halatang nagulat si Ice. "What? Akala ko ba magmamigrate na kayo sa america for good?" Halata kay Ice ang pagkataranta. "Well, nagkaroon ng emergency sa company ni daddy kaya kailangan naming magstay dito. Wait, Dei, sa DAU ka ren mag aaral di ba? Yun kase ang sabi ni Ice eh, sa DAU daw mag aaral girlfriend nya." maggie. "Ha? Eh.." hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Yeah, actually enrolled na sya sa DAU." napatingin ako kay Ice. Anak ng! Bakit nya sinabi yun. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil na para bang sinasabi nyang wag na muna akong magsalita. "That's great. Madalas tayong magkikita kita." Maggie. "I know we'll enjoy our college life." marky. "Yes. Oo naman." nasabi ko nalang at sinamaan ko ng tingin si Ice. Natapos ang dinner namin at mukhang naging ok naman ang lahat. Kasalukuyan nang nagdadrive si Ice. "Sa may kanto mo nalang ako ihatid." sabi ko. "You're not going home yet." "Ha?" tinignan nya lang ako at nagdiretso lang sya sa pagdadrive. Nagpunta kami sa isang di pamilyar na lugar. Malaki yung bahay. Pero mas malaki paren yung Alejandrino Mansion. Lumabas sina Sean at Kyle. Pinapasok nila kami sa loob. Ngayon ko lang nalaman na magkambal pala yung dalawa. Sa kitchen sila nag usap usap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD