Chapter 1
"Okay class. andito na ba lahat?" it's our teacher nagbell na pala hindi ko man lang namalayan.
"Say present as I call your name ha"
"Okay, you're all here naman na so let's start our class na"
At ayon na nga nagsimula nang magturo si Miss Madrid our history class after she checked our attendance.
"Mia" pabulong na tawag ni Jenny sakin my seatmate/friend.
"Oh?"
"Bakit hindi ka sumama samin kanina? Ha? Edi sana nakakita ka ng gwapo para ma inspire ka din like me shen, and victoria" refering to our other friends sabi ni gaga na parang kinikilig.
"Gwapo ka jan, gwapo nga siguro pro baka gago naman" natatawang sabi ko
"Ay grabi naman sa gago to"
"Eto naman joke lang kasi hahaha. Alam mo normal lg magwapohan oh tumingin sa mga gwapong yan kahit naman ako tumitingin sa kanila eh, pero wag lang pahalata Jen baka isipin nila patay na patay tayo o kaya easy to get. Lalong lao na ikaw lokaloka ka pa naman" natatawang sabi ko
"Hayyy Ewan sayo friend, crush lang naman ang seryoso mo. Atsaka hindi naman tayo kilala ng mga yan senior naman na sila eh."
"Hindi pa. Pero baka makilala ka dahil sa sobrang consistent mo magpakita ng kilig sa tuwing kaharap mo yung mga yun kulang na lang himatayin ka sa kilig eh. Habang iba sa kanila lumalaki ang ulo pag alam nilang gwapong gwapo ka sa kanila, nakakainis kaya yun"
"Alam mo Mia ewan sayo hahaha hindi naman ako makakarelate sa pinaglalaban mo eh. Kasi sympre isa ka sa mga maganda na dito sa school my itchura dami din nagkaka crush sayo eh"
"Eh ano naman yung connect Jen? Isa pa beauty is in the eye of the beholder ah. Kaya maganda ka din for me. Okay?"
Ring... Ring.... Ring.....
At yun nga bigla na lang nagbell. Hudyat na tapos na ang klasi namin.
"Okay class that's all for today. See you all tomorrow"
"Thank you and goodbye ma'am!" Sabay sabi naming lahat habang naka tayo
At yun nga natapos lang yung klasi namin na puro chikahan lang kami ni Jenny. Si Jenny talaga kasi yung madaldal sa room namin kaya kung katabi mo siya goodluck na lang sayo.
"Mia uuwi ka na ba?" tanong ni Jen
"Oo wala naman ng klasi eh"
"Paget mo talaga ka bonding Mama Mia" maarteng sabi naman ni Victoria sabay tawa nahalatang inaasar ako.
"Oo nga. Mia tambay muna tayo kahit saglit lang" pagsang ayon naman ni Shen.
"Hayyy okay okay. Saglit lang tayo ha?"
"Oo saglit lang. Alam mo Mia nagtataka ako sayo hindi naman kasi strikto si Tita Mich eh. Pero bakit maaga ka pa parating kung umuwi ha? Kaya wala kang social life eh." Tanong ni Jen
"Wala gusto ko lang. Atsaka walang kasama dun si Mimi eh.
"ay ganun ba?"
"Oo. Kaya hali na kayo. Saan pala tayo nito?" tanong ko na lang
"Ay sa *The Good Place* na lang tayo tumambay" suggest ni Shen
"Okay. Tara" Sabay tango naming tatlo saka na lumabas ng classroom.
So nandito na nga kami sa The Good Place ng mga friends ko naka upo lang habang nagmamasid sa paligid at humihigop ng milktea na inorder namin. This place called "The Good Place" because this is literally the good place in terms of it's ambiance, the view, food as in everything you see is so good in your eyes. Speaking of good here comes the good looking guys. AKA heardthrobs and varsity players ng school namin. Sina Aki, Alex, Casimero and Nigel.
"Ahhhhhh!!!! Mia ang gwapo ni Alex ano?" kinikilig nasabi ni Jen sakin sabay hampas.
"Maka hampas ka ah?" gulat na patanong ko.
Hayyy hindi ko talaga alam bakit patay na patay ang mga girls sa school namin sa mga lalaking to. Yes I can't deny the fact na good looking naman talaga sila ha. Pero ewan ko ba hindi talaga ako madaling ma attract kahit gaano pa ka gwapo eh. Hmmm kaya minsan tinatanong ko din sarili ko eh baka tomboy talaga ako hahaha. Biro lang hindi din naman ako attracted sa girls siguro may ibang hanap lang talaga yung puso ko. Charoot!
"Hoy! ano na nangyari sayo girl? Gwapong gwapo ka na sa kanila ano? bakit my pa tulala effect ka na jan ha?" winagayway ni Jen ang kamay sa harap ko habang sinita ako sa pag katulala dahil sa litanya ko sa sarili.
"Haha. Hindi ano. My iniisip lang talaga ako" natatawang sabi ko saka bumalik sa huwisyo.
"Lalim ng iniisip ah. Bsta mga frenny ha walang talo talo akin si Casimero my love" kinikilg na sabi naman ni Victoria
"Sa inyo na walang aagaw sa mga yan ano. Haha! Sige bahala na nga kayo jan anong oras na oh kailangn ko nang umuwi" sabi ko sabay paalam sa kanila atsaka sabah tayo.
"Uuwi ka na ba talaga? Kakadating nga lang ng mga bebe namin dito eh." sabi ni victoria sabay tingin sa mga gwapong varsity players
"Heh! mauna na lang ako uwing uwi na talaga ako atsaka walang kasama dun si mimi sa bahay eh" sabi ko
"Okay. Fine sige uwi na nga tayo" medyo malungkot na sabi ni victoria.
At yun na nga sabay sabay din naman kami nag uwian. Kanya kanya din naman kaming sakay pagkalabas ng The Good Place. Magkakalayo din naman kasi ang bahay namin sa isa't isa.