Dei's POV “Magpapaalam na ho kami lola!” Paalam ni Kuya Sam kay lola bebeng. Maghapon silang nandito at maghapon ko rin silang hindi pinapansin. “Bye tita Dei!” yumakap sa akin si Basty kaya naman niyakap ko rin siya. “Bye Basty! Magpapakabait ka huh?,” sabi ko at sunodsunod ang tango niya. “Opo naman tita Dei. Sayang, akala ko nandito si papi. Sabi kasi ni mommy at daddy pinuntahan ka niya rito eh.” Nginitian ko lang si Basty at ginulo ang buhok. “Wag kang mag alala, sasabihin ko sa papi mo na bumalik na siya sainyo sa Laguna o sa Manila dahil wala naman na siyang aasahan dito sa bulacan.,” sabi ko at napatitig sa akin sina Kuya Sam at Patricia. “Dei--” “Sige na kuya, baka gabihin pa kayo sa daan.,” sabi ko kay kuya kaya naman umalis na sila. Naiwan na naman kaming dalawa ni lola b

