Hinihintay ko si Ysha lumabas ng mapadaan si Sir Gerald. Kahit pa nahihiya ako dahil bago bumalik si Sir Trevor sa Baguio nong nakaraang araw pinalitan n'ya ang simcard ko. Ayaw pumayag na may ibang nakakaalam ng number ko kundi s'ya lang. At s'ya lang daw ang may karapatan magbigay sa ibang tao. Like what the F! Hindi ko naman s'ya jowa or Asawa! Pero kung makabantay sa akin wagas! "Hi Helena, nagbago ka ba ng number mo? Hindi kasi kita ma contact sa number mo before." tanong n'ya sa akin. "A-ah ano kasi… Sir Gerald, yong boss ko-" "Darling…" ani ng baritonong tinig sabay pa kaming napalingon sa pinagmulan ng boses. Si Sir Trevor! Dumating na s'ya. Hindi ko maiwasan hindi mapalunok dahil sa ayos n'ya ngayon. Naka black pants, white t-shirt and black leather jacket. Naka shades din s'

