Hindi alam ni Nicole kung paano napapayag ni Yoshin ang parents nya na matulog si Yoshin sa kuwarto nya after ng noche buena. Meron silang isang bakanteng kuwarto at sama sama roon ang pamilya ng tiya grace nya at 2 anak na babae habang si Reynan naman ay nasa sala na matutulog. “May hokuspokus kang sinabi sa magulang ko ano kaya napapayag mo silang matulog dito sa kuwarto ko ano.” baling ni Nicole kay Yoshin na sa sahig nakahiga habang nilatagan ng mama nya kanina ng makapal na comforter. “Matulog ka na Nicole.” nakapikit na sagot ni Yoshin. “Ano nga sinabi mo sa parents ko bakit pumayag sila na dito ka matulog sa kuwarto ko.” “wala.” “Imposible kilala ko si Mama at Papa.” giit pa rin nya. “I told them kapag may ginawa ko na labag sa gusto nila kusa akong lalayo at di nyo na ako

