Ngayon araw ang birthday ni Ysha maaga kaming gumising habang tulog pa s'ya. Dahan-dahan pa kaming pumasok sa room n'ya at nagsimulang kumanta. Nagising naman s'ya at pipikit pikit pa na umupo sa kama "Happy Birthday! Baby namin!" Sabay-sabay namin bati sa kanya at lumapit kami upang I pa blow sa kanya ang cake n'ya. "Make a wish, baby ko," utos ni Sir Trevor pumikit si Ysha saka muling nagmulat ng mata. Blow the candle baby girl!" Ani ko. "Yehey!" Sigaw pa namin isa isa namin syang niyakap. "Apo, anong wish mo?" nakangiti pang tanong ni Nanay Linda. "Ahm… ang wish ko po sana palagi po tayong masaya at hindi maghihiwalay."nakangiti n'ya pang sagot. Umupo si Sir Trevor sa tabi ni Ysha at niyakap n'ya ito. "Baby ko, Happy Birthday! Papa is always here for you. Papa loves you very mu

