Chapter 1

1411 Words
Dei's POV "Oh, Kuya! Heto na ang tubig!" sigaw ko kay Kuya Sam at nilagay sa tapat ng pinto ng CR ang dalawang balde ng tubig na inigib ko. Bigla kasing nawalan ng tubig sa gripo kaya nag-igib ako sa poso. "Salamat, Dei!" sabi ni Kuya. "Dei, wala pa ba ang Kuya Rick mo?" tanong ni Kuya Mike na naghihiwa ng gulay. "Wala pa kuya, e. Kanina pa nga 'yon dapat nandito, e." Bakit nga kaya wala pa si Kuya Rick? Hindi naman 'yun nale-late ng uwi, ah? Ilang oras pa ang lumipas at nakakain na rim kami ng dinner ay wala pa rin si kuya Rick. Malaki naman na 'yun. Alam na niya ginagawa niya. Natutulog na sina kuya Mike at kuya Sam pero nasa sala pa rin ako. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Ano na kayang nangyari kay kuya Rick? Nag-ring 'yung phone ko at si kuya Rick 'yung tumatawag. "Hello, Ku-" "Dei, tulungan mo ako!" Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko nang sabihin 'yun ni kuya. "Bakit kuya? Anong nangyayari sa'yo?" "Puntahan mo ako rito sa ilalim ng tulay." "Sige, kuya. Papunta na ako." Tumayo na ako at nagsimulang tumakbo papuntang tulay. Ano kayang nangyari kay kuya? Nang makarating ako sa ilalim ng tulay ay naabutan ko roon si kuya na nakatayo. "Anong nangyari sa'yo, kuya?" Mukha namang ayos si kuya. May itinuro siya at napanganga ako nang makita ang grupo ng mga kalalakihan. Apat sila. "S-sino sila, kuya?" tanong ko. "Nag-aantay ako, Rick," sabi nung lalaking nasa gitna at naka-leather jacket. "Dei, sa'yo lang talaga ako makakalapit. Dahil baka mapatay ako nina Kuya Mike at Kuya Sam kapag nalaman nila ang problema ko." "Diretsuhin mo na nga ako, Kuya!" "Malaki kasi ang utang ko sa kanila. At papatayin nila ako oras na hindi ako makabayad." Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Tiningnan ko ang lalaking pinagkakautangan niya. Nagsindi siya ng yosi at lumapit sa akin. "Mababayaran mo ba kami?" inip na tanong niya sa akin. "Magkano ba ang utang ng kuya ko at kailangan mo pa siyang takutin?" Ngumisi siya sa tanong ko. "One hundred..." sabi niya. Tinapon niya ang hawak na sigarilyo at tinapakan. "Diyos ko, isang daan lang pala. Oh, heto..." Kumuha ako ng one hundred sa bulsa ko. Buti na lang at may dala ako ngayon. Iniabot ko sa kanya ang pera pero tinitigan niya lang ito. "What the fvck?" sigaw niya sa harapan ko. "Bakit? Sabi mo one hundred pe-" "Thousand. Stupid!" Nanlaki ang mga mata ko. "T-THOUSAND? As in o-one hundred thousand?" gulat kong sigaw. "b***h! Do you really have to shout?" Inis na singhal niya. May dumating na isa pang kotse at may bumabang isang lalaki. Naglakad siya palapit sa amin. Tiningnan niya ako saglit at binalingan si Kuya Rick. Hanggang sa harapin niya ang lalaking kausap ko. "That's enough, Sean," sabi ng lalaking bagong dating. Tulad ng ibang lalaki rito ay may hawak din siyang sigarilyo. Suffocation ang aabutin ko rito. Muli siyang tumingin sa akin. "Magbabayad na ba kayo?" tanong niya. "One hundred thousand 'yon. Saan kami kukuha ng ganoon kalaking halaga?" "That's not my problem anymore. Ang utang ay dapat binabayaran," kalmado niyang sabi. "Pero-" "One week. I'll give you one week to earn money. Pagkalipas ng isang linggo at wala kayong naibigay na isang daang libong piso, alam ng kapatid mo ang kaya kong gawin," banta niya. "Tinatakot mo ba kami?" bulyaw ko sa kanya. "Dei!" Inawat agad ako ni kuya. Mukhang takot nga siya sa mga ito. "Kyle..." tawag niya sa isang kasama. Lumapit naman ang tinawag na Kyle. "Bro..." "Bring her." Tumalikod na ang antipatikong lalaki at sumakay sa kotse niya. Hinawakan ako nung Kyle sa braso. "'Wag! 'Wag ang kapatid ko!" protesta ni kuya ngunit hindi siya pinakinggan. "Bitiwan niyo nga ako. Saan niyo ba ako dadalhin?" Pilit akong nagpupumuglas. "'Wag kang mag-alala, Rick. Isasaoli rin namin ang kapatid mo," sabi nung Kyle. "Sige na, kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Uuwi ako bago magising sina kuya." Isinakay na nila ako sa van and God knows kung saan nila ako planong dalhin. Hindi naman ako nakagapos. So malamang hindi 'to kidnapping. Sa tingin ko, dapat ay natatakot ako ngayon. Pero bakit wala akong nararamdamang takot? Weird. "Nandito na tayo." Inalalayan ako nung Kyle na bumaba. Mukha namang mabait ang isang ito, e. Nakasunod lang ako sa kanila sa paglalakad. Namamangha ako sa ganda at laki ng bahay. Para siyang palasyo. Napapatingin sa akin ang mga katulong na nadaraanan namin. "Nasaan ba tayo?" tanong ko roon sa Kyle pero nginitian niya lang ako. Umakyat kami sa isang grand staircase at tumigil sa tapat ng isang pinto. Kumatok si Sean. "Leonard..." tawag niya. Bumukas ang pinto at lumabas ang lalaki kanina. 'Yung nagsabing dalhin ako rito. Sinenyasan niya si Sean na ipasok ako sa loob. No, hindi naman 'to gang rape, 'di ba? No, my virginity. Pumasok na rin sina Sean at Kyle. "Where's Kevin and Pat?" tanong pa niya. "May dadaanan lang daw." Naghihikab na sagot nung Sean. Tumango siya at humarap sa akin. "Wala kang perang pambayad para sa utang ng kapatid mo, hindi ba?" Paulit-ulit? "Oo. Pero 'di ba binigyan niyo naman kami ng one week?" Paalala ko kahit pa sigurado naman akong wala rin akong maiipong ganoong halaga kahit one month pa ang ibigay niya sa amin. Napakunot ang noo ko nang bigla siyang umiling. "Nah! I've changed my mind. I need it now." "Eh pero-" "Pero kung hindi mo kami kayang bayaran, may ipapagawa ako sa'yo. In that way, bayad na ang utang ng kuya mo." Humakbang siya paatras at tiningnan ako ng mula ulo hanggang paa. Napayakap ako sa sarili ko. "H-hindi! Ayoko. Hindi ko kaya," sabi ko at naiiyak na ako. "Wala kang ibang choice kundi ang sumunod sa ipag-uutos namin," sabi pa niya. "Ayoko!" "Just for tonighf. After that, you won't see us again." Pagpupumilit niya at halos sapakin ko na ang kanyang pagmumukha. "Hindi! Patayin niyo na lang ako kaysa babuyin niyo ang pagkatao ko!" Hindi sila nakasagot. Tiningnan ko sila isa-isa at mukhang nagulat sila. Mayamaya lang ay dumagundong sa buong kuwarto ang mga tawa nila. Matagal bago sila tumigil sa pagtawa. "Really, huh? So you think we're gonna rape you?" sabi niya nang mahimasmasan sila sa pagtawa. "Miss-damn! Do we look like a Goddamn rapist to you?" natatawang tanong nung Kyle. Hawak-hawak pa rin niya ang kanyang tiyan. "This is hilarious," sabi ni Sean na napahiga pa sa kama at gumulong kakatawa. "Miss, there's a lot of girls wanted be f****d by us. So why the hell we have to rape you?" Mayabang na sabi nung Ice. "Eh ano ba kasi ang ipapagawa ninyo sa akin?" "Be my girlfriend." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung Ice. "Whoa..." Sean and Kyle said in unison. "A-ano? Gago ka pala, e! Hoy mister, bastos ka rin, e 'no? Mas mukha pa akong lalaki sa'yo tapos gagawin mo akong girlfriend?" singhal ko. "Well, at least I know that you will never fall in love with me. Like what I've said, just for tonight." "Hindi. Wala akong panahon sa mga trip niyong ito." "Puwes, wala akong ibang magagawa kundi ang singilin ang utang ng kuya mo. Ngayon mismo," sabi niya. "Wala nga kaming-" "I'm giving you an option. Pretend to be my girlfriend for tonight at bayad na ang kuya mo. Or you'll pay me, right here... right now, cold cash!" Kibit-balikat niyang sabi. Iniipit niya talaga ako sa situwasyong 'to! "Kapag nagpanggap tayo, anong gagawin natin?" "Mga ginagawa ng magsyota?" sabi niya at kinindatan ako. "Gago!" Susuntukin ko sana siya pero sinalag niya. "That was rude, babe," natatawa niyang sabi nang walang kahirap-hirap sinalo ng palad niya ang kamao ko. "Babe? Yuck! Hindi ka ba kinikilabutan?" Masuka-sukang tanong ko ngunit tumawa lang siya. Binawi ko ang kamay ko. "What's your name again?" Biglang tanong ni Kyle. "Dei Marie. Dei na lang. Masyadong pambabae kapag may Marie," pakilala ko. "Dei, ngayong gabi lang naman, e. Kailangan lang ni Ice ng ipapakilalang girlfriend sa bestfriend niya," pakiusap ni Kyle. Mabuti pa 'tong si Kyle, e. May katinuan kausap kahir papaano. Pero napakunot ang noo. "Yeah. Nang malaman kasi ni Ice na may boyfriend na ang bestfriend niya, sinabi rin niya na may girlfriend na siya kahit wala naman talaga." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni Sean. "Eh bakit kailangan niyang magsinungaling?" nakangiwing tanong ko. "Simply because he likes his bestfriend. At feeling niya ay natapakan ang ego niya dahil hindi na-in love sa kanya ang bestfriend niya." "Sean, Kyle! Kailangan niyo ba talagang i-kuwento sa kanya ang buong detalye?" suway ni Ice. "Bro, kailangan na nating mapilit si Dei. 8PM ang double date ninyo with Maggie and her boyfriend" paalala ni Kyle. "Sandali nga lang, kapag pumayag ba ako sa pagpapanggap na 'yan, may assurance na hindi niyo na kami guguluhin ng mga kapatid ko?" Pagsisigurado ko. "Yes, Dei. May isang salita kami," seryosong sabi ni Kyle. "Fine! Pumapayag na ako!" -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD