“Sino?” salubong ang kilay na tanong ni Yoshin na napaangat ng tingin kay Jimin. “Si Ms. Devanadera sir.” kumunot ang noo ni Yoshin. Anong ginagawa nito sa company. “Send her in.” lumabas naman si Jimin ilang sandali pa pumasok na si Nicole na nakasimangot may dala dala itong papel saka pabagsak na ipinatong sa mesa nya kaya automatic syang napatingin roon. “Sabi mo 1 month pa ako kailangan mag pahinga e ano yan?” inis na tanong ni Nicole napakamot naman ng kilay si Yoshin. “Bakit ka nag punta sa hospital may masakit ba sayo?” tanong pa nito na tumayo para sana lapitan sya pero pinahinto nya ito. “Dinala namin si papa kanina sa hospital kasi na mamaga nanaman ang paa nya. Nag kataon po na nakita ko yung doctor na tumingin sa akin noon. Buti nalang sumama ako kila mama kanina nagkata

