Ilang beses pa akong napalunok dahil sa titig n'ya. Buong buhay ko ngayon lang yata ako kinabahan ng ganito kahit pa makapal ang mukha ko. Parang pakiramdaman ko nalunok ko ang dila ko sa mga oras na ito. Mestiza ang Nanay ni Trevor maganda ang tindig nito na pang beauty queen. Maikli ang buhok n'ya na aabot lang hanggang batok. Matangos ang ilong kulay red ang lipstick nito at plakadong plakado ang kilay! Yes kilay si life! Uso pa naman ang mga witch na biyenan sabi ng mga kapitbahay ko noon na chismosa! Sunod naman nyang tinignan si Hale pero mas iba ang tingin n'ya rito kesa sa akin. "You're such a handsome little boy. What's your name?" nakangiti nyang tanong at ginulo pa ang buhok ni Hale. "Hale po." nahihiya pang sagot ng kapatid ko. Parang may favouritism yata ah! Helena maganda

